Chapter 10: Labor code MALUNGKOT si Karissa para sa kaibigan niya na si Cathy kaya naman nakapagdesisyon siya na lumipat na lang ng ibang tahanan. Isang doorbell ang pumukaw sa nililipad niyang kaisipan. Binuksan ni Karissa ang pintuan at lumitaw sa paningin niya si Bruce Wang. Nakapolo ng asul ang lalaki at jeans. Mas casual ang suot nito kumpara sa mga nakaraan na madalas ay naka-amerikana ang lalaki o kaya naman ay long sleeve polo at necktie. "Lasing na yata ako. Hindi naman ako masyadong uminom, ah," usal niya habang patuloy na sinisino ang lalaki. Pinisil-pisil niya ang pisngi nito. "I'm here to get my iPad," wika ni Bruce. Doon lang napagtanto ni Karissa na nasa harapan niya talaga si boss, at hindi pala tablet ang pinahiram nito sa kanya kung hindi iPad. Bigla niyang

