Chapter 28: Proposal LUMIPAS ang tatlong taon… Sa loob ng mahabang panahon, siyempre pa ay marami na ang nangyari! Kasama na rito ang pagkuha ni Karissa sa kanyang diploma sa kolehiyo at may extra pa! Translator na si ate girl ngayon. Uulitin ko, translator na si ate girl ngayon. Bawal ang judger! Si Tiya Pusit, sumalangit nawa ang kaluluwa niya. Matapos makagat ni Blackie na rottweiler, nabuhay pa rin si ate, pero kinagat na ng totoong askal at kinabukasan ay kumakahol-kahol na sa bahay nito. Pero hindi rabies ang totoong kinamatay ng may-edad na babae kung hindi nasagasaan ng truck. Nag-play dead kasi si Tiya Pusit sa kalsada at hindi napansin ng driver kaya sumakabilang buhay. Si Mandy naman na kapatid ni Karissa sa tatay ay nag-asawa ng Afam! O Amerikano. Dinala sa Amerika at

