kabanata 1
Hinawakan ko ang kamay niya lagi gustong makawala sa akin. But he gave me a cold eyes. Ang mga mata niyang puno ng pag ayaw at pagkamuhi, ang nakapag pabitaw sa akin sa kanyang mga bisig.
Patuloy ang pag patak ng luha ko. Habang ang mata niya ay walang emosyon na nakatingin sa akin. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko ang aking asawa na si Riguel Fuentes. Ngunit kahit pa anong pag pilit ko sa pagmamahal na iyon. Hindi ko kailanman mapapalitan o mapapantayan ang babaeng nag mamayari sa puso niya.
"You can't do this to me, Riguel!"
"I-know you can't!" Pag iling ko pa. Habang ang luha ko ay patuloy ang pag bagsak.
"Yes I can! kaya ko Athena! Kaya kong iwan ka." Puno ng pait niya sabi.
"You're making me sick! And this those stupid wedding! Pagod na ako. Pagod na pagod!" Sigaw niya sa pagmumukha ko.
Our marriage was only for the sake of business. Yun lang iyon. Si Ate Amara ang nais niya pakasalan. But ate Amara prefers to chase fame rather than get married.
Hindi ako tunay na kapatid ni Ate Amara. Anak ako sa labas ng aking Ama. Kinuha ako ni Daddy at pinatira sa puder nila. Ngunit hindi naging mabuti ang Asawa niya na si Tita Amarie at ang kapatid ko si Amara sa akin.
Ginawa nila akong katulong sa puder nila. Isang katulong na walang laya. Nang ayawan ni Ate Amara ang kasal na inaalok ng mga Fuentes sa kanya. Kaagad ipinasa sa akin ni Daddy ang responsibilidad na makasal kay Riguel.
"P-please… Riguel.. ikaw na lang ang mayroon ako! Ayokong pati ikaw ay mawala sa akin!" Pagmamakaawa ko. Lumuhod ako sa kanyang harapan.
Walang tigil ang pag patak ng luha ko. Hindi ko kaya. Kaya't hanggat may boses ako para mag maakaawa ay gagawin ko upang hindi niya ako iwan.
"Huwag mo akong dramahan Athena! Alam mong si Amara ang gusto ko at hindi ikaw!"
"You are so desperate! Paano mo nagawang sirain ang sa amin ni Amara?!"
I do not understand you!"
"I thought you were a good step sister to her!" Puno ng paratang niya sa akin.
Umiling ako sa kanya habang umiiyak.
"S-she doesn't want to marry you.. mas pinili niya ang kasikatan kaysa makasal sayo."
"P-pero nandito ako Riguel… k-kung hindi niya maibigay ang pagmamahal na nais mo. A-ako… kaya kong ibigay iyon ng buong buo sayo." Umiiyak na sabi ko.
I stared straight into his eyes, and behind those eyes, kita ko ang sakit at pagkamuhi na itinatago niya ruon.
But he stared at me full of hatred.
Bahagya itong natawa at napatingala sa itaas. Huminga ito ng malalim at tinapunan ako muli ng nakakadiring tingin.
"No. You can't. Ang akala ay mabuti kang kapatid sa kanya. Pero ano itong ginawa mo?"
"I thought you were going to stop this goddamn marriage, pero hindi.. mas pinili mong ikasal sa akin! At mamuhay sa impyernong kasal na ito!" Sigaw niya. Bumalot iyon sa malaking living room ng bahay.
Those sets of guilt consuming me up slowly, killing every part of me. Para iyong isang apoy na tinutupok ang sakit na nararamdaman ko.
Bawat bigkas niya ng salitang hindi niya ako mahal. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko ng sobra. Ngunit paano ko ba pipigilan ang pagmamahal na ito.
Siya na lang ang mayroon ako. At pakiramdam ko siya ang makakapag bigay ng pagmamahal na nais ko. Tingin ko ay kung iiwan niya ako. Hindi ko na kayang mag mahal pa ng iba.
Na kahit padurugin niya ng paulit-ulit ang puso ko. Patuloy pa rin iyong pagmamahal para sa kanya.
Wala akong nagawa ng makita ko ang bulto niyang paalis ng pinto. Labis ko siyang iniibig. At tingin ko ay hindi iyon maglalaho, dahil sa ayaw niya lang sa akin.
Love will always require sacrifice. Love is not just all about giving and taking. Isa sa mga bagay na naintindihan ko nang maikasal ako sa kanya.
Tatlong taong ko na tiniis ang hindi niya pag tugon sa aking pagmamahal. Pero dahil baliw akong nagmamahal sa kanya, ayos lang sa akin ang lahat. Ayos lang na hindi ako ang mahal niya. Ayos lang dahil at end of the day. Sa akin siya. At sa akin parin siya uuwi.
Tumayo ako sa pag nakaluhod at pinulot kong muli ang sarili ko. Napasinghap ako at pinunasan ang luhang walang kapaguran.
Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay. Ayaw niyang ginagawa ko ang mga bagay na ito. Lalo't may hina-hire naman siya cleaning service tuwing linggo. Yun ang nag aasikaso sa malaking bahay na ito upang mag linis.
Ngunit dala ng nakasanayan ko na iyon nuon pa. Hindi ko siya sinusunod sa mga dapat kong gawin specially lalo sa bahay.
Natatapos ang mag hapon ko sa iisang bagay. Ang mag isip kung uuwi pa siya sa akin o hindi na. Sa tuwing aalis siya, hindi ko mapigilang hindi mag isip. Na baka totohanin niya ang kanyang sinabi at tuluyan akong lisanin.
Kinabog mo ang puso ko. Habang nakatingin sa gate ng bahay. Hinihintay ang pagbabalik niya. Sa tatlong taon. Natiis ko ang lahat ng sakit na ito. Palihim akong umiiyak. Palihim kong kinikimkim ang sakit.
Pakiramdam ko nga ay manhid na talaga ako. Tingin ko ay nakasanayan ko na ang malamig niyang pakikitungo sa akin.
Nawala ang mga negatibo kong iniisip ng makita kong muli ang black Bugatti niya na papasok ng gate. Kaagad iyon binuksan ng guard sa baba.
Kaya naman mabilis ko tinungo ang living area para sana salubungin siya.
Pero katulad ng minsan kong na aabutan. He's heavy drunk, ang dalawang bottones ng White sleeve polo nito ay nakabukas. Habang ang medyo gulong buhok niya ay binabagayan ang mala greek god nitong itsura.
Kaagad ako lumapit sa kanyang. Upang kunin ang bag ng laptop nito sa kanyang kamay.
"Don't you dare to touch me!" Aniya ng iamba ko ang kamay kong kukunin ang bag.
Kaaga kong ilayo ang kamay ko. At mabilis nitong ipinalibag ang bag nito. Sa ibang direksyon.
"Don't act like a good wife here Athena." Puno ng sarkasmong segunda niya sa akin.
Pilit kong inuunawa na lasing lang siya. Kaya't ganito na naman ang lumalabas sa bibig niya. Kaya binaliwala ko iyon at umalis sa harapan niya. Upang kunin ang bag na binalibag niya sa ibang direksyon.
"You're drunk.. dapat ay inuna mo na lang ang mag pahinga kaysa uminom." Ako. At dinampot ko ang bag.
Rinig ko ang bahagya niyang pag tawa sa sinabi ko. Tinggal nito ang itim na itim na blazer niyang suot at natira ruon ang puting long sleeve polo shirt niya.
Naupo ito sa malaking sofa. while unbuttoning the two buttons of his clothes.
"Now, you are really playing a good wife. Nag kita kami ng Daddy mo after the business proposal."
Lumapit ako sa kinauupuan niya at lumuhod, upang tanggalin ang medyas nito at ang suot na sapatos. Lagi ko itong ginagawa sa tuwing uuwi siya. Hindi naman siya nagrereklamo. Kaya't tingin ko ay ayos lang iyon.
"He asked me to have dinner with your step sister Amara." He said.
Napahinto ako sa pagitan ng pag tanggal sa pinakahuling medyas na suot niya. Tila ba nabingi ako sa aking kinauupuan.
"R-really? G-ginawa iyon ng sarili kong ama?" Mahinahong tanong ko. Pilit kong binuo ang boses ko. Dahil kung iiyak ako sa harap niya. Tingin ko mas lalo niya iyong magugustuhan.
"Yes he did that. And I was so happy to see Amara. She's beautiful as ever." Aniya.
Pumikit ako muli at hinala ng marahas ang suot niyang medyas. Oo lasing siya. Lasing lang si Riguel lasing siya at hindi niya alam ang sinasabi niya.
"Take a rest you are tired." Maikling tugon ko sa lahat ng mga salitang narinig ng tenga ko. Tumalikod ako sa kanya.
"Yes I am. And I don't know why I can't get out of this useless marriage!" Si Riguel.
Tila na puno ako sa narinig ko. Kaagad akong bumaling sa kanya. Nahanap niya ang mga mata ko. Kita ko ang pagtangis ng bagang niya. Tila sagad na sagad na siya sa lahat ng ito, sa tuwing makikita niya ang pag mumuka ko.
"Ginagawa mo ang lahat ng gusto mo kahit na kasal tayong dalawa! You're fooling me and I didn't say anything to all that goddamn lies of yours!" Segunda ko. Naramdaman ko ang pag init na sulok ng aking mga mata. Nanlalabo ang paningin kong nakatingin sa kanya.
Tumayo ito sa pag nakaupo at kinain ang distansya naming dalawa.
"Because you're not really my wife! You're my unwanted wife, Athena!" Sigaw nito sa akin. Kasabay ng pag lukob ng malaking boses niya sa living room. Ganun rin ang pag lukob ng sakit na tila tumagos hanggang sa aking dibdib patungo sa likod. At tila sumagad ang sakit na yun hanggang sa aking sistema.
Tila isang lason na may patalim na unti-unti akong pinapatay.
"At hanggang ngayon ay hindi ko maunawaan kung bakit Athena!"
"Bakit?!" Sigaw niya.
Umiling ako. Kasabay ng pag singhap ko upang patigilin ang lintik na luhang walang tigil sa pag patak.
"Because I'm selfish! Makasarili ako Riguel, mas pinili kong itali kita sa akin. Kasay makita kong masaya ka kay Ate Amara!"
"Yan ang rason ko. She doesn't love you and that's the truth!" Ako.
Marahas niyang kinuha ang balikat ko. Na ngayo'y hawak ng dalawang mag kabila niyang kamay ang maliit kong balikat. Ramdam ko ang mainit na tensyon sa aming dalawa.
For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his everything. Pero kahit na hindi niya ako mahal. I still keep pursuing this impossible relationship. Tatlong taon. Ayokong masayang iyon, ng kahit ako ay hindi lumalaban. Kung hindi niya magawa ang bagay na iyon. Ako ang gagawa ng paraan para sa amin.
Hihintayin ko ang pagmamahal niya. Kahit abutin iyon ng matagal na panahon. Gagawin ko ang lahat upang matutunan niya rin ako mahalin.
"Anong kasalanan sayo ni Amara para gawin mo ang bagay na ito?!" Sigaw niya sa akin. Halos lamunin ako ng matinding takot. Dahil sa higpit ng hawak niya.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Pinag masdan ko ang sarili kong asawa, habang binibigkas sa harap ko ang ibang pangalan ng babae. Nanghihina ang mga kamay ko inalis ang pagkakahawak niya sa akin at umiling.
"W-wala siyang kasalanan…" nanghihina na sabi ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Iniwas ko dahil sobrang nasasaktan ako para sa kanya.
"Then why?! Bakit? hanggang ngayon ay iniisip ko ang pwedeng maging kasalanan ko sayo. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung bakit."
"Iniisip ko kung bakit mo ako ikinulong sa walang kwentang kasal na ito!" Sigaw niya.
"Because I love you Riguel! Mahal kita! Ilang beses dapat kong ulitin o iparamdam sayo na mahal kita!" Umiiyak na sigaw ko.
Marahas niya akong binitawan. Tila napaso sa akin. Pumikit ito ng mariin tila nag pipigil hinimas nito ang kanyang batok. Tila ba nawala ang alak sa kanyang sistema.
"I don't see you as wife Athena."
"I can't love you the way you want me to.. our marriage is full of lies. At hindi ko na kayang tagalan pa ang kasinungalingan ito." Puno ng pag pait na sabi niya.
Umiling ako. Hindi. Hindi ko kaya. Ikamamatay ko oras na iwanan niya ako. I love him so much I don't want to lose him. Kung kailangan magmakaawa ako kay Ate Amara, upang hindi niya sa akin bawiin si Riguel ay gagawin ko. Huwag niya lang ako iwan ng ganito.
Nang ilakad ko ang mga paa ko sa altar patungo sa kanya. Nakita ko na kaagad na siya ang makakasama ko habang buhay. Siya ang lalaking pinapangarap ko nuo pa. Siya unang lalaking minahal ko at tingin ko ay siyang ang huling lalaking mamahalin ko na.
Bawat espasyo sa aking pagkatao ay inilaan ko sa kanya. Siya ang unang lalaking umangkin sa akin. Ngunit siya rin ang unang lalaking dumurog sa puso kong labis na nagmamahal para sa kanya.
"Goddamnit it!" Malakas na sigaw nito ay umalis sa aking harapan. Nanghina ang mga tuhod ko at napaluhod sa malamig na marmol na sahig.
Pagod na ako. Ngunit hindi ako susuko.