Chapter 2

1424 Words
Clare's P.O.V. Ang akala ng iba, masarap mabuhay ng may kaibigan at naghahangad ng marami nila, pero nagkakamali sila. Nakasisiguro ba sila na lahat ng mga 'yon ay totoo? Lahat ba sila ay maaasahan mo pagdating sa madilim na parte ng buhay mo? Lahat ba ng 'yon naging totoo sa 'yo?  Totoo nga ba silang kaibigan o habang masaya ka lang at maliwanag ang buhay mo, kaya lang sila nandiyan?  Oo nga't kasama mo silang nagsasaya, pero kasama mo pa rin ba sila sa hanggang sa parte ng pagluluksa ng buhay mo? Kapag dumating 'yon, dadamayan kaba nila?  Ang pamilya mo lang ang tutulong sa'yo kapag walang wala ka na. Kaya lang, minsan, pati pamilya mo pwede ka ring itatakwil. Kaya ang sarili mo lang talaga ang kasangga mo sa lahat-lahat sa huli. Wala nang iba.  "Clare, kumain ka para hindi ka gutumin mamaya sa ultra-sound mo, okay?" paalala ni Mommy habang nasa kusina siya at ako nama'y nasa sala habang nagbabasa ng mga pregnancy books.  "Opo." ayoko na ang masyadong madaming sinasabi. Naiirita ako kapag lagi akong gumagalaw o nagsasalita. Isa pa, nahihiya parin ako sa kaniya. Kagabi nang dinalhan niya ako ng pagkain ay hindi ko man siya napasalamatan.  "Ate, sasama ako mamaya, ah? Gusto kong makita ang pamangkin ko." Excited na sabi niya. Kagigising lang ni Irvin at naglalakad siya papunta sa amin at umupo sa tabi ko. Ako naman ay tumango, ngunit nakatingin parin sa librong binabasa ko.  "Ate? Why do you always respond dryly? O kung hindi dry, wala. When would you finally try to talk more than this..." He said seriously and I just stared at him. Ayokong mag-away kami. Hindi ko alam kung hindi niya alam ang pinagdadaanan ko, bakit natanong niya pa 'yon.  Hindi pa ako nakakasagot ay bumukas ang pinto at iniluwa non ay si Shannen na naka floral blue dress.  Blue... Naalala ko na naman siya. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya gamit ang naglalagablab kong mga mata, kaya nagtaka siya. Tinaas ni Shannen ang isa niyang kilay na parang nagtatanong kung anong meron sa tingin ko sa kaniya at inirapan ko nalang siya. Ayokong magsalita, kaya ako na lamang ang iiwas.  "Hoy, Clare.. Inaano kita? Nakakatakot kang tumingin." Sabi ni Shannen. Umiling nalang ako habang nakatingin sa binabasa kong libro habang kunwari'y nagbabasa, ngunit ang totoo ay iniisip ko naman talaga si Blue.  Kumusta na kaya siya?  Ang rupok rupok ko pagdating sa kaniya p*tangina. "'Wag ka na ngang magpanggap diyan, Clare. Baliktad ang librong binabasa mo. Shunga!" sabay-sabay silang tatlong humalakhak, pero wala akong makitang nakakatawa kaya ibinagsak ko ang libro sa sofa "Tumigil kayo!" natahimik naman sila sa sigaw ko. Akala nila'y nagbibiro ako, ngunit hindi. Gusto ko na lang umiyak, dahil na naman sa nagbabalik na sakit. Ang kaninang masaya at natatawang mukha nila ay napalitan ng awa, pangamba at pag-aalala sa akin. Ayokong kinaka-awaan.  "Clare, please... 'Wag kang umiyak---" hindi pa siya tapos sa kanyang sasabihin ay nagsalita na ako. Gusto ko nalang ibuhos 'to nang isahan nalang.  "You are always asking me why am I like this, why am I being like that and many more! Can't you see? Nahihirapan ako! Hindi ko kaya na palakihin ang anak ko na wala siya. Anong sasabihin ko sa anak ko kapag nagtanong siya tungkol sa punyetang ama niya? Namatay siya? Oo, tama! Sana namatay nalang siya, kasi sa bawat minuto at segundong iniisip ko na hindi naman siya patay at sa totoo nga ay pinapili ko pa siya between me and that b***h, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ako pinili ay unti-unting nadudurog 'to, kahit durog na duron na 'ko! And now, if you'll ask me why?! I myself don't freaking know!" sigaw ko atsaka itinuro ang dibdib ko habang humahagulgol.  "Kaya huwag na huwag niyong itatanong kung okay lang ako, dahil alam niyo na ang isasagot ko, dahil kahit na nakikita niyo akong humihinga, kumukurap, kumakain at nabubuhay, sa loob-loob ko ay patay na ako. Patay na ang puso ko... Kaya please... 'Wag niyo nalang akong tatanungin ulit na kung bakit ako ganito ako, kasi nakita niyo naman, 'diba? Sana maintindihan niyo ako..." naglakad ako patungong kwarto ko at umiyak nang umiyak habang naka handusay sa sahig.  --- Blue Sown Matingkad na ang araw, ngunit ang panahon dito ay hindi gaanong maalinsangan. Akala ko sa pag-alis ko maaalis sa isip ko ang galit niya, pero hindi. Nagkamali ako.  Dahil sa bawat araw na nabubuhay at humihinga ako, para akong pinapatay ng konsensya ko. Ang huli niyang sabi sa akin na hindi niya ako ipapakilala sa anak namin and those words hurt so bad. It is killing me thinking that I would never have the chance to meet my kid. Habang naiiisip ko ang mga iyon ay sumasakit ang puso at utak ko. Nadudurog ito at nagiging pulbos. Napaka sakit lang na isipin na sa pagbalik ko, wala akong dadatnan na mag-ina. Ngunit hindi ako makakapayag na ganoon ang mangyari, hindi ako papayag na hindi ako makikilala bilang ama ng anak namin. Gusto ko man siyang masubaybayan mula sinapupunan hanggang sa pagluwal sa kaniya, sa ngayon ay hindi ko muna 'yon magagawa. Pero kapag plantsado at maayos na ang lahat, babalikan ko sila at sa panahon na 'yon wala na akong kahinaan basta para lang sa anak ko at kay Clare tatatagan ko, basta hindi muna ngayon... "Sir, you'll have an appointment with Mr. Valliegas later." anunsyo sa akin ng secretary ko na iniluwal ng pinto. Isa siyang Italian na nagta-trabaho siya dito sa Italy branch ng aming kompanya.  "Okay, you can now take your break." nag-thank you siya at umalis na.  Akala ko ay sasara na ang pinto at magkakaron na ako ng katahimikan para mag-isip nang bumukas uli ito at isinuka naman ng pinto ang babaeng may suot ng paldang halos lumitaw na ang kakuluwa at spaghetti strap na damit na sinamahan ng heels na hindi naman naaayon sa panahon.  Tama kayo ng iniisip. Si Kina nga. Ang family wrecker na si Kina. Ang Kina na dahilan, kung bakit hindi ko makikita sa tiyan ni Clare ang anak ko habang lumalaki ito. "Babe, how's your day?" malanding tonong tanong nito sa akin. As if naman na maaakit ako sa  kaniya. Yes, maganda ang hubog ng katawan niya, maputi't makinis siya, ngunit hindi ang mata ang umiibig, kung hindi puso. Hindi ang kagaya niya ang papalit kay Clare sa puso ko.  Walang-wala siya sa kinis at kabutihan ng kalooban ni Clare. Aanhin ko ang hubog ng katawan niya kung mayroon naman akong asawang matatag, mapagmahal at mabuting puso. Kina's  trying hard to be gorgeous, while Clare is effortlessly gorgeous inside and out.  "Okay na sana, pero dumating ka." I said and turned my laptop on again. Humalakhak ito.  Minsan naiisip ko kung manhid ba siya o tanga lang? Hindi ba siya makaramdam na alergy ako sa kaniya at ayaw ko siyang maka usap o ni-makita man lang? Nakakainis, eh. Nakakairita ang mukha niya na sa bawat makita ko ito ay galit lang ang nararamdaman ko.  "Babe naman. You're so harsh when it comes to me." akmang uupo siya sa kandungan ko nang tumayo ako at iniwan siyang naka-tanga sa loob ng office ko. — Eviana Clare Yan Halos isang oras rin akong umiiyak, kaya ngayon ay sa palagay ko, ubos na ang luha ko. Isa pa, baka mapano ang anak ko. Hindi naman ako makasarili para magmukmok at hayaang mawala unti-unti ang anak ko. Ako rin ang mahihirapan.  Naligo ako at nagbihis ng isang white dress at nagdesisyon akong bumaba na para magpasama sa kanila sa aking ultra sound. Hindi ako dapat na magmukmok nalang sa isang sulok at umiyak nalang sa isang tabi, dahil baka pagsisihan ko lamang iyon sa huli.  "Look, I won't say sorry because I mean it when I said I don't wanna hear any more questions about my feelings, but I want to say sorry for being disrespectful towards to all of you. I can't take all the heavy feeling na hindi ako nakapag-sorry sa pagtataas ko ng boses." I straightly said and looked at them. Nasa sala sila at gulat na gulat sa pagsulpot ko.  "Anak..." mukhang nagulat pa si Mommy nang makita niya ako, ngunit ngumiti naman siya.  Hindi ko naman magawang ngumiti, kaya lumapit nalang ako at sinabing handa na akong umalis papunta sa gynecologist.  "Excited na ako!" sigaw ni Shannen, habang nasa backseat kasama si Mommy. Samantalang ako ay katabi ni Irvi, habang siya ang nagda-drive.  Ako din, Sha. Excited na ako, pero hindi ko magawang maging masaya. Sabi ng boses sa isip ko na hindi mailabas ng bibig ko. Tumawa naman sila, kaya kaunting may sumilaw na ngiti sa aking mga labi.  Sa wakas. May isang totoong kaunting ngiti ang nagawa ko. I'll try harder to be happy with my life kasama ang pamilya at magiging anak ko.  I'll try my hardest..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD