Chapter 18: Tipitipitim-tipitim "SINAKTAN ka ba ni Candice?" nag-aalalang tanong ni Bruce kay Karissa. "Huh? Hindi. Bakit naman niya ako sasaktan?" takang tanong ni Karissa sa lalaki. Hinila na lang siya nito palapit sa katawan nito para yakapin. Pansin ni Bruce na masama ang tingin ng lahat sa dalaga. Lumapit si Candice sa kanila. "Bruce!" Nagliwanag muli ang mata ni Karissa nang makita ang babae. "Heto ba ang ipinalit mo sa akin? Saang gubat mo ba ito napulot?" galit na tanong nito habang itinuturo siya. Puno ng pangungutya ang tono nito na hindi nagustuhan ng lalaki. Hindi nagdalawang-isip si Bruce na sinampal si Candice. Agad na humapdi ang pisngi nito at namula. Nagulat si Karissa. Hinawakan agad ni Candice ang pisngi nito. Punong-puno ito ng galit. "How dare you!" "Wala

