BUO NA ang pasya niya, kakausapin na niya si Daniel ngayon. Nagpalipas pa siya ulit ng araw bago siya gumawa ng desisyon niya. At iyon ang sabihin kay Daniel ang lahat, as in lahat ng tungkol sa kanila ni Claude. Maging ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito. "Saan ka pupunta anak?"takang tanong ng nanay niya. Mula kasi ng dumating ang annulment papers nila ni Claude hindi na siya lumabas pa ng bahay nila kahit na anong nangyari. Kahit pa nasa labas si Daniel at inaaya siyang mag-ayos ng papeles niya para makasama siya sa binata papuntang ibang bansa. Kaya ngayon na makita siyang lalabas ng bahay ng kanyang ina alam niya na nagtataka talaga ito ng mga sandaling iyon. kailangan niyang makausap si Daniel, hindi na niya pwedeng patagalin pa itong mga sasabihin niya. "Kay Daniel lang

