Chapter 16: Set-up TINULUNGAN siya ni Bruce na ayusin ang gamit niya sa isa sa tatlong kuwarto roon. Bilib siya sa lalaki dahil mas pinili pa rin nito na huwag magtanong kung sino ang kaibigan niya na nagpatira sa kanya sa dati niyang tinitirhan. Matapos iyon, nanood lang sila ng pelikula sa seventy inches na TV ng lalaki. Kahit ayaw ni Bruce ng baduy na pelikula ng Tagalog, napapayag niya ito na manood sila ng palabas ni Vilma Santos. Matapos ang isang pelikula, tinuruan pa siya nito sa aralin niya. Nang sumapit ang gabi, sinamahan pa siya nito na mamalengke sa Farmers, Cubao. Napagkasunduan nila na siya ang magluluto para i-celebrate ang araw na iyon. They enjoyed each other while preparing their dinner. Unang beses ni Bruce na gawin ang ganoon sa buong buhay niya. Kahit ang Mo

