Shannen's POV: Nadatnan ko si Clare na humahagulgol, umiiyak at nasasaktan sa bisig ni Zach, kaya alam kong ligtas siya sa pagkasawi at sakit na dulot ni Blue sa kaniya. Sa buhay niya. Alam ko na hindi siya sasaktan ni Zach. Pero kung ako ang tatanungin kung sino parin ba ang karapat dapat kay Clare, hindi ako magda-dalawang isip na si Blue ang isasagot ko. Bakit? Kasi minahal niya si Clare nang sobra pa sa nakikita nang lahat. Mahal na mahal niya si Clare na kaya niyang ibuwis ang buhay niya para sa kaibigan ko, may paninindigan siya, mahal siya ni Clare at ganun din naman siya ngunit sinayang ni Blue ang tiwala ko sa kaniya, tiwala namin. Kung hindi lang sana umeksena ang punyetang Kina hindi sana nagka-gulo gulo ang lahat. Isinara ko na lamang ng tahimik ang pinto at nag punta sa

