Irvin's POV "Irvin, tawagan mo nga ngayon din ang Ate mo! Dalian mo!" sigaw ni Mommy at bakas na bakas sa mata nito ang kaniyang pag-aalala kay Ate. No. Hindi pwede. Tinawagan ko na siya kanin, pero ang sabi niya sa akin hindi siya nanood at wala pa siyang pinapanood--- Kilala ko ang ate koat alam ko na nagsisinungaling siya. Alam ko na may alam siya sa nangyayari ngayon kay Kina at Kuya Blue, pero alam ko rin ayaw niya kaming mag-alala, dahil matapang si Ate. I believe in her. I believe she'll get through this. "Wait, Mom. It's just ringing. Wala pong sumasagot." napahilot ng sintido si Mommy pagkatapos ay padabog na pinatay ang TV na hanggang ngayon ay magkahalikang Blue at Kina parin ang laman nito. Walang hiya. Hindi ako makapaniwala na magagawa it ni Kuya Blue. Na kaya niyang mas

