SIMPLE KASAL lang ang naganap sa pagitan nila Claude at Rhiane. Hindi naman na sila nagpabongga pa dahil alam naman nilang pareho na kailangan nilang magtipid. Kung si Rhiane lang ang masusunod ayaw n asana niyang makasal pa sa simbahan dahil kasal naman na sila ni Claude noon pa. Kaso sabi nga ni Claude pangako niya ito noon sa kanya na kapag magaling na siya papakasal sila sa simbahan na dalawa na heto nga at nangyari na. Nakadalo ang tatay niya at mga kapatid sa kasal niya. ang papa at nanay niya nga ang kasama niyang naglakad sa altar. Para sa kanya mas kinilig siya sa mga magulang niya kaysa sa sarili niyang kasal. Paano ba naman kasi panay na ang pahaging ng tatay niya sa kanyang nanay. Pakipot lang ang nanay niya, sabi nga ni nanay niya ligawan daw ulit ito ng tatay niya. na mukh

