Yeoj's POV
I'm currently on set for a new film I'm working on. Because I am a male lead, my schedule is extremely hectic. I work as an actor and model for some of the country's most prestigious brands.
My uncle Charles decided to bring me here to the Philippines after the traumatic incident in Korea seventeen years ago. Ako nga pala si Yeoj Azrel Lee, a half Korean-Filipino. Anak ako ng kilalang pamilya sa Korea dahil sa negosyo ng pamilya ko.
Matindi ang mga pinagdaanan ko noon at gusto kong makalimot pero hindi pala iyon sapat dahil mas pinili kong maghiganti sa mga taong nakasakit sa akin at sa aking pamilya. Hindi ko inaasahan na magiging maganda ang buhay ko dito sa Pilipinas. Isang taon pa lamang ako dito nang may producer na lumapit sa kinikilala kong ina rito, ang asawa ni Uncle Charles, si Mommy Mia.
Yes, ulila na ako at hindi biro ang mga pinagdaanan ng pamilya namin. Inampon ako ng isang well-known Business Tycoon after my parents died. Hindi nagtagal ay tinawag ko na rin silang mommy at daddy. Matagal na akong pinahihinto ni Daddy Charles sa pagiging artista ko. Gusto niyang i-manage ko ang business namin pero hindi ko gusto ang ganong set up. Wala silang anak at tanging ako lang ang inaasahan nila na magpatakbo nito.
Gusto kong makilala ako sa sarili kong paraan at ayaw kong umasa sa pinagpaguran ng iba. Naging busy ako sa trabaho ko. At sa halos 1 dekada ko sa showbiz industry, ay unti-unti akong nakilala, naging popular na artista at hindi nagtagal ay marami na ang kumukuha sa akin bilang endorser.
Nakapagtapos naman ako ng pag aaral kasabay ng pag aartista ko. I graduated Bachelor's Degree in Marketing mahirap ang naging schedule ko noon pero natapos ko din. May naiwang properties sa akin ang biological parents ko isa na doon ang company na ipinagkatiwala ko kay Daddy Charles na kapatid ng tunay kong ama. Mahal na mahal nila ako, sila ni Mommy Mia.
Dahil sa kagustuhan kong makapaghiganti sa mga taong umagrabyado sa aming pamilya ay naging matigas ang puso ko. And this is why I don't want to commit to or be involved with women. Because I knew it would only be a hindrance to my plans. I haven't had a girlfriend yet and have no plans to get one.
-------
"Lights camera action!" Sigaw ng direktor. Nakailang take na kami sa scene na ito kaya umiinit na rin ang ulo ni direk.
Nandito kami ngayon sa probinsya ng Bataan kung saan kinuhanan ang trailer ng aming movie. Narito kami sa harap ng Shrine of Valor habang kaeksena si Diane. Tirik na tirik ang araw at ramdam na ang init sa balat.
"Direk, chill ka lang wag kang padala sa init ng ulo mo tatanda ka nyan sige ka," nakangiting wika ni Diane female lead at ka loveteam ko.
Ilang take pa ang itinagal dahil sa ilang mali ni Diane kaya inabot na kami ng tanghali.
"Cut!" Narinig kong sambit ni direk. Sa wakas natapos na rin kami.
Limang taon ko na siyang kilala, maganda si Diane mabait, malambing at ideal girlfriend para sa iba pero wala itong dating sa akin.
"Hi Yeoj ! Malapit na ang birthday mo may plan ka na ba?" nakangiting wika ni Diane at umupo siya sa tabi ko.
Tiningnan ko siya sa mukha na ilang dangkal na lang ang layo sa akin. "Ahmm.. wala," matipid kong sagot.
"Are you sure? But Tita Mia called me and in-invite n'ya ako sa birthday mo. Maybe it's a surprise birthday party but na spoil ko yata, I'm sorry." Napayuko ang ulo nito at parang nahihiya.
Magsasalita pa sana ito ng biglang tumunog ang phone ko. Si Marco, tumatawag. Bahagya kong inilayonang sarili ko kay Diane at tumayo.
"Hey Dude! I'm here at the airport now. where are you?"
"I'm here at Bataan katatapos lang ng taping namin para sa bagong movie ko. But pauwi na rin ako wait ko lang P.A ko nagpa-packed up na sila."
Inalis ko ang black shades ko sa mata at inilagay sa ulo. "What's the plan?"
"I just wanna say na tommorow na lang ako pupunta sa inyo ha, may biglaang lakad kasi ako. Alam mo na..."
"Manchi-chicks ka na naman siguro!" natatawa kong sabi. Pero biglang naputol ang pag-uusap namin. Pinatay na kasi nito ang linya.
Natapos na rin mag-packed up at umuwi na kami sa Manila.
Nakauwi na ako from work pagpasok ko sa mansion nina Dad ay sinalubong ako ni Mom ng isang matamis na ngiti. Akmang kakausapin pa n'ya sana ako pero napansin niya siguro na pagod ako kaya hindi na nya naituloy ang sasabihin nya. Humalik muna ako sa pisngi nito at pumasok kaagad ako sa room ko. Nauna nang iniakyat ng mga maid ang bagahe ko sa kwarto kaya pagdating ko ay naroon na ang mga gamit ko.
Kaagad akong humiga pagdating pagkalapat ng likod ko sa malambot na kama ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa puyat at pagod.
Hapon na nang magising ako tiningnan ko muna ang schedule ko mabuti na lang at wala akong masyadong gagawin ngayon kaya naisipan kong puntahan si Marco.
Hindi pa kami nagkakausap simula ng dumating ito. Habang sakay ako sa black Audi Q5 ko naisipan ko siyang tawagan.
“Watzup Dude! San ka?”
“Pauwi na sa condo. Bakit?" wika ni Marco na parang abot langit ang saya.
Hmm.. eh kung puntahan ko na lang kaya siya naiinip ako eh. I heaved a sighed. Napahawak ako sa sintido ko habang nagiisip. Tama! Sa condo na nga lang pala ng mokong na yun ako pupunta. bulong ko sa sarili ko.
Nakasandal ako sa labas ng kotse ko habang naghihintay kay Marco, medyo naiinip na ako nang mapansin ko na may paparating na Lamborghini na red. Napatayo ako ng tuwid habang pinagmamasdan ang paparating na sasakyan. Natatawa na lang ako nang makita ko si Marco na naglalakad, pangiti ngiti na parang baliw na naglalakad sa buwan habang iniikot ang susi sa kanyang daliri.
"Hey Dude! Anong gamot ang ininom mo at nagkakaganyan ka?" natatawang sabi ko sabay tapik sa kanyang balikat.
“Yeoj, Dude, what are you doing here?” nanlalaki ang mga matang tanong sa akin ni Marco.
“Nainip kasi ako dude kaya naisip ko na puntahan. Teka don't tell me tinataboy mo ako?” seryoso kong sabi.
Kay Marco lang ako ganito, siya lang ang nakakakilala at nakakaintindi sa akin. Sanay na siya sa ugali na mayroon ako. Pumasok kaming dalawa ni Marco sa loob ng condo niya. Doon ay nagkwentuhan kami at napagusapan namin ang babaeng kinahuhumalingan niya.
Rachel's POV
Naiilang ako kay Marco para kasing matutunaw ako sa mga titig nito. Si Caith naman iniwan pa ako dito. Hindi pa naman ako sanay makipag date at hindi ko alam ang gagawin. Napainom tuloy ako ng wine nahihiya kasi ako. Naging masaya naman ang naging date namin ni Marco. Nagkwentuhan kami at sa maikling panahon nakapalagayan ko na din siya ng loob. Tulad ni Caith, ay marunong din siyang makisama kaya hindi ako nahirapan sa pakikipag usap sa kanya. Alas dyis na ng gabi at nagpaalam na ako sa kanila, pero dahil wala akong dalang sasakyan inihatid ako ni Marco sa condo ko. Thirty minutes lang nakarating na kami sa condo pero bago siya umalis tinanong nya ako.
“Rachel free ka ba tomorrow?” Bakas sa hitsura na parang nahihiya.
"Duty kasi ako tomorrow sa E.R. eh bakit?" nagbago ang mukha niya nang marinig ang sagot ko.
"Aa-ahh w-wala naman invite sana kita ng dinner." nahihiyang pag amin ni Marco.
"Hmm.. sure! I was out of work by six p.m." nakangiti kong sabi.
Hindi ko na natawagan si besh kung anong oras sila nakauwi medyo nakaramdam na rin kasi ako ng antok kaya nang makapaglinis ako nang katawan at makapagpalit ng damit ay nahiga na ako at kaagad naman akong nakatulog.
Alas sais na nang umaga ng magising ako tama lang para makapag prepare ako ng mga gagamitin ko para mamaya sa work. Ayoko kasi ang laging nagmamadali on time ako palagi at never pa na na late sa work ko maliban na lang sa mga set up na date ni Caith.
Paglabas ko sa room ko nakita ko si Nana Therese niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi para ko siyang tunay na ina kung ituring kasi kami lang dalawa ang magkasama dito sa bahay. Nakahanada na rin ang almusal kaya sabay na kaming kumain ni Nana ganito kami palagi tuwing umaga. Nang matapos kumain nagtungo na ako sa bathroom at naligo.
At the hospital ..
Pagbaba ko sa kotse ko, nakita ko ang mga nurse na papalabas na sa may lobby ng hospital nagbubulungan. Hindi malinaw sa akin ang sinasabi nila pero parang nagegets ko na. Ganito ang gestures nila kapag may bago sa hospital o kaya naman may kinalaman sa mga crush ng doktor.
Nakasuot ako ng combination of color black and old rose bodycon dress at one inch black shoes habang nakasampay braso ko ang aking white coat. Pagpasok ko sa loob ay dumiretso ako sa locker ko. Isinuot ko muna ang coat ko at lumabas sa E.R dahil sa pagkakagulo ng mga nurse. May tatlong mga pasyente sabay sabay dumating at naaaligaga na ang mga nurse. Agad akong tumakbo sa isang batang pasyente na naaksidente.
"What are his vital signs?" tanong ko sa rescuer.
Tiningnan ko pa ang kaniyang mata at nakita kong medyo maputla.
"Doc, his BP dropped to 80/40!" sabi naman ng rescuer.
"Insert an IV line on both of his arms!" sabi ko naman sa nurse na kasama ko.
"Sige po, doc!"
Sunod-sunod na pasyente pa ang dumating tapos late pa ang kasama kong doctor.
"Hay, nakakainis!" bulong ko sa sarili.
Pinatawagan ko sa head nurse ang kasama kong doctor dahil hindi ko kayang pagsabay sabayin gamutin ang mga pasyente. Hindi ko na natingnan ang pagdating ng lalaking doctor dahil kasalukuyan akong nag-uultrasound sa bata.
Matindi ang tama nito dahil na damage ang spleen at liver niya. Kailangan maoperahan at masalinan ng dugo. Nang masuri ko nang maayos ay nagtungo na kami sa Operating room. Isang oras at kalahati at natapos ko ang operasyon. Paglabas ko sa operating room, bumalik ako sa E.R para tingnan ang ibang pasyente. Sa wakas maayos na ang lahat nakapag pahinga rin ako.
Sobrang pagod ang umaga ko. Kapag nasa E.R ka kailangan talaga ng lakas hindi pwede ang mabagal na kilos dahil buhay ang hinahabol sa bawat pasyente.
Nakaupo ako sa isang sulok habang namamahinga iniuunat ko ang aking braso at bahagyang iginagalaw ang aking balikat nang may nagpatong ng milk tea sa table kung saan ako nakaupo. May nakasulat pa dito sa baso na salitang "Sorry I'm late." Nang tingnan ko kung sino ay hindi ako makapaniwala sa aking nakita nanlaki ang aking mga mata nang nakita ko kung sino ang nasa harapan ko.
"M-Marco? What are you doing here?" gulat kong sabi
"Nahihiya ako sayo Rachel ako kasi yung cardiologist na nakaasign sa E.R, I'm sorry na late ako na flat kasi yung kotse ko buti na lang at may malapit na talyer kung saan ako na plat." mahabang litanya ni Marco. Habang ako naman ay nakatingin sa kanya na naguguluhan.
"Doctor ka pala? Bakit hindi mo sinabi sa akin kahapon?" yun lang ang nasabi ko sa kanya.
"Balak kasi kita isurprise ngayon e. Kaya lang nasira ang plano ko dahil na late ako." napansin kong namumula ang mukha nito kaya napatungo.
"Well, na surprise mo nga ako hindi nga lang maganda ang pagkakasurprise mo at muntik na akong mawindang sa ginawa mo, pero okay lang I understand."
ngumiti ako at ininum ang milk tea na ibinigay niya.
Sabay na rin kami nag lunch ni Marco sa cafeteria na lang kami kumain mahirap lumayo baka kailanganin kami sa E.R.
Natapos ang duty namin at pauwi na sana ako nang may bouquet ng red roses na humarang sa dadaanan ko. Nasa harap ko na pla si Marco hindi ko napansin pagod na pagod kasi ako sa maghapong duty.
Tinanong ko si Marco kung para saan ang flowers at ang sabi..
"Para sa pinakamaganda at pinakamagaling na General Surgeon ng Asana." Tinanggap ko ang bulaklak na binigay sa akin ni Marco at nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi.
"Aysus! May kasama pang bola pero salamat, Marco." ngumiti ito sa akin at inaya akong mag-dinner.
Pumayag naman ako sa Finestra kami kumain. Habang nasa resto kami ni Marco, naiilang ako sa mga titig niya sa akin pakiramdam ko ay para akong matutunaw. Kaya para mabago ang atmosphere, tinanong ko siya.
"Marco, bakit ang bait mo sa akin?" mabilis naman siyang sumagot.
"Matagal na kitang crush Rachel, alam ko na masiyado akong mabilis dahil ngayon mo lang ako nakita pero dahil kay Caith parang matagal na kitang kilala. Palagi ka niya ikinukwento sa akin kaya nagka interes akong kilalanin ka."