Prologue
Maaga akong nagising. Pinilit ko pang matulog pero hindi na ako inaantok. Kaya tumayo na ako at nagtungo sa banyo para magbawas ng tubig sa katawan.
Nang matapos ay dumiretso ako sa dining area at doon hinayaan ko ang sariling tumulala.
Nang may maalala ako ay agad kong napalingon sa selpon na nilapag ko sa lamesa kani-kanina lang.
I grabbed my cellphone and call my Boybestfriend. Alam kong maaga pa para sa gagawin naming thesis pero gusto ko nang simulan ito agad para matapos rin agad.
"Hmm?" Sagot ng Kaibigan ko.
Bakas pa rito ang antok dahil naalimpungatan ito, sa biglaang pagtawag ko. Napangiti ako dahil roon.
"Mamayang tanghali, pupunta ako d'yan sa inyo. Gawin na natin 'yung thesis para matapos agad."
"Anong oras?"
"Mga 1 pm."
"Sige, babangon na ako."
I grimaced. Ala singko palang ng madaling araw. Tumawag lang naman ako para malaman n'yang pupunta ako sa kanila. Sira.
"Hoy! Pwede ka pa naman matulog eh. Anong oras palang. Tumawag lang ako para malaman mong pupunta ako d'yan sa inyo."
"Ahhh... Di bale na. Nawala na antok ko dahil sa'yo."
"Wews. So, kasalanan ko?"
"Alangan namang kasalanan ko? Sino bang tumawag ng ala singko ng madaling araw para lang sabihin na gustong pumunta dito sa bahay para simulan ang thesis?"
Napanguso ako. Kahit kelan talaga hindi ako manalo-nalo sa lalaking 'to.
"Oo na! Ako na. Psh!"
Nakabusangot kong sagot. Narinig ko naman s'yang tumawa sa kabilang linya. Unti-unti ay nawala ang busangot kong mukha at napalitan 'yon ng ngiti.
"Sige na. Maglilinis na ako rito sa bahay. Baka magreklamo ka nanaman at sabihin mo nanaman na haunted house 'tong bahay namin."
Napatawa ako. Totoo 'yon. Nung unang beses kong punta sa bahay nila ay akala mo nadaanan ng baha o di kaya ng ipo-ipo sa sobrang gulo. Wala sa tamang lalagyan ang mga damit at puro nakasalampak lang iyon sa malaking Cabinet. Punong-puno ng hugasan ang sink at napakaraming canned food and drinks na nakakalat sa sahig. Old style kase ang bahay nila. Mapalabas o loob mukha itong haunted house. Kaya kinikilabutan ako ng konti kapag papasok sa bahay nila. Feel ko kase may multo.
Siya lang kasi ang nakatira sa bahay na 'yon. Ang mga magulang n'ya kasi ay nasa ibang bansa at parehong nagtatrabaho. Only child lang s'ya. Nag offer nga ang magulang n'ya na mag-hired ng katulong para naman may kasama s'ya sa bahay pero umayaw s'ya dahil ayaw n'ya daw ng may kasama. Kaya ayun, napakagulo ng bahay nila, plus lalaki s'ya at hindi sanay sa gawaing bahay.
Hindi ko nga alam kung paano s'ya nakakatulog kahit napakarumi na ng bedsheet n'ya. Eww...
"Oo! Tama 'yan. Maglinis ka! Mahiya ka naman. May Dyosang bibisitang muli sa bahay n'yo."
"Ulol! Hahaha. Ge bye."
Pagpapaalam n'ya sabay end ng call. Napairap ako at napangiti.
Tumayo na ako at nag prepare na para mamayang tanghali. Nagtungo ulit ako sa banyo para maligo at nagbihis. Plain Oversized T-shirt na kulay purple with purple shorts. Tinignan ko ang sarili sa human size na salamin ay napangiti ako.
Kahit ano sigurong isuot ko, babagay sa'kin.
Nang makuntento ay bumaba na ako para kumain. Nagsaing muna ako at ininit ang natirang adobo kagabi.
Saktong 7:00 AM tapos na akong kumain at hinihintay ko nalang mag alas dose para masimulan ko nang maglakad papunta sa bahay nila Jayzer.
Habang hinihintay ko ang oras ay nag walis-walis muna ako kahit wala naman akong duming nawawalis. Hanggang sa maabutan ako ni Kuya Francis. Pupungas-pungas pa ito nang makita ako ay bahagyang nangunot ang noo n'ya.
"Himala. Ang aga mo atang nagising?"
Namamanghang lumapit pa s'ya sa'kin kaya napairap ako.
"At nakaligo ka na rin? Pucha! Aalis ka 'no? Alam ko 'yang mga galawan mong 'yan Francesca Marinel."
Iiling-iling n'yang sabi at nagtungong kusina.
"Tss. May thesis kami. Gusto kong matapos na 'yon agad para hayahay nalang ako pag malapit na ang pasahan. Huwag mo kong igaya sa'yo na palagi mong ipinagpapabukas ang Schoolworks mo!"
"Sus! Excited kalang kasi makikita mo nanaman 'yung crush mo eh. Huwag ako Frances. Kilalang-kilala kita."
Sambit n'ya sabay labas sa kusina at dumiretsong dining area, katapat ko.
"Psh! Sinong crush? Sa pagkakaalam ko. Wala akong crush sa school dahil puro pag-aaral ang inaatupag ko, kuya." May pag diin ko pa sa kuya.
"Talaga ba? Eh sino kaya 'yung Jayzer Monteriallo na nakasulat sa likod ng Math notebook mo?"
Nanlaki ang mata ko.
"Pinapakealaman mo 'yung gamit ko?!" Sigaw ko.
Ngumisi lang s'ya.
"Pag-aaral pala ang inaatupag ah..." Mahinang sambit n'ya pero tama lang para marinig ko.
Inis ko s'yang nilapitan.
"Kaibigan ko lang 'yon!"
"Talaga ba?"
"Oo! Kaya huwag kang issue!"
"Ahh... Kaya pala may nabasa akong... I think i like you... I think i like my bestfriend... Okay kaibigan lang nga." Pag-aasar n'ya pa.
Nanlaki ang mata ko. Wtf?! Where did he saw that?! In my Math Notebook?!
"Leche ka! Huwag mo ngang pinapakealaman ang mga gamit ko! Tsk."
Iyon nalang ang nasabi ko at inis akong tumungong kwarto. Bago pa ako pumasok ay narinig ko pa s'yang tumawa. Iyung tawang nagwagi nanaman sa morning fight naming magkapatid. Nakakainis!
Sa kwarto ko nalang naisipan magpalipas oras. Naglaro muna ako ng Mobile Legends para naman malibang ako at hindi ko mamalayan ang oras.
"Shet! 1:30 pm na!" Taranta kong sabi at pabalikwas na bumangon sa kama.
In-exit ko na muna ang laro at itinago ang selpon sa bulsa ng shorts ko.
Tinignan kong muli ang sarili sa salamin at dali-daling lumabas ng kwarto.
Naabutan ko si Kuya Francis na nilalagyan ng dogfood ang lalagyan ni Tigreal. Nang mapansin ako ay tinawag n'ya ang pangalan ko. Bored ko s'yang nilingon.
"Umuwi ka ng maaga ah. Sumbong kita kila mama kapag ginabi ka ng uwi."
Binelatan ko nalang s'ya at agad na lumabas ng bahay.
----
2:20 pm na ako nakarating sa bahay nila. Nahihiyang pinindot ko ang Doorbell. Agad namang may bumukas nito, at bumungad sa'kin si Jayzer na iiling-iling na nakatingin sa'kin.
"Ala una pala ah.." sambit nito at binuksan ng malaki ang pinto ng bahay nila para makapasok ako.
"Hehehe. Nalibang ako sa paglalaro kanina kaya hindi ko namalayan 'yung oras." Totoong pagdadahilan ko. Umiling lang s'ya at iginaya ako sa loob ng bahay nila.
Halos naging letrang O ang bibig ko nang makita ko ang bahay nila na malinis. Inilibot ko ang tingin at kahit siguro alikabok ay wala kang mapapansin o makikita. Talagang naglinis talaga s'ya ah. Hindi na mukhang haunted house ang bahay nila. Ngayon kasi ay para na itong may buhay. Parang normal na bahay na ito.
"Baka pasukan ng langaw 'yang bibig mo"
Napabusangot ako.
"Ah talaga ba, Jayzer? Pak–" hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla n'yang takpan ang bibig ko.
Inis ko s'yang tinignan pero sinabihan n'ya lang ako na huwag mag-ingay.
"May nakita ka bang sumusunod sa'yo kanina pagpunta mo rito?" Tanong n'ya.
Umiling ako bilang sagot.
"May sumunod sa'yo." Aniya at mabilis akong hinila papasok sa kwarto n'ya.
Nagsimula akong kilabutan dahil sa sinabi n'ya.
Ano? May sumunod sa'kin? Sino namang susunod sa'kin? Multo ba? Potek! Alas dos palang! Wala pang multo ng ganitong oras kaya!
"S-sinong sumunod sa'kin?" Tanong ko nang tanggalin na n'ya ang kamay n'ya sa bibig ko.
Lumingon s'ya sa'kin pero agad n'ya rin iyong inilihis at sumilip sa maliit na butas sa pinto ng kwarto n'ya.
"Wait. Titignan ko lang sa cctv footages." Aniya at pumunta sa part ng kwarto n'ya na puro computer.
Tinignan n'ya lahat ng cctv footages. Nagulat ako ng may mahagip ang cctv na isang lalaki na nag over the bakod sa garden nila Jayzer. Malinaw pero hindi masyadong makita ang mukha n'ya dahil balot na balot ito. May nakatago pa itong isang bagay sa gilid ng bewang nito at alam kong isa 'yong baril.
Napasinghap pa ako ng makita ko sa footage na pumasok ito ng bahay nila Jayzer na animo'y walang takot sa cctv cameras na nakapalibot sa buong bahay. Nasa sala na ito at parang may hinahanap.
Nagsimulang manlamig ang buong katawan ko. Natatakot ako. Natatakot ako dahil baka may kung anong mangyaring masama sa amin.
Napansin 'yon ni Jayzer kaya naman niyakap n'ya ako para pakalmahin at pinatago sa isang malaking Cabinet na nasa loob ng kwarto ni Jayzer. Hindi na ako tumutol at tinago nalang ang sarili doon.
Hindi ko sinara ng buo ang Cabinet para masilip ko ang ginagawa ni Jayzer.
Pabalik-balik ito na parang nag-iisip ng paraan para malusutan ang taong sumunod sa'kin. Hindi ko naman kasi talaga naramdaman na may sumusunod pala sa'kin.
Napatakip ako ng bibig nang biglang may kumatok sa kwarto. Nakita ko si Jayzer na agad na pinadlock ang pinto ng kwarto at kinuha ang isang bat na naka display lang sa kwarto n'ya.
Kumakabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Shems! I need to call a police! Pero bago pa man ako makapag dial ay naunahan na ako ni Jayzer.
"Hello?... Please help us! Someone knocking at my room door!... I don't know him... Yes, may kasama ako...Marcelo Subdivision blk 02 lot 06... Please make it faster!... Sinisira na n'ya yung pinto ng kwarto ko!" Narinig kong sabi n'ya at pinatay na ang tawag.
Pinuwesto n'ya ang sarili at hinihintay ang taong makapasok sa kwarto. Ako naman ay hindi na mapakali, at sa bawat pagtangkang buksan ng taong sumunod sa'kin ang pinto ng kwarto ni Jayzer ay mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko.
Wala akong nagawa kundi ang manalangin nalang ng taimtim. Pero napatili ako ng mahina dahil bigla nalang akong nakarinig ng pinto na nasira. Tinakpan ko ng dalawang kamay ang bibig ko at sumilip sa maliit na siwang ng Cabinet.
"S-sino ka? Anong kailangan mo?" Ani Jayzer na mahigpit na nakahawak sa bat
Tumawa lang ang lalaki at dahan-dahang lumapit sa kan'ya. Sa bawat lapit ng lalaki ay lumalayo si Jayzer. Gusto kong lumabas at suntukin ang lalaki pero hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa'king gawin 'yon.
"Where is she?" Tanong nito.
"Who?"
"The girl."
"Wala s'ya rito."
Tumawa ang lalaki at mas lumapit pa sa kan'ya. Aatras pa sana s'ya nang mabilis s'ya nitong hinawakan sa kamay at maagap na kinuha sa kan'ya yung bat na hawak-hawak n'ya.
"Tss. Slow as always, Doom."
Nangunot ang noo ko. Anong ibig tawag n'ya kay Jayzer?... Doom?
"Knight? A-anong ginagawa mo rito?"
Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan n'ya at kung bakit n'ya tinawag na knight yung lalaki. Kilala n'ya ba 'yon? Baket n'ya ako hinahanap? Sa pagkakaalala ko naman, wala akong atraso sa kahit na sino sa school?
"Because of some business." Nakita kong napa-atras si Jayzer ng konti.
"Anong business 'yan?" Bakas sa boses n'ya na natatakot na s'ya.
Pati rin naman ako. Gusto ko lang naman gumawa ng Thesis and at the same time masilayan si Jayzer. Oo na! Iyon talaga 'yung balak ko. Pero hindi naman ito ang inaasahan ko!
"The highness ordered me to kill you, doom."
Napahigpit ako sa pagtakip sa bibig ko dahil sa narinig. A-ano? Papatayin n'ya si Jayzer?! Anong gagawin ko. Hindi na ako mapakali sa pinagtataguan ko. Pero pilit ko parin silang pinapanood sa maliit na siwang ng Cabinet.
"You must pray for your soul, doom. You need to face Satan..." Nilabas nito ang baril mula sa gilid ng bewang n'ya at tinutok sa noo ni Jayzer."...Just say hello to my father for me." Dagdag pa nito at walang pagdadalawang-isip na pinutok ang baril sa noo ni Jayzer.
Napasigaw ako sa nakita at agad ring tinakpan ang bibig dahil nakita kong napalingon ang lalaki sa gawi ko. Kahit nanlalambot ay pinigil ko ang paghinga dahil sa takot na baka patayin rin ako ng lalaki.
Napahiyaw ako ng biglang binuksan ng lalaki ang Cabinet at bumulaga s'ya sa harapan ko.
"Nand'yan kalang pala."
Aniya at hinila ako palabas ng cabinet. Nangingiyak-ngiyak ako nang makita ko ng malapitan si Jayzer na wala ng buhay at naliligo na sa sariling dugo.
Lumapit ang lalaki sa akin kaya naman napaatras ako. Nang wala na akong maatrasan ay napapikit nalang ako sa takot.
Nangilabot pa ako ng marahan n'yang hinawakan ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kan'ya.
"Pasens'ya ka na."
Napatigil ako. Marahan kong binuksan ang mga mata ko. Nakita ko s'yang nakatalikod na sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako nakaramdam ng matinding galit at parang gusto kong patayin ang lalaking pumatay sa kaibigan ko.
Lumapit ako sa kan'ya at pilit na tinatanggal ang takip n'ya sa mukha. Pero hindi ako nagtagumpay dahil tinulak n'ya ako ng malakas.
Narinig ko pa s'yang may sinabi pero hindi ko na iyon pinansin at lumapit ulit sa kan'ya para makita ang mukha n'ya. Pero imbes na mukha ang mahablot ko, 'yung t-shirt n'ya na kulay itim ang nahila ko at naglikha ito ng ingay nang mapunit ito at nakita ko ang alam kong magiging palatandaan ko sa pumatay sa kaibigan ko.
Isa itong Scorpion na nasa kaliwang ibabang dibdib n'ya. Napatigil kaming dalawa at ilang minuto ko ring natitigan ang tattoo n'ya.
Mabilis n'yang binawi ang damit n'ya ng makarinig ng nakakarinding tunog. Dumating na pala ang mga pulis ngunit katulad sa mga palabas ay huli nanaman silang dumating.
Tumakbo na s'ya at tumakas. Wala akong nagawa kundi sundan s'ya ng tingin at mapatulala nalang sa kawalan.