PARTY

2031 Words
Rachel’s POV “Faith, are you awake?” wika ni Nana habang kumakatok sa pintuan ng aking silid. Si Nana lang ang tumatawag sa akin ng Faith at ang bestfriend ko na si Azrel. Kahit naririnig ko siya ay hindi pa rin ako bumabangon, tumugon lamang ako rito tanda na gising na ako, at nang narinig niya iyon ay pumasok ito sa loob. “Anak, nasa baba si--” naputol na wika ni Nana. Sabay pa kaming napalingon nang biglang pumasok ang makulit na si Caith. “Besh! Sabay na tayo sa pagpunta sa hotel ha, sabay upo sa kama habang inaalog pa ang balikat ko. “Marco told me na ikaw ang kasama niya sa party, Ano pa ang ginagawa mo diyan bumagon ka na.. Besh..” Dahil sa kakulitan nito ay nagtakip pa ako ng kumot, hindi ko alam kung bakit tinatamad ako na bumangon. Feeling ko kasi parang may hindi magandang mangyayari sa araw na ito. "Ano na naman kayang kamalasan ang mangyayari sa buhay ko?" bulong ko sa sarili, bumangon ako at mumukat-mukat na pumunta sa CR para maligo. Paglabas ko ay agad na bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Caith. Sa ngisi na iyon ay batid ko na ang ibig sabihin. Kanina pa lamang ay alam ko na ang sadya nito kaya ito nagpunta rito, ito ay upang paglaruan na naman ang mukha ko at mag feeling stylist. Well, model naman siya kaya may taste siya pagdating sa mga ganitong bagay. Hindi nga ako nagkamali, habang papalapit ako sa aking kama ay napansin ko na roon ang nakapatong na dress. Kahit kailan talaga ay pakialamera itong bestfriend ko. I chuckled when I saw a beige slim bodycon dress on my bed. She isn’t going to stop unless I agree to it kaya ano pa nga ba ang magagawa ko, kundi suotin ang dress na iyon. naman ako sunod-sunuran sa mga gusto ni Caith. May sarili rin naman akong desisyon, nakita ko naman na maayos ang damit na iyon kaya pumayag na rin ako. Susunduin ako ni Marco at sabi ni Besh ay sasabay na lang siya sa amin, kaya magkasama kaming naghintay sa bestfriend niya. Gumagayak pa lamang kami ni Caith nang biglang tumunog ang doorbell, dahil nagbibihis pa ako ay si Caith na ang nagbukas ng pinto. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas ako sa kwarto ko upang tingnan kung sino ang dumating. Pinamulahan ako ng mukha nang makita ko ang dalawa na nag uusap nakita ko kung gaano sila ka close sa isa’t-isa. Kinikilig ako sa dalawang ito, para kasing may something sa kanila indenial lang. Kung wala lang boyfriend si Caith iisipin ko na may relasyon silang dalawa. “Hey wazzup Bro! Bakit ka nga pala nandito?” kunot noo at paanas na bungad ni Marco kay Caith na tila magbabangayan na naman. “Bro naman, chill!” itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko, “Bakit bawal na ba ako makisabay sa mga bestfriends ko ha?” nakataas ang kilay at mapangasar na ngiting wika ni Caith. As if naman na may magagawa pa si Marco rito kay Caith eh nuknukan ng kulit ang babaeng ito. Ilang sandali pa ay nagpasya na kaming umalis kasama namin si Nana dahil kailangan niya pumunta sa gym. Kaya isinabay na namin ito. Binuksan ni Marco ang passenger seat, magkatabi si Caith and Nana samatalang ako naman ay sa unahan. Ayoko sana pero nahiya naman ako kay Marco baka sabihin na nag iinarte pa ako. Nang maihatid namin si Nana ay dumeretso na kami sa Osaka hotel kung saan magaganap ang party. Dahil kasama naman si besh pumayag na rin ako kahit na wala akong idea sa party na iyon. Hindi naman siguro nila ako ipapahamak. Nasa entrance na kami ng hotel, doon ay mapapansin kaagad ang kagandahan nito. Bago pa man kami makapasok ay chineck muna kami ng guards sa may lobby ng hotel. Combination ng kulay pink at gold ang makikita sa hotel maraming ilaw at may malaking kulay gintong chandelier.Very cozy and elegant naman ang mga lounge na kulay pink mukhang hindi mahilig sa pink ang owner ng hotel na ito. Napakalaki ng hotel mabuti na lang pala at nag ayos ako, kung hindi dumating si besh baka mukha akong ewan sa party na ito. Sumakay na kami sa elevator sa 17th floor ang room kung saan gaganapin ang party,nagtataka naman ako kung bakit sa isang executive suite gaganapin ang party na iyon. It just signifies that there aren’t many people there. Combination of dark grey at white ang nakita ko paglabas namin sa elevator ginamit naman ni Marco ang keycard niya upang makapasok kami sa loob. Nakaabang naman kay Caith si Dominic, ang boyfriend ni Caith at sabay silang pumasok sa loob. Hinawakan naman ni Marco ang aking kanang kamay at nagsimula na kaming lumakad papasok sa room. Iilan pa lamang ang tao roon halos kami pa lamang ang bisita kahit medyo nagtataka ako ay mas pinili ko na lamang manahimik. May isang lalaking nakatalikod ang nakapukaw ng aking atensyon. My eyes widened when I saw who was the reason we came here. At ganoon din ito mukhang hindi rin nito inaasahan ang pagdating ko. Naglakad si Marco na hawak pa rin ang kamay ko palapit sa lalaking nakita ko. “Ikaw??…” nanlalaking mata at daliring nakaturo sa akin ang naging reaction nito. “Ikaw na naman??” sabay naming nabigkas ang salitang ito nang magkaharap kaming dalawa. Hindi ko inaasahan na sa dinami dami ng party na pagdadalhan sa aking ni Marco ay dito pa talaga sa taong isinumpa kong ayaw ko nang makita. ‘Of all people talaga siya pa ang makikita ko ngayon, kaya naman pala masama ang kutob ko kanina. Naku mukhang mamalasin na naman ang araw ko’ bulong ko sa sarili. “Teka, magkakilala na ba kayo? I mean kelan kayo nagkita?” napakamot ito sa kaniyang ulo na tila nagugulumihanan sa nasaksihang eksena ni Marco. “Siya lang naman ang lalaking malas at sumira ng araw ko” I rolled my eyes habang nakatingin kay Yeoj. ‘Oo, siya na naman. Ang lalaking nuknukan ng yabang at mataas ang tingin sa sarili. Hmp! Feeling gwapo’ “Hoy! Ikaw, may sinasabi ka? Ikaw, malaki pa ang atraso mo sa akin ha hindi pa--” hindi na naisundo ni Yeoj ang sasabihin nito nang biglang putulin ni Marco ang pagsasalita nito. “Tsss… atraso your ass!” I chuckled. “Oh chillax guys! Nasa party tayo narito tayo para magsaya. At ikaw naman Dude, ganyan ka ba mag entertain ng bisita mo? date ko siya ha." Sabay patong ng braso sa aking balikat na kaagad ko namang inalis. Mabuti na lamang at may lumapit na isang lalaki I think he’s in his 50’s. Tinapik nito sa balikat si Yeoj at ganoon na rin si Marco. Mukhang magkakakilala silang tatlo, nakatingin lamang ako sa matanda at nakikiramdam sa kanila. Binati pa nito si Yeoj sa kaniyang kaarawan ama niya pala ito. Ipinakilala naman ako ni Marco rito at ganoon na rin kay Yeoj. “Hello, lovely young lady, I’m glad to meet you. Enjoy the party” nakangiting wika ni Sir Charles habang nakikipag shake hands. “Thank you. It’s a pleasure to meet you, Sir Charles.” inabot ko ang kamay ni Sir Charles at isang matamis na ngiti ang iginawad ko rito. Pagkatapos ay umalis na si Sir Charles kaya iniwan ko ang dalawa ni Yeoj at Marco na magkausap. Dahil abala sa pagkukwentuhan ay hindi napansin ni Marco na umalis na ako sa tabi niya. ‘Mukhang family and friends lang talaga ang invited dito. Eh hindi naman kami close ng Yeoj na iyon. Kung alam ko lang na dito pupunta hindi na sana ako sumama.’ bulong ko sa sarili. Anong disaster na naman kaya ang mangyayari rito hays sana wala. Umupo ako sa couch malapit sa malaking bintana. Napansin ako ni Marco kaya kaagad niya akong pinuntahan. Matapos ay inaya na niya akong kumain. Nasa dining na kaming lahat, eight lang naman kami kaya kasya kami sa isang dining table sakto kasi na eight seaters din ito. Habang kumakain, may napansin ako sa babaeng katabi ni Yeoj, kanina pa kasi itong tingin nang tingin sa akin kaya nginitian ko na lang ito ngunit hindi ko inaasahan ang inakto nito sa akin. Inirapan lang naman ako, juicecolored! May kakambal palang malas itong si Yeoj bagay nga silang magsama parehong bitter. Hindi naman ako naasar sa kaniya kaya itinuloy ko lang ang ginagawa kong pagkain. It’s past eight o’clock in the evening, umuwi na ang parents ni Yeoj kaya anim na lang kaming natira kaya para tuloy kaming couple nakakatawa lang. Basta kaingayan game na game si Caith, maaasahan ito sa mga paghohost dahil kwela itong kasama. Nagkatahan sila habang ako ay nanonood. Nakaupo pa rin ako sa couch sa may entertainment area, Kinuha ko ang phone ko sa bag para mag update kay Nana na male-late ako ng uwi. Napaangat ang ulo ko sa wine glass na nasa harapan ko, and look who’s here.. ang maldita inaabutan ako ng wine may lason kaya ito? Tinanggap ko naman pero hindi ko muna ininom nakatingin lang ako sa kaniya. “Don’t worry walang lason iyan” nakangisi ito at saka ininom ang wine na hawak niya. “Diane, right? Thank you” ngumiti ako at ininom ang wine. “Yeah! Oh by the way, saan nga pala kayo nagkakilala ni Yeoj?” nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Diane. At iyon na nga sinabi ko sa kaniya kung paano kami nagkita pero natawa ito, obvious naman masyado ang plastic lang.. ‘Ano ba kasi ang ginagawa ng babaeng ito sa harapan ko ang weird, isa rin siguro ito sa naghahabol dito kay Yeoj’ Para hindi humaba ang usapan ay ibinaling ko na lang ang atensyon ko kay Caith na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa ni Diane. Maya maya pa ay lumapit na ito sa amin at umupo sa tabi ko na sinundan naman ni Marco na galing sa CR. “What’s going on here??” Malakas ni tinig na nagmula sa may pinto ng silid. Mukhang may bagong bisita kaya natahimik kaming lahat at napatingin sa dako ng pinagmulan ng boses na iyon. Hindi ko iyon kilala pero parang familiar sa akin ang hitsura niya, hindi ko alam kung saan ko ito nakita pero ipinagwalang bahala ko na lamang ito. Lumapit ito sa amin at nilapitan ang birthday celebrant bumulong ito at saka tumawa. Maya maya pa ay pumalakpak ito at sinabing, “Okay, simulan na ang party music please!!” nagsigawan sila at bakas sa mga mukha ang saya. Hinawakan ako ni Marco sa kamay at iniupo sa silya kung saan katabi siya. Inilabas naman ni Dominic ang dala niyang wine at doon nag umpisa nang ang totoong party. Mahina pa naman akong uminom at alam iyon ni Caith kaya napatingin ito sa akin. Habang nag iinom ay ipinakilala naman ni Yeoj ang lalaking dumating este bading pala. Ah basta! Kaya naman pala familiar sa akin siya pala ang talent manager ni Yeoj na si Sir Paps. Para hindi masyado malasing at magkaroon ng konting excitement naisip nilang mag spin the bottle. Aba akalain mo nga naman uso pa pala iyon? Ramdam ko ang pag iinit ng aking pisngi marahil ay namumula na ito dahil tumatalab na sa akin ang alak. Nang nasa kalagitnaan na kami ng inuman ay nagpaalam sa akin si Marco na may sasagutin lang daw siyang tawag, maya maya ay bumalik din ito at sinabing kailangan na muna niyang umalis. Ihahatid muna daw niya ako pero pinigilan ito ni Caith at sinabing isasabay na niya ako. Dahil mukhang emergency ito, ay hinayaan ko na rin nakatingin ako kay Marco habang papalayo at the same time ay nag aalala na rin. Lasing na kami at mukhang hindi na kami makakauwi pa nito. Tatayo na sana ako nang bigla akong na out of balance buti na lamang ay may nakapigil sa aking pagkabagsak. Napapikit na lamang ako nang naramdaman kong babagsak na ako. Ngunit hindi ko inaasahan na sasaluhin ako ni Yeoj napakapit ako sa kaniyang leeg sa katakutan kong mahulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD