Clare's P.O.V.
Akala ko noon, napaka simple lang ng buhay na mag aaral, ga-gaduate, makakakuha ng trabaho, magpapaka-successful, mag-aasawa na makakasama hanggang pagtanda at sa pagputi ng buhok— but no.
My life is the perfect illustration of complicated life full of misery, pain and sufferings.
Napakagulo.
Lalo pa itong pinagulo ng lalaking mahal at minamahal ko pa rin hanggang ngayon. Na sa bawat oras na pumasok siya sa isip ko, nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit mahal ko parin siya. Sapat naman na dahilan ang ginawa niyang pag-iwan sa akin para burahin siya sa buong pagkatao ko, but forgetting and forgiving; it's easier said than done.
Sa loob ng dalawang buwan at kalahati ay hindi ko man lang nasilayan si Blue nang kahit kaunti lang.
A tear escaped my eye.
I still don't get it. Nasasaktan ako nang sobra kung bakit hindi niya ako sinaktan at iniwan. Kung bakit hindi siya nanatili sa piling ko. Kung bakit hindi siya nag-pakatatag para sa akin. At kung bakit hindi niya nilakasan ang loob niya para sa aming dalawa?!
Sabihin na nating hindi na para sa akin. Para nalang sa magiging anak namin. I'm five months pregnant and my bump is bigger than a normal 5-month old tummy.
Siguro'y napaka lusog ng anak ko...
Nagkaroon ako ng ultrasound noong first month ng pagbubuntis ko, pero ipina-sikreto ko muna sa doctor ko ang resulta. As long as healthy ang baby ko, ayos ako. It's been four months and I still got no idea if my baby's going to be a he or she. I want the result to be a surprise.
Dalawang buwan na akong nagmukmok sa kwarto.
Mag-isa, umiiyak, hindi kumakain, nagwawala, at nagtangkang magpakamatay, dahil akala ko, hindi ko na makakayanan ang mga problema ko.
Nang mga panahon na sinubukan kong tapusin ang buhay ko, isinugod ako sa hospital nila Mommy at napag-alaman namin na kaunti nalang ang kapit ng bata sa tiyan ko at kaunting-kaunti nalang ay mawawala na ito sa akin. Na kaunti na lang, iiwan din ako ng anak ko. Hindi ko na makakayanan kapag nangyari iyon.
There are a lot of changes happened in my life. Unexpected people came as blessings that brought lessons and ones who only brought pain.
I'm thankful for the ones who stayed despite of everything specially, my family. To the unexpected person who I never thought would be my shoulder to lean and cry on today. My best friend, Shannen Del Moral.
She's been attentive since we started to be friends. That she was just pressured by her family's business, that's why nagawa niya lahat ng mga pagsusungit niya sa akin noon about me dating Blue Sown, that supposedly her
"arranged" fiancée before — and that's perfectly fine to me.
My rival turned into my best of friend and the one I used to call my bff betrayed me and became my most hated person now...
What kind of game does destiny wants me to play? I still have no clue, until now.
Shannen saw my weakest point, where she checks me everyday to see if I already take my meds and vitamins. She stayed even though I consistently pushed her away. She did all that for me and I love her.
She told me that one of the fater ways on how can I move on is to move to a different place. To leave all the places that Blue and I had memories with. Shannen offered their house in Italy and days from now, we're going there.
"Ate, okay na ang passport mo. Everything's settled. Nai-pabook ko na rin kayo ng ticket ni ate Shannen to Italy and your flight would be next week." sabi ni Irvi habang may may hawak na papeles. Kagagaling niya lang mag-asikaso ng mga papers ko.
"Ate, kumain ka na ba?" He asked. Alam kong nag-aalala ang baby brother ko para sa akin.
"Hindi pa." tipid at daretso kong sagot.
"Nagluluto si mama. Mamaya kain ka, ha? Para kay baby." Diniinan niya pa ang huling sabi niya, dahil alam niyang kakain ako, para sa anak ko. Pinilit kong ngumiti kay Irvi, pero alam kong hindi siya kumbisido doon.
Kung noon ay may kasamang tanong ang bawat sagot ko at hindi ako mauubusan ng kwento... Ngayon, sila na ang mapapagod na magkuwento, pero wala parin akong magawang isagot at isang-ayon sa kanila. Nakakaguilty at mabigat sa kalooban na hindi ako si Clare na nakasanayan nila.
"Ganun ba? Sige. Tawagin mo nalang ako, kapag kakain na." tumango naman siya, kaya umakyat na ako sa kwarto ko at iniwan siya sa living room.
Bago ako tuluyang maka-akyat ay naaninag ko si Mommy sa kusina at sakto namang napatingin siya sa akin pagkatapos ay sumenyas siya na lumapit ako sa kaniya, kaya lumapit ako.
Alam na alam na kasi nila, kapag ganoon ang sagot ko. Ibig sabihin, ayaw ko ng kausap. Hindi na siguro ako ang dating masayahin na Clare. Hindi na ako 'yung kahit sa simpleng bagay lang ay tumatawa ako.
Kabaligtaran na lahat ngayon. Na kahit nakakatawang bagay pa ay hindi ko magawang tumawa o ngumiti man lang.
"Anak, 'wag ka nang sumimangot... Bahala ka. Papangit si baby. Bukas pa naman ang ultra sound mo.. Baka nakasimangot din niyan si baby, ha?" masuyo ang pagbibiro ni Mommy, ngunit kahit isang ngiti lang na peke ay hindi ko ma-ibigay.
"Mommy, pwede ba.. Tama na ang pagpapa-alala sa akin na huwag akong sumimangot. Hindi niyo alam kung ano ang nararamdaman ko." seryoso parin ang mukha ko.
Umiwas ako ng tingin kay Mommy. Hindi ko siya kayang tignan. Nahihiya ako sa kaniya. Wala na siyang ginawa kung hindi pagaanin ang loob ko, pagkatapo heto ako, pinapamukha na walang halaga ang ginagawa nila.
"Anak, hindi naman sa ganoon. Ang sa akin lang, ayokong---"
"Mommy, naman. Hindi na maibabalik ang nakaraan, para ibalik ang saya ko. Kahit sinong santo siguro ngayon, walang magagawa para mabawasan ang problema ko. Sarili ko nga hindi ko maintindihan, tapos kayo pa?" nakita kong naluluha na si Mommy.
"Anak, tama na—"
"Mom, you will never know my pain, dahil maayos kayo ni daddy at wala kayong problema, kaya hindi mo alam, mom. Hindi." nakita kong nasaktan si Mommy sa sinabi ko. Who wouldn't be?!
Napaka walang kwenta kong anak para sabihan ng ganon ang mommy ko! Sht. What have I done?!
"Anak, don't be like that... Yes. Maybe. Hindi ko alam kung gaano ka nasasaktan, but you're my daughter and kapag nakikita kitang nasasaktan, I get hurt too. Be strong, anak. I know you're stronger and better than this." hindi ako naka-sagot. I expected her to slap me and to yell at me, but she didn't. Indeed she's my mom.
An angel of mine.
Sila 'yung mga taong may totoong malasakit sa akin, pero bakit nasasaktan at itinataboy ko rin sila?! Hindi nila kasalanan na ganito ako ngayon. This is all my fault. All they did was to support me on everything.
You're unfair, self.
"Sorry." I said. Hindi man ako makatingin sa mga mata niya.
"Mommy, matutulog na ako." nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Hahatiran kita ng pagkain sa kwarto. Magpahinga ka na. I love you, anak." tumalikod ako, dahil ayokong makita niyang nagiging emotional na naman ako. Baka makasama kay baby.
Tumuloy na ako sa kwarto ko na lalong mabigat ang loob. Naiinis ako sa sarili ko kapag nalulungkot ang mga taong mahal ko nang dahil sa akin.
Naiinis ako na hindi ko magawang maging masaya at mag move forward, para mapasaya ko ang lahat ng taong walang ginawa kung hindi tulungan akong makabangon.
Gustung-gusto ko ng maging okay, pero hindi ko kaya kasi sobrang hirap. Sobrang hirap na sa bawat galaw ko, siya ang naiisip ko. Sa bawat time na gusto kong ngumiti, bumabalik ang lahat ng sakit.
Napabuntong hininga ako nang pumasok na naman siya sa isip ko. Sayang at hindi man lang niya makikita o masisilip man lang ang anak namin sa loob ng tiyan ko... Sayang na sa ikalawang beses ng ultrasound ko na finally makikita ko ang bata sa loob ng sinapupunan ko, hindi ko siya kasama.
Ang ibang mag-asawa'y magkasabay na pumupunta sa clinic para magpacheck-up, pero kami, mag-asawa na lang sa papel.
Imbis na mamiss ko siya at mangulila lang ako sa kaniya, naipon lang ang galit ko noon at nadagdagan niya pa ang ngayon, kaya parang sasabog ang puso ko sa galit ko sa kaniya at sa hayop na Kina na iyon.
Hintayin lang nila ang paghihiganti ko... I'll make them taste their own medicine.
Sa oras na makabangon ako ulit ay hinding-hindi ako magda-dalawang isip na hindi makabawi sa kanila lalong lalo na kay Kina..
Tinaksil niya ako, inagaw, inahas niya sa akin si Blue at higit sa lahat, nang dahil sa kagagawan niya ay muntik nang mawala ang anak ko. At kung sakaling nangyari man 'yon, baka nailibing ko na siya ng buhay ngayon. Pasalamat siya'y maselan ang pagbubuntis ko.
Patawarin ako ng Diyos, pero siya ay hindi ko siya mapapatawad. Buhay niya lang ang kapalit para sa lahat ng ginawa niya sa akin, sa pamilya ko, sa buhay ko. Hindi ko sila mapapatawad.
Matigas na siguro ang puso ko. At sa tingin ko, wala ng ano o sino man ang magpapalambot dito, kung hindi ang anak ko.