"Hey guys! Ano ba iyong sasabihin ninyo kanina?"nakangiting sabi ni Azrel. "A-Ahh... W-Wala po, na-miss lang namin kayo, Sir."sabi naman ng babaeng mataba. "Okay, I'll go ahead."Nag-wink pa ito kaya kilig na kilig ang mga kababaihan pati na rin ang baklang naroon. Ngunit bago pa ito makalayo sa bakla, ay may inilagay itong kapirasong papel sa kamay ni Azrel. Nagkunwari pa itong na nahulog sa silya na kinauupuan kaya lumikha pa ito ng ingay. "Aray!" Nagtawanan naman ang mga kasama nito kabilang na rin si Azrel na ngayon ay nakatingin sa bakla. Naging seryoso ang mukha nito nang makita ang papel sa kaniyang kamay. Kunot-noong ibinalik ang tingin sa bakla at nagtanong. "W-What's--"naputol na wika ng binata. Sumenyas lamang ang bakla sa binata na tila pinipigilan siyang magsalita. Napa

