Chapter 20: Cheap NAGULAT na lang ang mga kaibigan ni Bruce nang sumigaw si Serena ng tulong. Abot-tainga naman ang pagkakangiti ni Karissa dahil mayroon siyang one thousand. Ilang saglit lang, napansin niya na lang na may kumaluskos na kung ano sa kanyang likuran—sa loob ng mga halamanan. Nabigla na lang si Karissa nang makita na may tao na umikot doon. Isa-isang nagsipaglapitan sa lugar ni Karissa ang mga kaibigan ni Bruce at nakita nga nito si Serena sa loob. "Did you push her?" direktang tanong ng isang babae na kasama ni Bruce sa kanya. "Huh?" Napakunot ang kanyang noo sa tanong nito. Hindi nga niya alam na may sumuot sa mga kumpol ng matitinik na halaman. "Sino pa ba? Si Serena." Halata sa mukha ng babae na nagdududa ito sa kanya. "I didn't do anything." Anong kinalaman ko

