CHARLES POV Flashback... "Charles, bumangon ka na riyan! Kanina ka pa'ng hinihintay ng Dad mo sa office. Gusto mo ba na si Joey na naman ang maging bida sa mata ng ama mo?" "Hanggang dito ba naman Mom si Joey pa rin ang maririnig ko? P'wede ba na pamahingahin n'yo naman ang tainga ko? Wala na ba akong ibang maririnig sa buong buhay ko kun'di si Joey, Joey, puro na lang si Joey! Aba, nakakapagod na maikumpara sa Joey na iyan!" "Kaya nga kailangan mo magpa-impress sa ama mo, para ikaw naman ang maging bida ngayon!" "Bakit, anak din naman ako ah! Bakit kailangan palagi kong patunayan ang sarili ko sa kan'ya? Dahil ba anak lang n'ya ako sa labas?" "Ah, basta! Kailangan bumangon ka na riyan. Sige na bangon na Charles." "Ngayon lang naman ako papasok ng late, masama ba 'yon? Pagod na akon

