Chapter 25: Ganda lang "MASAMA pa ba ang loob mo sa ‘kin?" tanong ni Bruce. Umiling si Karissa. He looked at her pinkish face. She was obviously drunk. Masaya siyang malaman na hinahanap naman pala nito ang kanyang presensiya. Alam ni Karissa ang mga nagaganap sa paligid sa mga oras na iyon kahit pa may tama siya ng alak. Dahil na rin siguro sa inilublob siya nito sa tubig. Nadama niya ang lamig at gusto niyang tumayo ngunit hindi niya kaya. Gayunman ay para pa rin siyang timang na wala sa sarili. "Boss, naiingit ka ba sa boobs ko kaya ka nakatingin?" saad ng dalaga. Tumikhim si Bruce dahil para itong napahiya. Umiwas ito ng tingin habang namumula ang magkabilang pisngi. Pumasok kasi sa isip nito ang araw na iyon—ang araw na may naganap sa kanilang dalawa. "Mura lang kay Belo," p

