NAKATAYO SIYA NGAYON sa isang barong-baro kung saan ilang taon na ang huling beses na nakatayo siya sa harapan nito. hindi siya sigurado kung dito din ba nakatira ang pakay niya ng mga sandaling iyon. Matagal na siyang nakatayo doon, madilim na nga pero nasa labas lang siya at hindi pa alam kung papasok pa siya sa loob o aalis nalang. Hindi na niya nabilang kung ilang beses na siyang nag-urong sulong at kung ilang beses na din siyang malalalim na bumuntong hininga. "Kaya mo ito Rhiane"kausap niya sa sarili niya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at bigla siyang umalis sa bahay ni Claude at nagpunta sa lugar na ito. tapos ngayon hindi naman niya magawang gumalaw at pumasok sa loob o di kaya naman tawagin ang taong nakatira sa loob. "Rhiane?"tawag sa kanya mula sa likura

