bc

How Can Love Ease the Pain of Yesterday?

book_age18+
1.8K
FOLLOW
14.4K
READ
revenge
arrogant
doctor
heir/heiress
drama
tragedy
bxg
multi-character
office/work place
actor
like
intro-logo
Blurb

(Philia's Love Series #1)

Destiny or Fate. Dalawang salita ngunit magkaiba ang kahulugan. Tadhana na tayo ang gumagawa at kapalaran na hindi natin matatakasan.

Dalawang tao na may magkaibang personalidad. Pinagtagpo at pinaglaruan ng kapalaran.

Yeoj is smart with undeniable good looks and good body build up. Ngunit mula nang mamatay ang  magulang ni Yeoj ay malaki ang pinagbago ng pag-uugali nito.  Naging mayabang, mapagmataas, at matigas ang puso. Inampon siya ng kapatid ng kanyang ama at iniuwi sa Pilipinas. 

Rachel graduated with a Degree in Medicine. Kasalukuyan siyang isang General Surgeon at kapag walang duty ay Judo Instructor naman sa sarili niyang Martial Arts Studio. While Yeoj graduated with the Bachelor's Degree in Marketing. He works as a famous actor and model.

Sa muli nilang pagkikita, what if they find out that they have a deep relationship with each other? How can love heal the wounds of their past?

 Lets find out the story behind these two people that bravely faced their fate.

chap-preview
Free preview
Unforgettable Memory
Flashback Umaga na nang sunduin ni Damien ang kaniyang asawa mula sa hospital na pinagtatrabahuhan nito. Kasama niya ang kanilang nag iisang anak na si Faith. She was jumping up and down while holding hands together with her Dad, Damien. Sinundo nila ang Mommy niya sa hospital. Kailangan kasi ang ina ni Faith pumunta sa roon dahil sa emergency situation ng pasyente nito. Nakangiti ang kaniyang labi nang makita ni Rachel Faith Madrigal ang kan'yang ina nang lumabas ito mula sa hospital. Ang kaniyang inang si Francine, ay isang Doktor dito sa Lee Medical Center sa Seoul, South Korea. May 4, 1997 noon, ipinagdiwang nila ang kan'yang ikalimang kaarawan kasama ang kan'yang mga magulang. Faith we're beautiful in her pink ball gown with a crown on her head. Nag-iisang anak siya. Kaya sa abot ng makakaya ng mga magulang nito ay ibinibigay sa kanya ng kan'yang mga magulang ang lahat, lalo na ang pagmamahal at mga pangangailangan niya. Taon taon ay hindi nawawala ang mga surpresa sa kaarawan ni Faith. Sa kanilang bahay ang venue ng birthday party niya. Malaki ang bahay nila rito sa Korea at may malawak na bakuran. Matagal pa ang birthday ni Faith ay pinaplano na ng parents niya ang pag-cecelebrate sa kaarawan nito. Kaya sa tuwing sumasapit ang araw na iyon ay masasabi mong perfect ang preparation. Hindi naman sila mayaman pero masasabi na nakakaluwag luwag sila. Nang dumating sila sa kanilang bahay ay may pailan ilan nang mga panauhin at masayang nakangiti sa kanilang pagdating. Sinalubong kaagad sila ng event coordinator. Rachel's POV My eyes wide open nang makita ko ang garden namin. Ibang iba na ito dahil sa mga decorations. Maraming mga balloons, may banner, maraming pagkain, mga candies at may flowers pa. Pagdating namin sa venue, nagulat ako nang biglang may pumutok na mahina at sumabog ang ibat ibang kulay ng confetti. Manghang mangha ako sa aking nakita napapalakpak ako sa tuwa kaya hinalikan ko sa pisngi si Mommy and Daddy to thank them. Combination of pink and white ang motif ng party ko. Sa isang table ay nakita ko na nakaupo ang isang batang lalaki na nakasuot ng blue tuxedo na may bow tie. Ang aking matalik na kaibigan na si Azrel Yeoj Lee. Azrel ang tawag ko sa kan'ya at Faith naman ang tawag niya sa akin. Nagkakilala kami ni Azrel sa workplace ni Dad sa isang Martial Arts Studio, na pagmamay-ari ng family ni Azrel. Three years old pa lamang kami noong una kaming nagkita. Kasama ko siya sa learning center kung saan tinuturuan kami ng martial arts ni Dad at classmate ko din siya sa school. Judo Instructor si Dad sa learning Center na iyon. Nakangiti na lumapit sa akin si Azrel, niyakap niya ako at binati. "Happy Birthday Faith!" nakangiti niyang bati. Nagpasalamat naman ako sa kan'ya at lumakad na kami papunta sa mini stage. Doon, nakita ko ang mga workmates ni Daddy and Mommy, mga classmates ko sa learning center, at naroon din ang classmates ko sa school. Masaya akong ngumiti sa kanilang lahat. Kinantahan, at pinalakpakan nila ako. Pagkatapos ay nag wish ako at nag blow ng cake. Bumaba ako sa mini-stage at pinuntahan ko ang best friend ko na si Azrel sabay kaming kumain at pagkatapos ay naglaro habang ang iba ay kumakain. Maya maya pa ay narinig ko ang emcee na tinawag ako para umpisahan na ang pa games na nakahanda. Maraming mga palaro. Dahil Filipino ang kinuhang event coordinator ni Mommy, Filipino concept din ang party ko maging ang mga games. Nakakatuwa, tinuruan nila kami sa mga laro tulad ng pabitin, at marami pang parlor games. Malayo sa mga party na kinalakihan ko rito sa Korea kaya nag-enjoy rin ang mga kasama kong mga bata. Dahil alas tres ng hapon nag-umpisa ang party, natapos kami ng six na ng gabi. Umuwi na ang ibang mga bisita pero naiwan sina Azrel at ang Dad niya. Matapos ang party ay nagpalit na ako ng damit. Suot ko ang pink dress at ang pink headband na may gold crown na design. Noong una ay nasa living room kami ni Azrel. Nagpaparamihan kami ng nakuha sa mga games na sinalihan namin. Maraming mga laruan at candies ang napanalunan naming dalawa masaya naming kinain ang mga candies at chocolates. Everyone was busy, even my parents Ngunit dahil nga bata pa kami ay may kakulitan kaming taglay. We were left playing hanggang naisipan namin na lumabas ng bahay. Sa garden kami naglaro ni Azrel. Madilim na noon tanging ilaw na lamang ang nagbibigay liwanag sa amin. Naghahabulan kami ni Azrel nang biglang may dumating na mga lalaking naka black suit. Akala ko ay bisita ni Dad kaya hindi namin pinansin ng best friend ko. Lumapit ang mga ito sa aming dalawa at tinakpan ng panyo ang aking ilong. Pagkatapos noon ay wala na akong naalala. Nang maimulat ko ang aking mata halos wala akong makita sa sobrang dilim. Nakakatakot ang lugar na iyon sunod sunod ang pagtulo ng aking mga luha. Napakabilis ng t***k ng aking puso kaya napasigaw ako sa sobrang takot. Sa aking pagsigaw ay nagising mula sa pagkakatulog si Azrel nakatingin siya sa akin at parang nagtataka. Nakagapos ang paa at mga kamay naming dalawa magkatabi kami sa upuan. Napakadilim doon at walang ibang tao. Sa tingin ko ay parang nasa abandoned building kami. Sumigaw ako ng malakas at humihingi ng tulong hindi ko mapigilang umiyak. Azrel didn't know what to do, he was also afraid of what might happen to us. So he talked to me to calmed down. Pero dahil masyado pa akong bata noon ay nahirapan si Azrel na patahanin ako. Suddenly he found an anti-stress butterfly keychain in his pocket. Palaging dala-dala ni Azrel ang keychain na iyon kahit saan siya magpunta. Mahalaga sa kan'ya iyon dahil bigay iyon ng Mommy n'ya na maysakit at bihira niyang makasama. He immediately gave it to me, I smiled at him. Pinakalma ko ang sarili ko at nakinig kay Azrel na advice not to cry. Sa tagpong iyon ay napatahimik ako nang ibigay sa akin ni Azrel ang butterfly keychain. Kasing laki ito ng palad ko malambot na parang jelly at kapag pinisil mo ito ay may ibat ibang kulay ng ilaw bahagya din itong nahimig ng nakakakalmang musika na parang pang lullaby. Tumingin ako kay Azrel at nakinig sa mga sinabi nya. Noon pakiramdam ko na ligtas ako kapag kasama ko siya. Azrel wonders how we can escape there without knowing the kidnappers. Later on, the man arrived. We didn't know who it was. But because it was dark in the place where we were, he was carry a flashlight. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nasisilaw ako sa flashlight. Sa pagkilos ng lalaki ay napatutok ang ilaw sa mata ng pusa. Bigla akong nakaramdam ng panginig ng buo kong katawan at napasigaw ako sa sobrang takot kaya nagalit ang lalaki. The man got angry at me because I screamed. So the man pulled the trigger of the gun and fired it into the roof. Kahit natatakot si Azrel ay pilit siyang naglakas ng loob para ipakita sa akin na hindi siya natatakot. Naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod niya kaya nilakasan ko na din ang loob ko pinigilan ko na hindi umiyak tulad ni Azrel. Nasa ganoong sitwasyon kami nang biglang may sumigaw. Pinataas nito ang kamay ng mga kidnappers para sumuko pero nanlaban ang mga ito. Kaya binaril siya ng mga pulis hindi ko alam kung saan tumama pero alam kong natamaan siya dahilan ng pagbagsak ng baril sa sahig. Agad na tumakbo si Daddy at Tito Joey sa amin ni Azrel. Kinalag nila ang mga nakatali sa amin, pawis na pawis at basa ng luha ang aking mukha noon. Pinunasan pa ni Dad ang aking mukha at niyakap kaming dalawa ni Azrel. Habang kausap ng mga pulis si Dad at Tito Joey, naiwan naman kami sa isang upuan. Tahimik lamang kaming nakaupo. Ilang minuto lamang ang lumipas at dinala kami sa hospital. Sa Lee Medical Center kami noon dinala kung saan nag-wowork ang Mommy ko. Alalang -alala ito sa amin ni Azrel. Nang malapitan niya kami ay kaagad kaming tiningnan kung may mga natamo kaming sugat awa ng Diyos ay wala naman kaya pinakonsulta kami sa psychologist at doon napagalaman nila na na trauma kami based on our gestures. Dumaan kami sa maraming test at binigyan kami ng mga activity ng doctor. Ilang araw, buwan, at taon ang lumipas ngunit malinaw pa rin sa aking alaala ang lahat ng mga masamang nangyari sa amin sa Korea. Sampung taon na kaya napagpasyahan ng parents ko na iuwi na ako sa Pilipinas para doon na kami manirahan at magsimula nang panibagong buhay. Ibinenta nila ang mga properties namin doon para makapagsimula kami nang panibagong buhay dito sa Pilipinas. Sa Amana Medical Center nag-wowork si Mommy bilang Surgeon at sa Kyx Martial Arts and Learning Center naman si Dad na pagmamay-ari niya kaya sa Manila kami nanirahan. Dito na rin ako nag aral sa Manila. Dalawang taon pa ang lumipas, naging masaya at payapa ang buhay namin. Unti-unti nang nakakabangon sa masamang nakaraan. Ngunit napakamapaglaro ng kapalaran, ang akala ko na magiging maayos na ang lahat sa paglipat namin dito, ay siya palang kabaligtaran ng lahat. Hindi ko inaasahan na sa isang iglap ay mangyayari ito sa aming pamilya. My heart pounding while my hands are shaking, mixed emotions ang aking naramdaman. Hindi ko alam kung bakit pero sa pagkakataon na iyon ay masaya ako at nae-excite sa promotion ko. Black belt first DAN isa sa pinakahihintay namin ni Dad na milestones ko sa pag-aaral ng judo. That time, maaga pa lamang ay inihatid na ako ni Dad sa gym, susunduin pa kasi niya si Mommy sa hospital para makapanuod ng promotion ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko, hindi ko alam kung anong pakiramdam ito. Ilang minuto na lamang at magsisimula na ang ceremony pero wala pa rin sila Dad, hanggang sa nagsimula at na-award-an na ako wala pa rin sila. Natapos na ang ceremony, suddenly my phone rang. My mouth wide open while my hand covering my mouth. I cant breath, I felt nervous. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nang kausap ko sa phone. So, I hurried to the location where my parents were. Habang papalapit na ako sa pinangyarihan ng aksidente, may dalawang tao na nakahiga sa kalsada at wala nang buhay. I could barely move my feet and my hands were shaking while my eyes were dimming, because of the tears running down my cheeks. I could not believe what I saw. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Nakita ko si Mommy na nakahiga sa kalsada. Nadurog ang puso ko nang makita kong may hawak itong dalawang black belt, nakatatak ang name ni Dad at ang isa ay pangalan ko. Napaluhod ako at napasigaw, umiiyak na parang bata. Nasa kandungan ko si Mommy, pilit kong ginigising. Pinakinggan ko pa ang dibdib nito at hinawakan ang pulso baka sakali na may heartbeat pa pero wala, hinalikan ko ito sa noo at nanginginig ang kamay kong ibinaba si Mom. Halos pagapang kong pinuntahan si Dad, ipinakita ko ang blackbelt ko. Nakasuot pa rin ako ng kimono nang pumunta ako dito sa pinangyarihan ng aksidente ilang metro mula sa gym. Kinausap ko si Dad, pero wala, wala na siya. Wala na akong makita dahil sa luha na patuloy sa pagbuhos sa aking mukha. Wala na akong pakialam kung anuman ang naging hitsura ko noon oras na iyon, sumigaw ako at humingi ng tulong pero parang walang nakakarinig. Napaupo ako sa kalsada habang yakap si Dad. Nagmamakaawa ako na gumising na sila ni Mommy, hinawakan ako sa balikat ng isang rescuer at sinabing wala na. Nawalan ako nang lakas noong nakita ko silang dalawa na walang buhay. Napakasakit na sa isang iglap mag-isa na lang ako hindi ko matanggap. Hanggang may lumapit sa akin na isang babae, niyakap ako at hinalikan sa noo. Si Nana Therese, ang kasambahay namin na itinuring na rin namin na kapamilya. Umiiyak rin siya na lumapit sa akin niyakap at hinalikan ako sa noo, bulong pa niya sa akin noon, "Anak, nandito pa ako hinding-hindi kita iiwan hindi kita pababayaan." Kaya lalo akong naiyak sa sinabi nito. Nagyakapan kami ni Nana at hinarap ang pulis ngunit tikom ang bibig ng mga ito. Sinabi nila na aksidente lamang ang nangyari dahil sa mabilis daw na pagpapatakbo ng driver, alam ko sa sarili ko na mali ang sinasabi nila kilala ko si Dad hindi siya mabilis magmaneho. Alam kong may mali at iyon ang dapat kong alamin. End of flashback

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
77.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook