"ANAK, MAALALA ko. Nagpunta ang nanay mo dito noong hinahanap ka niya sakin dahil nawawala ka daw"tanong ng kanyang ama. Nakaanim araw na siya sa poder ng kanyang ama. Tinutulungan niya ang ama niya sa paghahapbuhay para sa mga kapatid niya. Ang kaunti niyang pera na dala ay ginawa niyang puhunan sa pagtitinda ng gulay sa palengke kasama ang kanyang mga kapatid na babae. Na ng matutunan ni Milderd ito na ang siyang nagtitinda ngayon sa palengke at siya na ang naiwan sa bahay para bantayan ang mga maliliit nilang kapatid. "kailan po?"takang tanong niya sa ama. "Noong nagpunta ka din dito sa amin anak. Mga limang araw mula noon nagpunta dito ang nanay mo at hinahanap ka sakin"anito. Nasa likod bahay sila at nagsisibak ng kahoy ang tatay niya para sa pangtinda nito sa palengke. Napakuno

