Parang kakaiba ang ikinikilos ni Yeoj noong time na iyon. Madalas ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin. Kaya naiilang ako sa kaniya. Isa pa si Diane na wala nang ginawa kundi sundan at b'wisitin ako. Hindi ako makakilos nang maayos dahil feeling ko palaging may mga mata na nakatingin sa akin. Nang umalis si Marco ay gusto ko na sana sumama kaya lang wala akong nagawa kun’di ang mag stay kasama nila dahil mukhang urgent iyong pupuntahan nito. Naglaro kami ng spin the bottle habang nag iinom para may twist, nakapalibot kami sa oval na dining table sa executive suite na iyon. At doon ay napahiya ako sa lahat ng mga kasama namin. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa mga nangyari. Magkaaway lang kami noong dumating ako tapos bigla na lang niya akong hinalikan. Nanlaki talaga an

