Chapter 17: Pool Party DAHIL sa balita, hindi nakaligtas sa tainga ni Assistant Wei ang mga usap-usapan. Naniningkit ang mga mata nito na nakatingin kay Karissa na pumasok sa mini pantry. Nakita nito na nagtitimpla pa siya ng kape habang nakangiti. Nang ipapasok na ni Karissa ang kape sa loob ng opisina ni Bruce, humarang si Assistant Wei sa pintuan. "Anong inilagay mo rito?" Tinuro nito ang tasa na hawak ni Karissa. "Kape na Nescafe 3-in-1." "Wala ng iba pa?" "Tubig," inosenteng sagot. Assistant Wei "..." Ngumiti si Karissa na parang kiti-kiti na kinikilig. "At saka pagmemehel." Bumukas ang pintuan at bumungad si Bruce. Umayos naman agad ang dalawa na nakatayo sa tapat ng opisina nito. "Hello, boss. As promised, heto na ang kape na gawa ko para sa 'yo." Abot-batok ang kanyang

