Chapter 9: My Ex & Whys LUMIPAS ang mga araw niya sa opisina, hindi akalain ni Karissa na magiging mahusay siya sa trabaho. Mahusay magtimpla ng kape, mahusay tumanggap ng tawag, correction tawag ni Assistant Wei para sa mga utos. Mahusay sa pagtimpla ng kape at… mahusay tumanggap ng tawag. Paulit-ulit ano? Wala na kasi siyang maisip kung saan pa siya mahusay. Pero huwag ninyong isipin na “bobs” siya, entiendes? Well, at least she knows how to speak English, French, Korean and Japanese. Kaya kahit sino pa ang iharap sa kanya na kliyente ay magkakaintindihan sila. English, with British accent, “May I know who's on the line, please? Mr. Wang is at the meeting.” Isipin mo na lang na si Harry Powtar ang nagsalita, okay? French, “Ise vou cou for sah le. (buko for sale). Mala vou, mala

