Unexpected

2252 Words
Rachel's POV Because Marco confessed his feelings for me, I felt a little awkward every time I saw him, especially at work. Perhaps this is one of the reasons I'm not used to having someone around all the time. Hindi ako komportable na may lalaking palaging kasama lalo na sa mga actions ni Marco. Kaibigan lang ang tingin ko para sa kan'ya kaya naguguluhan ako kung paano ko masasabi sa kanya nang hindi siya mao-offend. Paano kasi bigla na lamang siyang sumulpot at nag-confess ng feelings niya out of the blue bigla na lang ako nagkaroon ng instant manliligaw. Ngayon ko lang siya na-meet tapos sasabihin niya mahal na niya ako. Siguro ay hindi pa ako handa sa commitment. Dapat kong masabi sa kanya habang maaga pa kasi ayoko naman magpaasa ng tao ayoko na nakakasakit ako ng iba. Pasado alas otso na ng gabi nang makarating ako sa bahay. Sakto naman na nasa gate si Nana Therese at marahil ay hinihintay niya ako kanina pa. Nakalimutan ko kasi siya tawagan after ng duty ko. Alam ni Nana ang schedule ko gaya nga ng nasabi ko, itinuring ko na siyang parang tunay na ina. “Anak, ginabi ka yata ng uwi pinag-alala mo akong bata ka.” Nakanguso ito kaya pagka-park ko ng kotse ko ay kaagad ko siyang niyakap at binigyan ng halik sa pisngi, bilang lambing ko kay Nana alam kong 'yon ang makakapawi sa pag aalala niya. Hindi rin kami nagtagal sa labas ng bahay at pumasok na rin kami sa loob. Kahit na nakakain na ako ay pinilit ko pa rin sabayan si Nana ayoko naman na mag isa siyang kumain. Pagkatapos ay pumunta na ako sa aking kwarto para makapag linis ng katawan at makatulog. Masakit ang balikat at likod ko dahil sa pagod sa trabaho. Kaya pagkahiga ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Wala naman akong duty kinabukasan kaya naisip ko pumunta sa Kix Martial Arts Studio para mag-sparring. Medyo hinahanap ng katawan ko ang martial arts kaya kapag wala akong duty sa Kix lang ako matatagpuan. Kinabukasan.. Alas siete ng umaga na ako nagising mula sa pagkakatulog ko. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko. “Hay! Ang sarap mag-unat at sa wakas makakapag pahinga rin ako. Ang sarap sarap sa feeling ng ganito, sana ganito na lang araw araw,” bulong ko sa sarili. Humiga ulit ako at pinisil pisil ang unan ko, pumikit at dinama ang lambot ng kama ilang sandali pa ay naisip ko na bumangon. Isinuot ko ang aking tsinelas na color pink at kumuha ng damit sa closet ko. Ipinatong ko sa kama ang damit na napili ko. Sleeveless na color teal at leggings na black iyon. Pumunta ako sa restroom bago ako lumabas ng kwarto ko. “Oh anak, bago ka pumunta sa gym mag breakfast ka muna ha alam mo naman na ayokong nagugutom ka” nakangiting wika ni Nana. “Of course po Nana hindi ko po palalampasin ang masarap na breakfast na inihanda mo, napakaswerte ko talaga sayo Nana,” tugon ko sabay pout ang labi. Pumunta ako sa likuran niya at niyakap ko siya kaya napailing na lamang si Nana sa sinabi ko. “Hala, sige tama na ang pambobola mo at kumain ka na.” Nagtawanan kaming dalawa. Matapos ko kumain ay naghanda na ako ng gamit ko at naligo. Bago ako umalis ng bahay ay nagpaalam muna ako kay Nana at saka sumakay sa sasakyan ko. Habang nasa biyahe ako, ay may nadaanan akong nakamotor na nakahandusay sa may Victoria Avenue. Walang ibang tao doon kaya nagmadali akong bumaba sa kotse ko upang tingnan ang kalagayan nito. Kaagad kong sinuri kung may malay ba ito at nang malaman ko na may malay, kinausap ko ito at dahan dahan inalis ang helmet nito sa ulo. “Are you okay? Anong masakit sa'yo?" nag-aalala kong tanong. Ngunit sa halip na sagutin ako ng maayos ay pinagsungitan pa ako. “Do you think I'm okay Miss? Mabuti pa tumawag ka na lang ng ambulance, masakit ang kamay at leeg ko, at ayaw ko nang tanong pa nang tanong!” Medyo napataas ang kanang kilay ko sa aking narinig at napabulong sa sarili. "Ah ikaw pa ang masungit, ha?!" Dahil sa inasal ng lalaking kaharap ko ay medyo nabuwisit ako. Ako na nga ang tumulong ako pa susungitan. Napanganga ako at hindi makapaniwala sa inasta ng lalaking nakahandusay sa harapan ko kaya nakaisip ako ng ganti dito. Pinilit ko na maging magalang pa rin ang pakikipag-usap ko sa kaniya, kahit na inis na inis na rin ako at gusto ko na siyang iwan. “Doctor po ako, Sir at alam ko ang dapat kong gawin sa'yo! Ano nga po ulit ang masakit?” "I am a doctor, Sir, and I know what I should do to you!" Nakataas ang kilay ko na nagtanong at pinipigilan kong mapatawa sa naisip kong gawin dito. "What's the matter again?" “Leeg at kamay,” maikli nitong sabi na akala mo ay nabili na niya ang kausap sa yabang kaya napairap na lang ako sa kawalan. Kaya para makabawi sa magaspang niyang ugali, medyo tinakot ko muna ito sinabi ko na baka may fructured siya kaya kailangan na malagyan ng support yung leeg niya. Kaagad naman itong sumangayon sa sinabi ko at namumutla nang tiningnan ko. “Uhm! Don’t worry.. I will help you hindi naman ako masamang tao para iwan ka dito kahit na ang sama ng ugali mo! Need natin lagyan ng support yang leeg mo para hindi magalaw at masiguradong safe ka.” Pero sa totoo lang ay talagang pinipigilan ko ang sarili ko konti na lang ay mapapatawa na ako sa naiisip kong kalokohan. Kaya tumalikod kaagad ako at pupunta na sana sa kotse ko. "Shucks! In my whole life ngayon ko lang gagawin ito, nakakakaba naman!" bulong ko sa sarili. "May sinasabi ka?" kunot noong sabi nito. "Wala po, ang sabi ko kukuha lang ako sa kotse ng p'wede kong magamit pang first aid, Sir!" Tumayo na ako. Pumunta ako sa kotse ko, naghanap ako ng p'wede kong mailagay na pang suporta sa leeg nito na magmumukhang katawa-tawa. At nahagip ng aking mga mata ang naka-display na dalawang bear stuff toy na kulay fushia pink. Napangiti ako ng bahagya at kaagad na kinuha ko iyon. Binigkis ko iyon at isinukat sa ulo ng lalaki at natatawang inilagay iyon. Noong una ay nagalit pa sa akin at tumutol na ilagay ko, pero nakumbinsi ko din naman sa huli. “Doctor ka ba talaga? Seryoso ka sa ginawa mo sa akin? Pinagmukha mo akong katawa-tawa!” Namula ang mukha niya na parang konti na lang ay sasabog na sa galit. “Hoy! Ajusshi for your information, ikaw itong una na hindi rumespeto sa akin. Tinutulungan ka na nga sa halip na magpasalamat ka nakuha mo pa magsungit . Hindi ba uso sa'yo ang salitang thank you man lang? Tss! Hiyang-hiya naman ako sa'yo feeling gwapo hmp!” Napatulan ko tuloy napipikon na talaga ako dito kay Yeoj kung di lang siya naaksidente, nabatukan ko na tong lalaking ito. Yes, si Yeoj nga, ang sikat na artista na hinahangaan at sinasamba ng marami. Alam ko na may lahi siyang korean dahil sa sikat siyang artista. Kaya tinawag ko siyang ajusshi, pang asar lang. “Why? I'm very attractive! How could you call me Ajusshi when I'm this handsome? Are you Korean?! inis niyang tanong. “Aba! At talagang nagbuhat pa ng sariling bangko! Tss.. Eh ano naman kung artista ka? Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan mo 'noh! Kahit pa sikat na model at artista ka pa, who cares?!” Napahalukipkip ako dahil sa inis. Inilagay ko din sa kanya ang towel ko na gagamitin sana sa gym kaya lang mukhang hindi na ako matutuloy dahil sa lalaking panira ng araw ko. Matapos kong ilagay ang towel pang support sa braso nya, kinuha ko ang phone ko at i-dinial ang ambulance ng hospital na pinagtatrabahuhan ko. Dahil sikat na artista ito alam kong kailangan pa rin na ingatan ang image nya. “Hmm.. you made fun of me ha? Let's see!” bulong nito habang nagtataaas baba ang kilay nito na nakatingin sa akin. “Alam mo sa daldal mo na yan mukha naman na hindi mo kailangan ng tulong eh kaya mo na ang sarili mo! Iwan na lang kaya kita dito.” Dagdag ko pa. Pinatawagan din nito sa akin ang manager niya para ma-settle ang situation niya. Magsasalita pa sana ito nang biglang tumunog ang phone ko. Kaya hindi natuloy ang sasabihin nito. Habang may kausap ako sa phone ay biglang dumating ang tinawagan kong ambulance. "Hello. Dra. Rachel, we have a code blue patient papunta pa lang po sila rito sa hospital, nasa Operating Room pa po kasi si Dr. Marco kasisimula pa lang niya ng surgery. Makakapunta po ba kayo?" curious na tanong ng kausap ko sa phone. “Yes, hello. Okay, I'm on my way. How is the patient? Do you know how far away from the hospital they are right now?” I answered in a rush voice. Habang tinitingan ang wrist watch ko. "According to his record from another hospital, He's a nasopharyngeal carcinoma patient. They're currently in an ambulance right now they will arrive in 20 minutes.." dagdag pa nito. "Okay. I'm on my way I will meet you there. Okay thanks. Bye." Pinindot ko ang end button sa phone ko at tumakbo ako patungo sa kotse ko para pumunta sa hospital. “Hoy, lalaking masungit sa hospital na lang tayo magtuos mauna na ako.” pamamaalam ko kay Yeoj habang isinasakay ito sa stretcher. "Wala akong ibang magamit pang first aid kaya yan lang muna huwag nyo na alisin para hindi rin siya masyado makilala," bilin ko sa rescue team na alam kong narinig naman ni Yeoj. At the hospital.. Pagdating ko sa hospital binati ako ng guard ngumiti lang ako sa kanya at tumakbo na papunta sa Doctor's Station. "Code Blue. Paging Dra. Rachel Faith Madrigal please proceed to the O.R now." Pine-page na ng nurse si Rachel kaya narinig iyon ng kaanak ng pasyente. "Ano ang nangyayari? Nurse, ano ang code blue? Bakit?" Narinig kong tanong na sa tingin ko ay kaanak ng pasyente. "Ang Code Blue po ay isang medical term na ginagamit ng mga doctor na pang-emergency ng ospital upang ilarawan ang kritikal na katayuan ng isang pasyente. Matatawag na nasa isang code blue ang isang pasyente kung ito ay may mga isyu sa paghinga, inatake sa puso o nakakaranas ng anumang iba pang medikal na emergency. Huwag na po kayong mag-alala at gagawin po namin ang lahat para mailigtas ang pasyente." mahinahong paliwanag ng nurse na si Andrew bago sumunod sa akin. Nakasuot na rin ng scrub suit niya. Habang nagsusuot ako ng scrub suit ay narinig ko na ang pagtawag sa aking pangalan. Pagkatapos ay tinapakan ko ang pedal para sa switch ng tubig upang maghugas na ako ng kamay at pumasok na sa Operating Room. Nakataas ng bahagya ang aking mga kamay nang pumasok ako sa loob ng O.R. Nandoon na ang anesthesiologist at apat na nurse, maging ang assistant doctor. Kaagad akong sinalubong ng isang nurse upang suotan ng surgical gown. At iniabot naman ng isang nurse ang record ng pasyente. Tumingin ako sa babae sa tabi mg monitor. "May I begin?" tanong ko sa Anesthesiologist habang bahagyang nakataas ang kamay ko. Nang biglang tumunog ang surgical monitor sanhi ng pagbaba ng blood pressure ng pasyente kaya mabilis akong lumuhod sa operating table at binigyan ng chest compression o CPR ang pasyente. "Sandali, kailangan na natin gawin ang Chest compression hindi na maganda ang lagay ng pasyente." Binomba ko ang puso ng pasyente upang matulungan ito sa pagdaloy ng dugo sa kaniyang puso. Pawis na pawis ako ng huminto sa pag CPR. Mabuti na lamang at bumalik din ang heartbeat ng pasyente kaya nakahinga ako ng maluwag. Maraming beses na rin akong nakasaksi ng mga ganitong pangyayari at hindi na iba ito sa akin dahil mas malala pa ang iba rito. Isang oras at kalahati rin ang itinagal ng operasyon. Nang matapos ang operasyon ay hinubad ko na ang surgical gown at lumabas na sa OR. I was about to go to the Doctor's station but I couldn't understand why someone seemed to be pulling me to the emergency room. Kaya pumunta ako sa ER ng makarating ako roon sa ER ay napa buntong-hininga ako nang wala roon ang gusto kong makita. Kaya napagpasyahan kong pumunta na lamang sa Doctor's station para ayusin ang mga gamit ko na basta ko na lamang naiwan kanina dahil sa pagmamadali. I was about to turn the doorknob when someone grabbed my hand. In shock, I clutched my chest. When I looked up to see who was behind me, the wind blew me away when I saw it was just Marco. Halos magkadikit na ang aming katawan kaya ramdam ko ang matigas nitong dibdib. "Ako na Ms. Beautiful" malambing niyang sabi habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko kaya ang titig niya kaya para maiba ang atmosphere ay hinampas ko siya sa braso. "What's wrong with you Marco? Aatakihin ako sa puso sa'yo eh!" I rolled my eyes at him. "So, what's exactly the issue? I'm a cardiologist here, I'll open your heart para tumibok naman iyan at sagutin na ang cardiologist niya" tugon nito na may nakakalokong ngiti. At sabay kaming pumasok sa Doctor's station.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD