THE REVENGE

1398 Words

Hindi nakakibo at tila nabingi si Azrel dahil sa narinig. Hindi ito makapaniwala na magagawa iyon ng matalik na kaibigan ng kaniyang ama. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, napaupo ito at hindi malaman ang gagawin. Gulong-gulo ang kaniyang isipan. "Y-Yaya Meding, p-paano n'yo po nasabi na si Tito Damien ang nagpapatay kay Dad and Mom?"nauutal na sabi ni Azrel. Napahilamos pa ito sa kaniyang mukha dahil sa isipin na ang pumatay pala sa kaniyang ama, ay hindi lang basta matalik na kaibigan, kundi ama ng babaeng pinakamamahal niya. Ang ama ni Faith. "A-Anak... Huminahon ka muna,"pagpapakalma ng matanda sa binata. "Huminahon? Yaya Meding, naririnig n'yo po ba ang sinasabi n'yo? Paano po ako hihinahon nito?"pabulyaw niyang sabi. Hindi na niya naisip na matanda sa kaniya ang kahar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD