THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 16 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “DITO KA MUNA matulog sa kwarto ko… sa madaling araw ka na umuwi, tahimik na ang mga tao sa paligid,” sabi ko kay Emilio na ikinagulat ko nang hindi man lang siya nagreklamo at agad din siyang napatango. Parang bigla akong napalaban sa kanyang sinabi, at kinabahan ako ng sobra. Sinubukan kong tawagan si Mia upang humingi sana ng tulong sa kanya. I need her here, pero hindi siya pwedeng pumunta dito sa bahay kapag weekend—iyon ang kondisyon ni Mommy. Ayaw niyang nakikita si Mia sa weekend. Pumupunta lang siya rito kapag weekdays, lalo na kapag may klase kaming dalawa dahil iyon din ang panahon na kailangan ko siya. Pero kailangan ko siya ngayon, kaso wala na talaga siyang magagawa pa. “Hindi nagtagumpay ang fir

