Yeoj POV Isang linggo na ang nakalipas mula nang naganap ang aksidente magaling na ang natamo kong injury at higit sa lahat pogi na ulit ako. Eh kailan na ba naman ako pumangit? Hinaplos ko ang aking buhok sa harap ng salamin at tinitigan ang gwapo kong mukha. Habang hinahaplos ang aking pisngi sabay ngiti. Ngayon gaganapin ang birthday ko sa sa isang executive suite dahil iyon ang kagustuhan ko. Ang walang masyadong bisita. Tumawag sa akin si Sir Paps na kasama raw niya si Direk Dom ang direktor sa bagong teleserye na pagbibidahan ko. Ipapakilala raw niya ako rito bago ang party kaya pumunta ako ng maaga sa hotel. Nauna na si Mom and Dad doon, nagpaiwan na lang muna ako dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Tinawagan ko ang private detective na hinired ko dahil gusto kong ipahanap s

