Pagod na pagod at humihingal pa si Azrel nang humiga sa kama. Katabi nito ang girlfriend niyang si Faith na nakaunan pa sa mga braso nito. Hinalikan ni Azrel ang noo ng dalaga bago sinabi ang mga katagang, “I love you, babe.” malambing nitong sabi. Pagkatapos ay niyakap pa ang dalaga. Bahagyang iniangat ng dalaga ang ulo nito, at tiningan ang binata na nakangiti sa kan’ya. “I love you too, babe.” nakangiting tugon ng dalaga. Hindi namalayan ng dalaga na tanghali na pala. Dahil sa pagod ay mas pinili niya muna ang mahiga at magpahinga. Ngunit nang mapadako ang mga mata ni Azrel sa nakapatong na orasan sa bedside table, ay napakamot ito sa kanyang ulo at napakagat sa ibabang labi. “Paktay ako nito kay kumander.” Pabulong na wika ng binata. Hindi naman ito nakaligtas sa pandinig ng dala

