TMSA: 17

2272 Words
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 17 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. MAS LALO akong natakot na baka makita nila si Emilio dito sa loob ng bahay namin kaya maingat din ako nagdala ng pagkain para kay Emilio sa loob ng kwarto ko. Buti na lang talaga at hindi na ako tinanong pa ulit nila Mommy at Daddy at hinayaan na nila ako na pumunta sa kwarto ko at nagdala ng pagkain. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko ay agad kong nakita si Emilio na busy pa rin ngayon sa laptop ko. Alam ko na nakakaramdam na rin siya ng gutom lalo na’t natagalan ako ng konti dahil nakinig pa ako sa usapan ni Dad at ni Kuya Hugo tungkol sa mga Valencia. Magtatanong pa ako kay Emilio ngayon tungkol sa away ng pamilya ko at pamilya nila. “Kumain ka muna,” sabi ko at inilapag ko na ang pagkain na dala ko sa may table. Napatigil siya sa kanyang ginagawa at nag-angat siya ng tingin sa akin. Napataas siya sa kanyang kilay at nagsalita siya. “Akala ko ay hindi mo na ako babalikan dito, at hahayaan mo na lang akong mamatay sa gutom,” sabi niya. Napairap ako sa aking mga mata at napaupo ako sa kanyang tabi. Humarap ako sa kanya at tinignan siya. Siya naman ngayon ay itinigil na muna ang ginagawa sa laptop at kinuha niya ang pagkain na dala ko at nagsimula na siyang kumain. Halata rin talaga sa mukha niya ang gutom ngayon kaya nakaramdam din ako ng awa at guilt dahil natagalan ako sa pagbalik, mga one hour din ‘yun. “Uhm, Emilio, pwede ba akong magtanong sayo?” mahina kong tanong sa kanya. Napatingin siya sa akin habang patuloy siya sa kanyang pagkain. Tinaasan niya ako ng kanyang kilay at napatango siya. Huminga ako ng malalim bago ako magsalita at nagtanong na ako sa kanya. “About the feud between our families… nagsimula ba ang lahat ng namatay ang Mom mo?” mahina kong tanong sa kanya. Napatigil siya sa kanyang pagkain at seryoso siyang tumingin sa akin. “Yes, hanggang sa nagsunod-sunod na ang kademonyohan na ginawa ng pamilya mo sa pamilya ko. Pinakulong nila ang Tito ko na wala namang kasalanan, at hanggang ngayon ay nasa kulungan pa rin… hindi makalaya ng dahil sa mga Caballero,” seryoso na sabi ni Emilio at nagpatuloy siya sa kanyang pagkain ngayon. Bahagya akong nagulat sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin ngayon. Bago pa talaga sa akin ang tungkol sa away ng pamilya ko at ng pamilya niya. Ang dami ko pang hindi alam at kahit na pamilya ko ang sinisiraan ni Emilio sa akin, kailangan ko pa rin na maging open minded para hindi kami mag-away dalawa at mas maintindihan ko ang mga nangyayari. “N-Narinig ko ang pag-uusap kanina ni Dad at ng kapatid ko. Galit na galit si Kuya Hugo sa isang member ng family niyo dahil pinakalat nito ang videos ni Kuya na nagpaparty,” sabi ko sa kanya muli. Ngumisi si Emilio at napa tango-tango siya. “Hindi pa rin talaga tinitigilan ni Eliza si Hugo.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Emilio. “Eliza? Sino siya?” “My cousin. Siya ‘yung anak ng Tito ko na pinakulong ng pamilya niyo. Kagaya ko, malaki rin ang galit niya sa pamilya niyo. She’s now working in a publishing company. Nasa siyudad na siya nakatira, pero updated pa rin siya sa mga kasamaan na pinaggagawa ng pamilya mo dito sa Andalucia,” seryoso na sabi ni Emilio sa aking tanong sa kanya at nagpatuloy muli siya sa kanyang pagkain. Napatango-tango naman ako sa kanyang sinabi sa akin. “Pero… baka may mangyaring masama sa pinsan mo, Emilio. Galit na galit pa naman si Kuya Hugo kanina habang sinasabi niya ang tungkol sa bagay na iyon kay Dad,” sabi ko. Nag-aalala naman ako para sa kamag-anak ni Emilio dahil baka mas lumala ang away ng mga pamilya namin. Gusto ko na magkabati na sila—na wala nang away na mangyayari. Bahagya siyang tumawa at tumingin siya muli sa akin at nagsalita siya. “Bakit parang naging spy ka na namin sa pamilya mo, Aubrielle? Ganyan mo na ba talaga ako kagusto na handa mo nang talikuran na isa kang Caballero?” nakangisi niyang sabi sa akin habang nakatingin siya sa aking mga mata. Nagulat ako sa kanyang sinabi at hindi ako makapagsalita ulit. Ang lakas na ng t***k ng aking puso ngayon. Napalunok ako sa aking laway at napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at umiwas ako ng tingin sa kanya. “H-Huwag kang assuming! Hindi kita gusto!” nauutal kong sabi sa kanya habang hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. Muli siyang tumawa at sunod-sunod siyang napatango. Muli siyang mahina na tumawa at napatango-tango siya bago siya muling magsalita. “Don’t worry about my cousin. Ilang ulit na siyang tinakot ng kapatid mo, pero buhay pa naman siya. Kaya niya na rin ang sarili nun, at hindi ‘yun magpapatalo sa kapatid mo,” sabi ni Emilio sa akin at nagpatuloy na siya sa kanyang pagkain. Napa buntong-hininga naman ako at tumango. Nang matapos na siyang kumain ay dinala ko muna sa labas ang mga pinagkainan niya at pinatapos ko na rin siya sa kanyang ginagawa upang makatulog na siya at para maaga kaming gumising sa umaga para makaalis siya dito sa bahay. Pagbalik ko sa kwarto ay nakita ko siya na in-off na ang laptop. Napatingin siya sa akin at nagsalita siya. “Tapos ko ng ma-edit ang video. Na-upload ko na rin ‘to at na-send ko na rin sa email ni Ma’am Catubig,” sabi niya sa akin. Napangiti ako sa kanyang sinabi at napatango ako. “Okay, salamat pala. Matutulog ka na ba?” tanong ko sa kanya. Napatango siya at nagsimula siyang humiga sa sofa ko dito sa kwarto. Pero dahil sa tangkad ni Emilio at sa liit din ng sofa ko, hindi siya magkasya at nahihirapan din siya sa kanyang paghiga. “G-Gusto mo bang sa kama ka na lang humiga?” mahina kong sabi sa kanya. Napatingin sa akin si Emilio at napataas siya sa kanyang kilay. Muli siyang napaupo sa sofa habang nakatingin pa rin sa akin na para bang may sinabi akong kakaiba. “Magpapahiga ka ng lalaki sa kama mo?” hindi niya makapaniwala na tanong sa akin. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napatango ako. “Yes, bakit naman? My friends used to sleep with me in one bed when I was still in the US,” sabi ko sa kanya ngayon. Totoo naman kasi. Wala namang malisya sa akin kung magkatabi kami sa iisang higaan ni Emilio. Wala din naman akong extra bed dito sa kwarto ko, o hindi naman ay beddings. Napakunot ang kanyang noo lalo na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “With boys?” tanong niya muli sa akin. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at sinagot ko ang kanyang tanong sa akin. “Yes, with boys. Bakit, may problema ba?” naguguluhan ko na sagot sa kanyang tanong. Nakita ko ang pag irap ni Emilio na para bang may sinabi ako na hindi niya nagustuhan. Umiling-iling siya at muli siyang napahiga sa sofa at tumalikod na siya mula sa akin. “Wala, matulog ka na diyan. Okay lang ako dito,” malamig niyang sabi at hindi na ulit siya nagsalita pa. Bahagyang napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi at hindi na ulit ako makapagsalita. Bakit parang galit na naman siya sa akin? May nasabi ba ako na hindi niya nagustuhan? Nanguso na lang ako at hindi ko na siya ginulo pa at hinayaan ko na lang siya na makapag pahinga na dahil maaga pa kami gigising para makalabas na siya dito sa bahay. Dumiretso na lang ako sa aking CR at naglilinis na ako ng aking katawan upang makatulog na ako. Nang matapos na akong makapaglinis sa aking katawan at makapag skincare, lumabas na ako sa kwarto. Agad akong napatingin kay Emilio at hindi ko mapigilan na makaramdam ng awa habang nakatingin sa pwesto niya. Halata kasi na nahihirapan siya ngayon lalo na’t maliit lang sa kanya ang sofa ko. Napa buntong-hininga na lang ako at dumiretso na lang ako sa aking kama at humiga na. Binigyan ko na siya ng chance na dito na siya mahiga sa aking tabi, pero ayaw niya naman. Ngayon ko lang na realize na mali pala ‘yung sinabi ko kanina. Oo nga pala, magkaiba ‘yung culture dito sa Pilipinas at sa mga tao doon sa USA. Doon kasi ay open minded lahat, okay lang na magkasama ang isang babae at lalaki sa kama. Nasa tao na ‘yan kung papatulugin mo sa tabi mo ang kasama mo. Sa case ko naman ay mababait naman ang mga kaibigan ko doon sa America kaya walang problema kung magkatabi kami matulog lahat. Ngayon ko lang din na-realize kung bakit parang galit si Emilio sa akin. Ang tingin niya na ba sa akin ay easy girl? Sana hindi! Hindi naman ako ganung klase na babae. May respeto pa rin naman ako sa sarili ko. Syempre, may tiwala naman ako sa kanya na wala siyang gagawin na masama sa akin kaya okay lang na magkatabi kaming dalawa iisang kama. Pero bahala na nga siya! Binigyan ko na rin naman siya ng pagkakataon eh… ayaw niya naman. Huminga ako ng malalim at natulog na lang ako ngayon. Bahala na siya sa buhay niya. Choice niya naman na mahirapan siya sa pagtulog ngayon. NAGISING AKO ng marinig ko ang alarm ng phone ko. Mabilis lang akong nagising at napa kusot na ako sa aking mga mata. Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng makita kong nakaupo na sa sofa ngayon si Emilio at nakatingin lang siya sa akin. “G-Good morning. Kanina ka pa gising?” mahina kong sabi sa kanya. Napatango siya at nakita ko ang paghagod sa kanyang buhok kaya hindi ko mapigilan na mapalunok sa aking laway. Para akong nawalan ng hininga sa pag hagod ng kanyang buhok. Parang… parang ang hot niya. “Hindi ako nakatulog ng maayos. Uuwi na ako,” sabi niya naman at napatayo na siya. Mabilis akong napagalaw at bumangon na ako sa kama at inayos ko muna ang aking sarili bago ako tumnago at nagsalita. “O-Okay… wait lang, maghanda ka muna dito sa mga gamit mo, okay? I will check the labas muna kung wala na bang tao,” sabi ko sa kanya. Napatango si Emilio at nagsimula na siyang mag ready sa kanyang mga gamit. Lumabas na muna ako sa kwarto at nagkunwari na iinom ng tubig sa kusina. Two pa ng madaling araw ngayon kaya tahimik pa talaga ang paligid. Nang makalabas ako ng kwarto ay wala akong naririnig na ingay at wala rin ang mga kasambahay namin, natutulog pa silang lahat. Usually nagigising sila kapag four na sa umaga dahil maghahanda pa sila ng breakfast namin. Nang matapos ko ng ma-check dito sa baba, muli akong bumalik sa taas at tinawag ko na si Emilio para makauwi na siya. Paglabas namin sa kwarto ay maingat pa rin ang paglalakad namin at napapatingin din kami sa paligid. Mabilis lang kaming nakababa ng hagdan at sa may backdoor ko na pinadaan si Emilio dahil masyadong malaki ang door sa harapan at baka may makahalata kaya sa likod ko na siya pinadaan. Mabilis lang din kaming nakalabas at nang makalabas kami ay naging maingat ulit kami dahil may mga guards pa rin na nagbabantay, pero konti na lang. Alam ko naman na tulog ang mga ‘to, kaya ang gagawin na lang namin ay maging maingat at hindi gumawa ng ingay. Nakalabas na rin kami sa gate ng bahay namin at naglakad na kami papunta kung saan naka park ang motor ni Emilio. Sumakay na siya sa kanyang motor at bago niya ito pinaandar ay tumingin siya sa akin. “Pumasok ka na sa loob ng bahay niyo,” seryoso niyang sabi sa akin. Umiling ako at ngumiti sa kanya. “Aalis na lang ako kapag nakaalis ka na. Sige na, umalis ka na,” sabi ko sa kanya. Bumuntong hininga siya at muli siyang magsalita. “Aubrielle, delikado. Pumasok ka na sa bahay niyo. Papaandarin ko lang ‘tong motor ko kapag nakapasok ka na sa loob,” malumanay niyang sabi sa akin. Shit. Lumakas na naman ang t***k ng aking puso ngayon sa hindi malaman na dahilan. “Ali, sige na, pumasok na sa loob,” muli niyang sabi sa akin… pero parang ang lambing ng boses niya? At tinawag niya ulit akong Ali! Oh my Gosh! Napalunok ako sa aking laway at wala ako sa sarili na napatango sa kanya. “S-Sige, Emilio. S-Salamat pala… mag-ingat ka,” mahina kong sabi sa kanya. Ngumiti siya sa akin at tumango. “You’re welcome. See you mamaya sa klase,” sabi niya sa akin habang hindi pa rin nawawala ang ngiti. Para na akong hindi makahinga ng maayos ngayon kaya napatalikod na ako at naglalakad na ako pabalik sa may gate. Nang makapasok ako sa gate namin ay napatingin na muli ako sa kinaroroonan ni Emilio. Nakatingin siya sa akin at bahagya siyang kumaway at pinaandar na niya ang kanyang motor at umalis na siya ng tuluyan. Nang umalis na si Emilio ay natulala na ako at napahawak ako sa aking dibdib ng maramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso nito. Oh my Gosh… mas lalo ko atang nagustuhan si Emilio. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD