“Mang Buboy pick up the phone,”bulong ni Yeoj sa sarili. Nakakailang dial na ito subalit walang sumasagot sa tawag ng binata kaya lalong hindi mapakali si Yeoj sa kinatatayuan nito. “Hey! Bakit para ka naman kiti-kiti d’yan?”tinig ni Diane na nagmula sa likuran ng binata, napalingon pa si Yeoj sa dalaga. “Ah, ikaw pala. Kanina ka pa ba diyan?”tanong naman ni Yeoj. “Hmm.. Hindi naman, actually kadarating ko lang,”wika ni Diane bago umupo sa isang malaking tipak ng bato sa labas ng tent. “Coffee?”Alok ng dalaga kay Yeoj. “No. Thanks,”nakangiting sabi ng binata. Dahil bakas sa mukha ni Yeoj ang pagkabalisa ay naitanong iyon ni Diane. Ngunit hindi sinasabi ni Yeoj ang dahilan, sa tuwing itinatanong ni Diane ang tungkol sa iniisip niya ay iniiba nito ang usapan. Kaya hindi na rin ipinili

