“Faith, I know that you and Azrel are in a relationship. Are you aware of the type of relationship you have entered into?” said Marco. Dahil sa narinig na tanong ni Faith sa binata ay tila napaisip ito, dahil kahit siya ay natatakot din sa pinasok na relasyon. Sikat si Azrel at ordinaryong babae lamang siya, maraming hamak na mas maganda sa kaniya at higit sa lahat hindi siya kasing yaman ng binata. Ang tanging alam lang niya ay ang nararamdaman niya para rito. Doon ay alam niyang sigurado siya, ngunit hindi niya alam kung katulad din niya ang nararamdaman ni Azrel para sa kaniya. Tanging pangako lamang ng binata ang pinanghahawakan nito. “Hoy! Natulala ka na naman. Tinanong lang naman kita, h’wag mo na lang sagutin.” dugtong pa nito. “I’m afraid of losing him again. Kaya kahit natatako

