TATLONG ARAW mula ng umalis si Claude, naging matamlay siya. Ni hindi na nga niya naasikaso si Daniel, umalis na din ito sa bahay nila at magstay nalang daw muna sa isang hotel sa bayan nila. Paminsan-minsan nagpupunta siya doon para dalawin ang binata pero madalas hindi niya ito maabutan dahil naggagala itong mag-isa. Kagaya ngayon nasa isang sulok lang siya ng bahay at nagmumukmok lang siya. Natapos na niya ang maglinis ng bahay nila, usapan kasi nila ni Daniel pupunta ito ngayong araw sa bahay nila para samahan siya na mag-ayos ng papel niya. Tuloy pa din naman ang plano nilang pagpunta sa ibang bansa na kapag bumalik na si Daniel sa amerika isasama na siya nito. "Anak, may naghahanap sayo"ani ng kanyang ina. Nakakunot noo naman siyang lumabas sa lungga niya kung saan siya naglalagi

