THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 18 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. INAANTOK PA RIN ako ngayon, pero kailangan kong pumasok sa klase dahil may importante kaming quiz na sasagutan at hindi ako pwede na hindi maka-take ng quiz dahil magagalit sa amin ang professor namin. Hindi na kasi ako nakatulog ulit ng ihatid ko si Emilio sa labas ng bahay namin para makauwi siya sa kanila. May oras pa naman sana ako para matulog ulit, pero hindi mawala sa utak ko ang malumanay niyang boses habang kausap ako at ang ngiti niya sa akin. At ang pagtawag niya sa akin ng Ali ulit! Siya lang talaga ang tumatawag ng Ali sa akin at nakakamiss na tawagin niya akong ganun. Nang dahil sa kilig na nararamdaman ko kay Emilio, hindi na ako nakatulog ulit at puyat at inabot ko. “Anak, okay ka lang ba?” N

