NIGHTMARE

1973 Words
Naalala ko na naman ang huling pagkikita namin ni Marco noong pinuntahan ko ito sa kanyang condo. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa tuwing naaalala ko na ang bestfriend ko ay nagseryoso sa babae. Parang nakalutang sa buwan na naglalakad ang loko. At noon din ay ikinuwento niya sa akin ang babaeng kinakahumalingan niya. “Dude, sino ba ang babae na ‘yan? At parang masama ang tama mo?” tanong ko rito habang natatawa akong pumasok sa loob ng condo niya. “Ah ‘yon ba Si Rachel, Dude! maganda siya at mabait kaya lang hindi ata ako ang gusto” napabuntong hininga ito habang ibinababa ang kaniyang bag sa ibabaw ng lamesa. “You mean friendzoned lang ang isang Marco the pogi? Bago ‘yon ah! Tugon ko rito habang umuupo sa couch niya. “Kaya ayoko sa mga babae problema lang ‘yan Dude.” dagdag ko pa rito. Bigla kong naalala ‘yong babaeng Doctor na tumulong sa akin a while ago. Na-discharged din naman ako kaagad dahil minor injuries lang naman ang natamo ko sa aksidenteng iyon. At dahil sa babaeng iyon ay napagtawanan ako sa ER kanina ng mga nakakita sa akin sa hospital. Blessing in disguise na rin at walang nakakilala sa akin noong nakasakay ako sa stretcher, dahil sa mga unggoy na nakaharang sa gwapo kong mukha. Nakilala lamang ako ng mga nurses at doctor na nag-assist sa akin sa hospital, noong malapitan na nila ako. Doon ko rin nalaman ang pangalan ng Doctor na iyon. Kaya humanda sa akin ang Rachel na iyon kung sino man siya. Sana lang hindi siya ‘yong Rachel na tinutukoy sa akin ni Marco the Pogi dahil kung siya iyon ay hindi papayag ang loko at masisira ang plano kong konting revenge sa babaeng iyon. Pagtitripan ko lang naman siya para kasing masarap siyang bwisitin. Hindi ko na siya nakita sa hospital dahil nasa operating room pa raw ang Rachel na iyon. Iniuwi na ako ni Mom kasama si Sir Paps ang Talent Manager ko. Mabilis naayos ang lahat sa tulong na rin ni Sir Paps na aligagang-aligaga para hindi lumabas sa media ang nangyari sa akin. Kaya minabuti niya na hindi muna ako palabasin dahil sa ilang galos at konting pilay na aking natamo. Mahirap na sayang ang mga projects. Sa bahay na lamang ako nagpagaling dahil may family Doctor naman kami kaya siya na lamang ang tinawagan ni Mom para tingnan ang condition ko. Malapit na ang birthday ko kaya busy sila sa bahay ngayon for the preparation sa birhtday party ko sa susunod na linggo. Maraming hotels ang pinagpipilian niya at nahihirapan siya pumili na parang siya itong may birthday. Excited siya palagi pagdating sa akin, kahit hindi naman niya ako totoong anak. Minahal niya ako na parang totoong anak. Kaya naging malapit kami sa isa’t-isa. Surprise party sana iyon kaya lamang nalaman ko rin dahil sa kadaldalan ni Diane. Sinabi ko kay Mom na ayaw ko ng enggrandeng party family and friends lang ay sapat na. Ang totoo, hindi ko naman talaga gustong i-celebrate ang birthday ko dahil naiisip ko lang kung anong hirap ang dinanas ko. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako, epekto ng sedatives na ininom ko. Mula nang na trauma ako ay nahirapan akong matulog kaya binigyan ako ng sedatives. “H-h-uwag kang lalapit! Diyan ka lang!” bahagyang nakataas ang kamay ng batang lalaki na nanginginig ang kamay at boses nito. “Faith don’t cry okay? I’m here hindi kita iiwan,” tinig ng batang lalaki sa batang babae na basang basa nang luha ang mukha. “Dad, Mom, huwag nyo akong iwan please! Gising na kayo ano ba Dad, Mom paano na ako.” Pawisan at hingal na hingal ako nang ako ay nagising napanaginipan ko na naman ang mga masasamang ala-alang iyon. That horrible tragedy occurred over two decades ago. In my mind’s eye, it started to flash back. All of it represents the pain and wounds of my past that I wish to forget. Gabi-gabi pa rin akong hindi makatulog nang maayos kaya sedatives na ang naging sandalan ko para lamang makatulog ako. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mata ay bumabalik sa akin ang trauma na nangyari sa buhay ko. "Kumusta na kaya si Faith? Nasaan na kaya siya ngayon? Tama! dapat ko na siguro ituloy ang paghahanap ko sa kanya." bulong ko sa sarili . Bumangon ako at lumabas sa aking silid para magpahangin sa garden. Naupo ako sa upuan sa ilalim ng malaking puno ng narra, ito ang paborito kong puntahan dito sa bahay simula noong dumito ako sa Pilipinas. Nakatingala ako sa mga dahon na sumasayaw sa ihip ng hangin nakakarelax sa pakiramdam at sabayan pa ng mga huni ng mga ibon na naglalaro sa sanga nito. Muling nagbalik sa akin ang pangako namin ni Faith noon. Nangako ako sa kaniya na hahanapin ko siya sa Pilipinas at papakasalan ko siya. Pinagsalikop namin ang aming hinliliit na daliri at ngumiti sa isa’t-isa. Nangiti ako nang maalala ko ang mga pangyayaring iyon. Naabutan ako ni Mommy na nakangiti sa kawalan, kaya hindi ko na namalayan ang kanyang pagdating. Tumikhim ito at saka ko lamang nalaman na nasa harapan ko na pala ito. Umupo siya sa tabi ko at sinabi sa akin ang tungkol sa party. “Son, about the party to be held next week, is there anything you’d like to add?” nakangiting wika ni Mom habang iniaabot sa akin ang plan sa party na iyon. “It’s perfect Mom. I’m glad na kayo ang kasama ko sa birthday ko.” nang makita ko na sa isang hotel suite lang ito gaganapin ay pumayag na ako. Mabuti na lamang this time ay walang enggrandeng party hindi katulad last year na halos lahat ay ininvite na nila. Nasa ganoong ayos kami ng biglang dumating si Dad kaagad niya kaming nilapitan. Humalik muna ito kay Mom bago niya ako tinapik sa braso bilang pagbati. “Hey Son! How are you okay ka na ba? kumusta na ang mga sugat mo?” walang emosyong wika nito “Hmm, much better na Dad malayo sa bituka, how’s your day?” nakangiting wika ko rito. “Good. Mayroon nga pala akong idi-discuss sa iyo, pero mamaya na lang siguro,” wika ni Daddy Charles. Bago ako sumunod sa kanya sa library niya ay tinawagan ko muna si Marco na pumunta siya sa Osaka hotel next week. This time ay makaka attend na siya, noong mga nakaraang taon ay hindi siya nakakadalo dahil nasa America pa ito. Sinabi pa nito sa akin na isasama niya iyong babae na nililigawan niya para makilala ko ng personal. Pagkatapos ng usapan namin ay pumunta na ako sa library ni Dad at doon pinag-usapan namin ang tungkol sa kumpanya ko na minana ko sa mga magulang ko. Dahil abala ako sa pagiging artista, ay napagpasyahan ko na siya muna ang pamahalain ko rito. May sarili rin itong kumpanya pero mas malaki ang kumpanya ng biological parents ko. Hindi na rin naman siya iba sa akin dahil half brother naman siya ni Daddy Joey ang biological father ko. Kung minsan kapag hindi hectic ang schedule ko ay binibisita ko pa rin ang kumpanya. Rachel’s POV Nasa loob na ako ng doctor’s station magkasabay kaming pumasok ng makulit na si Marco. While I was sitting, I decided to turn on my cellphone. Pagbukas ko sa aking phone ay bumungad kaagad sa akin ang shared photo ng nakakaasar na pagmumukha ni Yeoj. Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis nang maalala ko kung gaano ito kasungit. Pero sa isang banda ay nakaganti naman ako dito dahil sa pinagmukha ko naman siyang katawa-tawa, pero pasalamat na rin siya sa ginawa ko dahil sa ginawa ko kahit paano ay naitago naman ng mga bears na iyon ang mukha niya sa mga fans niya dahil kung hindi, naku tiyak na pagkakaguluhan siya at sa hospital pa. Aaminin ko, gwapo nga siya pero hindi ang tulad niya ang tipo ko lalo na noong nakita ko siya sa personal naku.. nakakagigil ang sarap tirisin! Sana lang ay hindi ko na siya makita pa dahil sa kanya nasira ang plano ko na pumunta sa gym, gusto ko pa naman sana mag sparring noon and to visit my gym na rin matagal tagal ko na rin itong hindi napupuntahan dahil busy ako sa hospital. Si Nana ang pinagma-manage ko sa gym para hindi rin siya mainip at para may pagkakaabalahan siya habang ako ay wala. Nang makatapos ang duty ko ay napagpasyahan ko nang umuwi. Naglinis lang ako ng katawan at natulog na ako paggising ko nag check ako ng phone ko nakita kong maraming missed calls si Marco. Kaya nag call back ako sa kaniya baka urgent. “Hello good morning!” malambing na bati ko habang hinihintay ang tugon nito. “Hello Ms. Beautiful! Ang sarap naman pakinggan ng boses mo.. na mimiss mo na ako noh?” natatawang wika nito. I smirked. "Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking ito bagay silang magkasama ni Yeoj parehong mahangin. Tss!" nawika ko sa sarili. “No I’m not! I just wanted to ask you something, bakit ka nga pala tumawag? Sorry natulog kasi ako ng maaga kaya hindi ko nasagot ” Naupo ako sa harap ng vanity table ko, at uminom ng tubig habang nakikiramdam sa isasagot nito. Bigla akong nasamid ng marinig ko ang isinagot niya. Gusto niya na isama ako sa party ng kaibigan niya sa Osaka hotel hindi na ako nakahindi kasi gagawan daw niya ng paraan ang schedule namin. Bilib din talaga ako sa self confidence ng lalaking ito wala nang tanong tanong kung umasta akala mo boyfriend ko. At ang isa pang nakakagulat ay sumabat ang bestfriend ko na si Caith, talagang hindi maitatanggi ang closeness ng dalawa. Siguro kung hindi ko sila kilala baka naisip ko na may relasyon silang dalawa. Naalala ko tuloy ang bestriend ko noon si Azrel sa kanila, bagaman bata pa kami noon pero sobrang close talaga namin sa isa’t-isa. We went through a lot before we separated, but I will never forget him. Gusto kong bumalik sa Korea para hanapin siya roon pero masyado akong busy. Binuksan ko ang drawer ng aking table, kinuha ko ang isang box na naglalaman ng may mga sentimental value sa akin. Mahilig akong mag-treasure ng mga memories masaya man ang alaala nito o hindi, basta mahalaga sa buhay ko, iniingatan ko. Lahat ng laman ng box ay galing sa mga mahal ko kaya iniingatan ko talaga ang mga iyon. Tulad na lamang ng black belt na ito, napatingin ako sa picture naming tatlo ng parents ko, masaya pa kami dito, kung hindi lang sana nangyari ang lahat siguro ang saya saya namin ngayon at magkasama pa kami ni Mom sa hospital. Nanlabo ang aking mga mata nang naalala ko ang mga iyon sana lang talaga mahuli na kung sino man ang may kagagawan ng pagkamatay ng parents ko. I’m not going to stop until he’s put behind bars. He must pay all of his debts to me and my family. Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng side table ng kama ko, at tinawagan ko ang hinired ko na private investigator na si Mr. Vincent Marcova ngunit wala pa rin itong magandang balita. Almost ten years na rin simula noong nag hire ako ng private investigator, minsan naisip ko na palitan na lamang ito dahil wala naman itong maibigay na kahit anong impormasyon sa akin. Hindi ko alam kung bakit napakailap talaga ng hustisya sa tulad ko na simpleng tao. Darating din ang panahon at mahuhuli rin ang taong gumawa nito sa inyo Dad, Mom.. ito na lamang ang naibulong ko sa aking sarili. Nahagip naman ng aking mata ang isang napakacute na butterfly keychain, bakas man ang kalumaan ngunit maayos pa naman ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD