Chapter 27: Theme Park NAGPAALAM si Karissa sa tatay niya at kay Bruce na pupunta muna siya sa palikuran. Nakasalubong niya sa daan si Tiya Pusit at tinanguan niya lang ito bilang respeto sa may-edad na babae. Nakahalukipkip naman ito na hindi siya pinansin at dire-diretso lang sa paglakad pabalik ng mesa nila. Nagtungo siya ng ladies’ room at naghugas ng kamay. "Anak ka ng pu— Anak ka ng pulis ng Meycauayan… Nanay mo'y malan— Nanay mo'y!" Nagawa niya pang kumanta. Nang iangat niya ang mukha sa salamin ay nanlaki ang mata niya nang magtagpo ang mata nila ni Axel—ang ex-boyfriend niya. Mabilis na tinalian nito ang bibig niya ng panyo saka siya sinakluban ng sako ng patatas. Nilagyan ng tali ang mga kamay niya sa kanyang likuran. Naramdaman na lang niya na binitbit siya nito. "

