Chapter 19: Rated SPG ILANG minuto nang hinahanap ni Bruce ang nobya niya hanggang sa may marining siyang sumisigaw ng "Aswang". Normal na reaksyon ng tao, lalo na kung nasa isang masukal na lugar ay mag-panic kapag narinig na may aswang sa paligid. Ngunit nabigla si Bruce nang lumitaw sa paningin niya ang nobya niya sa likod ng malalaking puno na natatakot. Tumakbo ito patungo sa kanya. Nagdilim ang paningin niya nang makita na kasunod ng nobya niya si Serena. Ramdam niya na may pinaplano ito kay Karissa dahil nababasa niya ang kaplastikan sa mukha nito. Ang nasa isip naman ng mga kasama nila ay napagkamalan ni Karissa na aswang ang kaibigan nila na si Serena. Yumakap agad si Karissa kay Bruce nang makalapit siya sa nobyo niya. "May aswang, boss!" Tiningnan nilang lahat na magba

