Chapter 8: Nagmamaganda MABILIS na natanggap si Karissa sa bar na in-apply-an niya ng trabaho bilang waitress. Dahil tulad nga ng sabi ng kaibigan niya na si Cathy, maganda siya at pasok na pasok sa banga o standard bilang waitress ng Lantern Bar. May tatlong gabi na siyang nagtatrabaho doon at wala pa siyang na-encounter na problema. It's a high-end bar desired for “yayamanins” kaya naman malaki rin ang tip na natatanggap o inaabot sa kanya ng mga customers. Kung mayroong bagay na hindi nagugustuhan si Karissa, siguro iyon ay sa suot niya na para siyang suman dahil sa sobrang hapit na hapit nito sa katawan. Isang spaghetti strap na bestida na kulay itim ang suot nilang mga waitress doon. Litaw ang kalahati ng likuran niya at bahagya sa cleavage. Siguro kung hindi iyon isang disente

