THERESE’S POV Hindi ko alam kung sino ako, at saan ako nanggaling. Nagising na lamang ako sa isang hospital na walang maalala, mabuti na lamang at nandoon si Dra. Francine noong mga panahong iyon. Dahil wala akong pambayad sa hospital, at walang kamag-anak na dumadalaw sa akin doon, ay naawa sa akin ang pamilya nina Faith. Napakabuti ng pamilyang iyon sa akin hindi nila ako pinabayaan, simula nang kupkupin ako ni Dra. Francine, ay pakiramdam ko nagkaroon na ako ng pamilya. Kaya naman nang namatay ang mga ito, ay hindi na ako nagdalawang isip na samahan si Faith.Teenager pa lamang ito nang namatay ang mga magulang niya sa isang aksidente. Hindi ko puwedeng makalimutan ang pangyayaring iyon, dahil saksi ako kung paano gumuho ang mundo ni Faith nang nakitang wala nang buhay ang mga magulan

