TANGHALI NA sila lumabas ng kwarto ni Claude. Naasar nga siya sa lalaki walang kapaguran, sige lang ng sige. Sabi nga ng mga matatanda, ihi lang pahinga niya. kailangan daw niyang bumawi sa asawa niya sa ilang taon nitong tigang ng dahil sa kanya. wala naman siyang angal basta ba pagpahingahin naman siya nito ng sapat. "Nagkabati na kayo?"tanong ng kanyang nanay ng nasa hapagkainan na sila para sa tanghalian nila. Nagkatinginan muna sila ni Claude bago sila sumagot ng tango sa ina niya. "Mabuti naman kung ganon"masayang sagot ng kanyang ina. Nagpatuloy sila sa pagkain ng tanghalian nila, tahimik na tanging kutsara at tinidor lang maririnig nila. "Siguro naman sa ingay niyong dalawa kagabi at kanina may apo na ako ulit niyan"nakangisi pang-aasar ng nanay niya. Nabulinan siya sa sinab

