Blind Date

2088 Words
Rachel's POV "Doc, there's bleeding from the incision of the pancreas," aligagang sabi ng nurse na kasama ko sa Operating Room. "Bipolar forceps please.. check the--" naputol ang pagsasalita ko ng biglang magsalita na naman ang isa pang nurse. "Doc, his BP is dropping 92/60 his pulse is also dropping 98bpm! Ano po ang next natin na gagawin?" "We need a blood!" agad kong sabi. Mahigit isang oras din ang itinagal ng operasyon. Isa lamang ito sa mga kaganapan sa buhay ko sa loob ng dalawang taon. Ako nga pala si Rachel Faith Madrigal isang General Surgeon sa Amana Medical Center. Twenty nine years old na ako at kapag may free time naman ako ay doon ako makikita sa sarili kong gym. Bukod sa pagiging doktor, isa rin akong judo Instructor. Kung bakit? Kasi gusto kong malibang ko ang sarili ko, kaya wala akong sinasayang na oras. Para sa akin ang oras ay mahalaga. At isa pa, ayaw ko kasi na nababakante ako. Lalo kong nararamdaman na mag-isa na lang ako sa buhay. Galing ako sa masaya at buong pamilya pero sa hindi inaasahang pagkakataon my parents died due to a car accident. Oo ulila na ako. Seventeen years old pa lamang ako noon at tandang tanda ko pa kung paano nabawian ng buhay ang parents ko. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap ng Justice sa pagkamatay nila. Bahay, trabaho sa ganito umiikot ang mundo ko. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin mahanap ang taong magmamahal sa akin at taong mamahalin ko. Simple lang naman ang gusto ko, ang magkaroon ng masaya at buong pamilya na maagang ipinagkait sa akin ng mundo. Sa edad ko na ito, gusto ko na sana ang maranasan na maikasal at magkaroon ng sariling pamilya, pero paano? Eh, kahit boyfriend nga ay wala ako. Nakakahiya 'man aminin, pero kabilang ako sa NBSB. Walang nagkakamali na ligawan ako siguro ay natatakot rin na lumapit sa akin o nahihiya dahil na rin sa trabaho na mayroon ako. Minsan nga naisip ko na mag-resign sa work ko pero hindi ko magawa kasi napamahal na rin ako sa trabahong mayroon ako. Naging ritwal ko na rin pagkatapos ng work na i-check ang phone ko. Baka kasi kailanganin na naman ako sa gym noon at hindi kinaya ni Nana Therese ang trabaho doon. Sa totoo lang, medyo nahihirapan talaha akong pagsabayin ang trabaho ko sa hospital at ang pagpapatakbo ng sarili kong gym lalo pa at judo instructor din ako. Parehong may malaking bahagi ito sa nakaraan ko kaya hindi ako makapamili sa dalawa. Maayos naman ang kinikita ko kaya lang ako nagpapaka-busy kasi ayokong maramdaman na mag-isa. Sa hospital, marami akong nakakasama hindi katulad sa bahay, nganga. Simula nang namatay ang parents ko, natuto akong mamuhay na ako lang. Walang kasamang relatives maliban sa kasambahay namin na itinuring ko na na parang tunay kong ina. Si Nana Therese. Pag open ko sa phone ko, sunod-sunod na messages ang nareceived ko at kahit na hindi ko tingnan ay mukhang alam ko na kung sino ang makulit na ito. "Besh, huwag mo kakalimutan ha may lakad tayo mamaya." Naku oo nga pala may lakad nga pala kami ng bestfriend ko. Si Caith ang kaisa-isa kong kaibigan at pinagkakatiwalaan ko. Highschool pa lang kami halos hindi na kami mapaghiwalay. "Susunduin kita jan sa hospital kaya mag ready ka na." Alam niya kasi ang oras ng labas ko may pagkamausisa kasi itong bestfriend ko. Parang magkapatid na kaming dalawa, at maging ang parents niya ay itinuring na rin akong anak. "Besh, malapit na ako ready ka na ba?" Bakit ba naman kasi nakalimutan ko na sasamahan ko pala ito. Hindi pa ako naka reply ayan na siya. "Besh sinasabi ko na nga ba at nandito ka pa rin. Tsk tsk! Paano ka ba magkaka-boyfriend n'yan kung mas maton ka pang tingnan sa makaka date mo?" wika ni Caith na napapakamot na lang sa ulo. Hindi kasi ako makatanggi dito kay Caith, siya na lang yung tao na hindi ako iniwan. Sila na lamang ni Nana ang meron ako kaya ipinagpapasalamat ko iyon. "Kung hindi ako kikilos besh, baka senior citizen ka na single ka pa rin! What are you waiting for?? Gumayak ka na," natatawang ani Caith. Oh siya sige na Besh alam ko naman na hindi ako mananalo sayo kasi kukulitin mo na naman ako. Tara na, pero dumaan muna tayo sa bahay ko ha para makapagpalit ako ng damit makapagpaalam na rin ako kay Nana.. At the Bar... "Besh bakit naman kasi ganito ang pinasuot mo sa akin lalabas na ang kaluluwa ko dito oh!" reklamo ko kay Caith. Hindi ko maintindihan kung itataas ko ang suot kong dress o ibababa kasi kapag hinila ko pababa feeling ko ay makikita na ang kaluluwa ko. Nakasuot kasi ako ng mini dress na kulay maroon at naka stilleto sandals na color black. v-line ang harap kaya kita ang cleavage ko at lantad na lantad ang maputi kong balat. Nagsusuot naman ako ng dress pero hindi ganito. "Besh... nasanay ka kasi sa kimono at scrub suit mo. Gusto mo palagi kang balot na balot kasama ng black belt at mask mo. Tingnan mo sa salamin ang sarili mo ang ganda mo kaya tapos ang sexy mo pa. Oh diba pak! Ang dapat jan idini display hindi itinatago!" aniya na pagkakulit kulit. Habang nag-uusap kami ni Besh ay biglang lumapit ang isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali eh siya yung tinutukoy ni Besh. Nakangiti si Caith nang makita ko sa pagharap sa lalaki. "Kanina pa ba kayo?" Sinundo ko pa sa work kaya natagalan." "Okay lang iyon kadarating lang din naman namin." ani ng lalaki. "By the way, Rachel, I want you to meet Marco, family friend namin sa U.S, 'yong sinasabi ko sa'yo dati." "And Marco, this is my best friend Rachel." Nakangiting pagpapakilala ni Caith sa akin. "Hello! nice to meet you.." nakangiti kong sabi. "Hi! I'm glad to meet you too.. Finally, nakita na rin kita palagi ka kasi kinukwento sakin nitong si Caith. Totoo nga napakaganda mo." nakangiti ito habang hawak ang kamay ko na parang wala nang balak pakawalan. Naisip ko tuloy ano na naman kaya ang pinagsasabi nitong si Caith dito kay Marco. Palagi niya kasi ako inihahanap ng date ni isa sa kanila wala akong magustuhan. Hindi kami compatible kaya nauuwi sa wala ang efforts nya. Pero dahil makulit si Caith hindi ito sumusuko hindi daw siya titigil hangga't hindi ako nagkaka boyfriend. Caith POV Habang kausap ko si Marco sa phone naisip ko na total narito na siya ay siya na lamang ang ipapa-date ko kay bes. Agad naman pumayag si Marco kasi crush niya si Rachel. P'wede ba naman na si besh lang ang meron, syempre ako din. Kasama ko dito ang boyfriend ko na si Dominic at para hindi ma-boring ang bestfriend ko, isinama ko si Marco kahit alam ko na hindi interesado dito si Rachel ginawa ko pa rin. Gusto ni Rachel kapag umuwi siya from work matutulog na lang. Palagi ko siya kinukulit na lumabas kami, alam ko lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay at ayokong makita na nalulungkot ito. Kaya ito ang lola nyo to the rescue. Kaagad ko silang hinila patungo sa VIP Room, hindi kasi kami p'wede na makihalo sa iba kasi baka pagkaguluhan ako ng mga tao. Isa akong supermodel at maraming fans ang nakabantay sa mga kilos at galaw ko. Nasa Misty Blue kami ngayon, hindi naman kami liberated ni besh simpleng bonding lang masaya na kami. Matagal nang crush ni Marco si besh kaya bago mapagod magpaka kupido ang lola niyo, naisip ko na si Marco na lang ang ipade-date ko sa kanya. Since highschool mag-bestfriend na kami ni Rachel. Alam ko kung paano siya nawasak at nalugmok noong mga panahon na namatay sina Tito at Tita. Hindi ko siya iniwan, kaming dalawa ni Nana Therese ang pinagkakatiwalaan niya simula nang umuwi sila dito from Korea. Alam ko rin ang kwento ng naging buhay niya doon. Parang pang telenobela ang buhay niya kaya sa abot ng aking makakaya ay palagi ko siyang pinapasaya. Ito siguro ang papel ko sa mundo, ang maging fairy best friend niya. Hinayaan ko na makapag-usap si Marco at besh. Pero paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanila para alam niyo na updated haha. Pero dahil alam ko naman na pagod si Rachel, hindi rin kami nagtagal sa bar three hours lang kaming nagkwentuhan at umuwi na rin kami. "Besh, pwede ba na si Marco na lang maghatid sayo na flat kasi yung car ko eh." pagdadahilan ko kay Rachel. "Oo nga hatid na kita Rachel kung okay lang sayo." singit naman ni Marco. Wala naman nagawa si bes kaya sumama na rin siya kay Marco. Marco's POV Flashback.. Habang nasa airport ako kahapon, tumawag si Caith sa akin. "Hello sungit! Ano oras ka darating sa Manila? " energetic na tanong ni Caith habang kausap sa phone. Dahil sa mukhang kukulitin na naman ako ng babaeng 'yon, pinagpatayan ko siya ng phone. Pero dahil likas na sa kanya ang pagkaisip bata alam ko na magtetext siya. "You're so rude! Nagsasalita pa ako eh hmm.. by the way, pagkarating mo sa Manila may ipapakilala ako sayo. Hindi ka pwede tumanggi that's an order! i'll send you the address okay! 'Wag ka na magtanong crush mo yun!" End of flashback.. At the car.. Tahimik lang kami ni Rachel habang nasa biyahe. Nahihiya kasi ako kapag kaming dalawa na lang kaya para mabasag ang katahimikan binuksan ko ang stereo ng kotse. Magsasalita sana ako nang bigla itong nagsalita. "Marco, pwede ba na patayin na lang natin ang music?" she said in a sad voice. Hindi ko alam na hindi pala niya gusto ang ganoong vibe ng music kaya pinatay ko na lang. "O-Okay pasensya ka na," Nagtataka lang ako kasi hindi naman siya ganito kanina napakamot ako sa ulo kasi palpak agad ako. Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa tapat ng bahay niya. "Thank you sa paghatid ha, nice meeting you ulit!" Pilit na ngumiti ito. Dali-dali ako na bumaba. Pinagbuksan ko siya ng pinto, at inihatid sa may gate nila. "Rachel free ka ba bukas?" nahihiya kong tanong sa kanya. "Duty kasi ako tomorrow sa E.R. eh bakit?" nagtataka niyang tanong. "Aa-ahh w-wala naman invite sana kita ng dinner," napakamot ako sa ulo sabay ngiti. "Hmm.. sure! I was out of work by six p.m." nakangiti ito. Hindi ko akalain na papayag siya kaya masaya akong umuwi. Abot tainga ang ngiti ko habang sakay ako sa Black BMW ko nang biglang nag ring ang phone ko. "Dude wazzup!" Hindi ko malilimutan ang pamilyar na boses na ito. Hindi ako pwedeng magkamali. "Yeoj? Dude! sorry hindi ako natuloy kanina may pinuntahan pa kasi ako." Hindi ko na sinabi kung saan dahil sigurado ako na aasarin na naman ako ng narcissistic kong kaibigan. Oo, kaibigan ko si Yeoj naging classmate ko siya sa isang subject noong high school. "Parang alam ko na.. kararating mo lang chicks kaagad inuuna mo tsk tsk! Basta bahala ka na diyan sa mga chicks mo, Dude! Basta ako, hahanapin ko lang si Faith!" Kahit hindi ko siya nakikita alam kong natatawa siya. "Ano pa nga ba?! Tomorrow start na ko sa work ko dito dude... dito na rin ako maninirahan sa Pinas! Bisitahin mo ako kapag free time mo sa Asan Medical Hospital, ha?" nagmamadali kong sabi para maputol ko na ang usapan. "Uy! That's great see you bye!" Pinatay ko na ang phone sakto naman at malapit na ako sa condo ko. May pagka makasarili din kasi kung minsan si Yeoj at metikuloso pagdating sa sarili, bugnutin kaya ako lang ang close friend niya. Madalas tingin sa kanya noong high school days pa namin, ay mayabang wala siyang pinapansin lalo na sa mga babae. Mabait naman siya hindi lang napapansin ng iba. Kahit na artista na ito at sikat na sikat ay wala pa rin itong naging girlfriend. Ewan ko ba doon may hinihintay yata. Ah basta, excited na ako sa pagkikita ulit namin ni Rachel at makakasama ko pa siya araw araw sa trabaho. Sana lang ay magustuhan niya din ako. Siya kasi ang ideal girlfriend ko. Kapag nangyari iyon ako na ang pinakamasayang doktor sa buong Asan. Pangiti ngiti ako habang naglalakad papunta sa condo ko pinapaikot ikot ko pa ang susi ng kotse sa aking daliri ng biglang may tumapik sa aking balikat. Nanlaki ang aking mata si Yeoj pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD