Prologue

446 Words
Eviana Clare Yane's P.O.V. “Huwag ka na uli umiyak, ha? Dahil bukod sa papangit ka, baka may mangyari pa kay Baby at sa ’yo. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin at kahit ano’ng mangyari, nandito lang ako para sa inyo. Kahit pa nababahuan kayo ni Baby sa akin,”   Sinong mag-aakalang iyon na pala ang huling pagkakataon na magagawang ngumiti ni Clare dahil kay Blue? Lahat ng bagay, may kapalit. Iyon ang isa sa mga aral sa buhay ni Clare. Dahil kapag may hiniling ka at natupad iyon, siguradong mawawala nalang iyon ng biglaan. Subok na ni Clare 'yon mula noon, hanggang ngayon. Kagaya na lamang ng pag-iwan sa kaniya ng lalaking pinakamamahal niya. Naaalala niya pa noong araw na lumuhod siya sa harapan ng asawa niyang si Blue Sown upang magmaka-awa na huwag siya nitong iwan, pero wala. Hindi niya parin siya nito pinili. Mas pinili niya parin ang ahas na dati niyang kaibigan na si Kina Shin na isinugo ni Satanas, para guluhin ang masaya at tahimik na buhay ni Clare. Taksil siya at walang-hiya! Bawat luhang pumapatak, katumbas ang isang hikbing walang kasing-sakit. Patuloy na agos lang nang agos na hindi na mabilang kung ilang beses siyang umiyak. Nagtataka nga siya kung saan nanggagaling ang mga luha niya gayong hindi ito maubos-ubos. Ilang linggo palang ang nakalipas mula nang araw na lumuhod siya sa harapan ng pinakamamahal niyang lalaki, kaya sariwang-sariwa parin ang sugat at sakit na nararamdaman ni Clare. Alam na alam niya parin ang bawat detalye at hinding hindi niya ito makakalimutan. Napaka makasarili nila! Hindi alam ni Clare kung paano siya nagawang iwan at saktan ng pinakamamahal niyang asawa, lalo na ngayong may bata sa sinapupunan niya. Wala siyang ma-isip na dahilan. Ganoon na ba siya ka-walang hiya, para hindi ma-isip ang magiging kapakanan nila?! Matapos ang araw na masaksihan ni Blue ang pagluhod ni Clare sa harapan niya, lumipad ito patungong Italy kasama si Kina. Mayroong pinamamahalaan na Fashion Company doon si Kina Shin at dinala siya nito roon at sinabing doon sila titira, upang tulungan siyang kalimutan nito si Clare--- na imposibleng mangyari kahit kailan, dahil si Clare ang buhay niya. At sa ginawa niyang p*******t sa pinakamamahal niyang asawa, parang kinalimutan niya na ring mabuhay. Ironic how he said he would never leave her. Na noong una, sabi ni Blue tatalikuran niya pati pamilya niya mapa-sakaniya lang si Clare, but look at him now. He left his one and only love because of his own reasons of katangahan at kaduwagan. Kasal parin sila Blue and Clare, kaya araw-araw, nananalangin si Blue na sana, mai-balik parin niya ang dating sila. Na sana isa sa mga araw na gagawin ng Diyos, magkakasama na sila kasama ang mga magiging anak nila. Kaya sana kapag pwede na, pwede pa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD