Maagang pumasok si Marco sa hospital, kahit puyat na puyat siya. Ngayon ang araw ng pagreresign niya bilang Cardiologist sa Amana Hospital kaya pinili niyang pumasok nang maaga. Ayaw man niyang umalis ng bansa pero kailangan dahil kung hindi siya aalis ay tuluyan nang babagsak ang negosyo nila sa Amerika. Hindi niya iyon hahayaang mangyari dahil isa iyon sa alaala ng kaniyang namayapang ina. Hindi man sila magkasundo ng kaniyang ama ay titiisin niya hanggang sa maibangon niyang muli ang kanilang negosyo. Naghihikab na tinungo niya ang pasyente niya na nasa ICU nang macheck niya ang kalagayan nito ay bumalik na ito sa doctor’s station at marahang umupo sa kaniyang swivel chair. Nagtitipa siya sa laptop niya nang mga diagnosis at mga gamot na ibinigay niya sa mga pasyente, para may record

