THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR
KABANATA 15
AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.
ANG TAGAL KONG nakaalis para makabalik ako sa kwarto ko dahil kinsausap ako ng kung anu-ano ni Mommy. At pinilit ko talaga na sa kwarto na ako kakain dahil may gagawin akong project kaya dinala ko na ang ginawa kong pizza at agad ng pumasok sa loob ng aking kwarto at ni-lock ko na rin ito.
Nang makaharap ako kay Emilio ay nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Inilapag ko muna ang tray na dala ko na may laman na pagkain bago ako umupo sa tabi ni Emilio at humarap sa kanya.
Nakakunot ang kanyang noo ngayon habang nakatingin sa akin.
“Are you okay? What’s wrong with you?” nagtataka niyang tanong sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago ako magsalita ngayon at tanungin ko siya.
“Tapos ka na ba sa pag-edit mo sa video natin?” tanong ko kay Emilio ngayon.
Napatingin siya sa laptop at tinignan niya ang kanyang ginagawa ngayon at napailing siya bago siya muling tumingin sa akin at nagsalita.
“May kailangan pa akong ayusin sa video, bakit?”
Huminga muli ako ng malalim at napahagod ako sa aking buhok bago magsalita.
“Nasa labas na si Mommy ngayon,” mahina kong sabi sa kanya.
Napataas siya sa kanyang kilay ng sabihin ko ‘yun sa kanya.
“So what kung nandyan ang nanay mo sa labas?” ang sungit!
Napairap ako sa kanyang sinabi at nagsalita muli ako. “Hindi ka pwedeng makita ni Mommy, Emilio! They will kill you kapag nakita ka nila!” natataranta ko na sabi sa kanya.
Nakita ko na parang natigilan siya sa aking sinabi. Naniningkit ang kanyang mga mata at napatingin na siya sa akin. Napalunok ako sa aking laway at narealize ko na iba pala ang ibig sabihin ni Emilio sa sinabi ko, lalo na sa nangyari sa Mom niya.
“I-I mean hindi literal, pero pahihirapan ka nila! Ayaw nila na nagdadala ako ng lalaki dito sa bahay… tapos pinapasok pa kita sa kwarto ko!” muli kong sabi at kinakabahan na ako ngayon dahil hindi pa rin nagsasalita si Emilio sa akin.
“So mamamatay tao talaga ang pamilya mo?” seryoso na tanong sa akin ni Emilio.
Bahagya akong nagulat sa naging tanong niya at mabilis akong napailing.
“Hindi nga literal na mamamatay—”
“Damn it, Aubrielle! Alam kong may alam ka sa nangyari sa Mama ko!” pagputol ni Emilio sa aking pagsasalita at hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso at mas lalo niya akong inilapit sa kanya. Nanlalaki na ang mga mata niya ngayon habang nakatingin sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at nararamdaman ako ng matinding takot sa kanya.
“W-Wala akong alam sa pinagsasabi mo, Emilio! Ano ba, bitawan mo nga ako!” sabi ko at ginamit ko ang lahat ng aking lakas para maalis ang pagkakahawak niya sa aking braso at napatayo ako at pinanlakihan ko rin siya ng aking mga mata at nagsalita ako.
“Wala kayong proof na ang pamilya ko nga ang pumatay sa Mom mo, Emilio! May kasalanan din ang family mo!” galit kong sabi sa kanya.
Napatayo siya at nagulat na lang ako ng hawakan niya ang magkabila kong balikat. Nanlilisik na ang mga mata niya ngayon ng dahil sa galit at hindi ko mapigilan na kabahan ng sobra ngayon lalo na’t nasa kwarto kami at kami lang dalawa.
Hindi ko alam kung anong kayang gawin sa akin ni Emilio ng dahil sa malaking galit niya sa pamilya ko ngayon.
“We have proof, Aubrielle. Pinatay ng ama mo ang ina ko. Ni-rape niya si Mama! Alam mo bang nabuntis ng Ama mong demonyo ang ina ko?”
Napasinghap ako sa gulat at nanlamig na lang bigla ang buo kong katawan ng sabihin niya iyon sa akin.
“W-What?” nanghihina ko na tanong sa kanya. Parang biglang sumakit ang ulo ko ng sabihin iyon ni Emilio sa akin.
Bahagya siyang ngumisi at tumango-tango siya. “Totoo ang sinabi ko, Aubrielle. That f*****g mayor raped my mother! At pinagkalat pa nila na ang nanay ko ang nang-akit sa ama mo?! Hindi ganung klaseng tao ang Mama ko, Aubrielle!”
Nang sabihin iyon ni Emilio sa akin ay hindi ko na mapigilan ang aking sarili at napaluha na ako ngayon. Umiiyak na ako sa harap nya at napailing-iling ako. Ang bigat ng dibdib ko ngayon at nasasaktan ako sa mga nalaman ko.
Alam ko na masamang tao si Dad—na corrupt politician siya. Pero ama ko pa rin siya at somehow ay nararamdaman ko naman ang pagmamahal niya sa akin. Pero hindi ko lang matanggap ang mga ginagawa niyang ganito—ang mga kababuyan na ginagawa niya sa likod ni Mommy. My mom has been loyal to my dad since the beginning of their relationship. Pero anong ginawa ni Dad? Nagloko siya.
Alam ko na may possibility na totoo ang sinabi ni Emilio tungkol doon sa nabuntis ng ama ko ang ina niya dahil napagtanto ko ng hindi loyal na asawa si Dad ng malaman ko na may kapatid ako sa labas, si Mia.
At alam ko na kapag malaman ni Emilio ang tungkol sa totoo naming relasyon ni Mia ay magugulat din siya. Pero hindi ko iyon ipagsasabi sa iba dahil alam ko na kapag sinabi kong magkapatid kami ni Mia, mapapahamak lang siya.
“W-Why are you all saying this to me, Emilio?” nanghihina ko pa rin na sabi sa kanya.
Binitawan na niya ang pagkakahawak sa magkabila kong braso at huminga siya ng malalim at muli siyang magsalita.
“Para ma-aware ka na hindi santo ang ama mo, Aubrielle. Marami pa siyang mga ginawang mas kakahindikan mo.”
“Anong gagawin ko, huh? Ang kamuhian siya? Ang ipakulong siya?! Wala akong kapangyarihan para gawin ‘yan, Emilio!”
Umiling-iling siya at bahagya siyang ngumisi sa akin, pero ang ngising iyon ang kakaiba… para bang disappointed siya sa akin.
“Grabe… sinabi ko na sayo ang lahat, pero nagbubulag bulagan ka pa rin, Aubrielle? Sabagay, hindi mo kasi naranasan ang mga karanasan kong paghihirap noon. Nakikinabang ka rin naman sa yaman ng mga magulang mo, diba? Kaya bakit mo naman sisiraan ang ama mo?”
Nang sabihin iyon ni Emilio ay hindi ko na siya mapigilan na masampal sa mukha. Natigil siya sa kanyang pagsasalita at napahawak din siya sa kanyang pisngi ngayon. Nanginginig ang buong katawan ko sa magkahalong emosyon na aking nararamdaman, at patuloy pa rin ang pag tulo ng aking luha ngayon.
“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Emilio, at hindi ko ‘yun ina-invalidate. Yes, hindi ko nga naranasan ang naranasan mo noon, pero naghihirap din ako! Magkaiba man ang buhay natin, pero naghihirap din ako, Emilio! Yes, hindi mabuting tao ang ama ko at hindi siya santo, and I’m not proud of it! Kung alam mo lang… kung alam mo lang kung gaano ko kinamumuhian ang ama ko na umabot na sa punto na sana ay sa ibang pamilya na lang ako napunta—kahit na mahirap,” mahina kong sabi habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak ngayon.
Nawala na rin ang galit sa mukha ni Emilio ngayon at napalitan ito ng lungkot na mas lalong ikinaiyak ko.
Napatakip ako sa aking mukha at doon na ako umiyak ng malakas.
“I’m sorry…”
Habang umiiyak ako ngayon ay narinig ko na sinabi ‘yun ni Emilio kaya nag angat muli ako ng tingin sa kanya kahit patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Bakit siya nag so-sorry sa akin? Dahil pinalabas niya lang ang nararamdaman niya ngayon na galit sa pamilya ko?
Huminga siya ng malalim at napaiwas siya ng tingin sa akin at napahagod siya sa kanyang buhok.
“Now you know kung bakit galit na galit ako sa pamilya mo, Aubrielle. Hindi lang galit, kinamumuhian ko ang mga Caballero,” malamig niyang sabi bago siya muling mapatingin sa akin.
Huminga ako ng malalim at napatango ako.
“I-I know, Emilio. And I’m sorry… sa nangyari sa Mom mo, at sa pamilya mo,” mahina kong sabi sa kanya at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking luha ngayon ng sabihin ko ‘yun sa kanya.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Emilio ngayon.
Naputol na lang ang pagtitinginan naming dalawa ng may biglang kumatok sa pinto ng aking kwarto ngayon.
“Aubrielle, anak?”
Nanlalaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Mommy. Napatingin ako kay Emilio at nakita ko rin ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha.
“Oh no… hindi ka pwedeng makita ni Mommy!” takot kong sabi at nagmamadali ko na kinuha ang kanyang gamit at hinila ko rin si Emilio ngayon na makapasok sa loob ng CR.
“Itatago mo ako dito?!” hindi niya makapaniwala na sabi ng itulak ko siya papasok sa CR.
Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata at nang magsasalita na sana ay ay naramdaman ko na binuksan na ni Mommy ang pinto ng aking kwarto kaya wala akong choice kundi ang pumasok na rin sa loob ng CR at ni-lock ko ito bago tuluyan na makapasok ang aking ina sa loob ng aking kwarto.
“s**t!” mahina kong mura at idinikit ko ang aking tainga sa may pintuan dito sa CR at pinakinggan ko ang mga galaw ni Mommy sa labas.
“Aubrielle, nasaan ka? May dala akong pagkain dito!” narinig ko na sabi ni Mommy sa labas.
Mariin akong napapikit sa aking mga mata at nagsalita ako.
“M-Mommy, nasa CR po ako. Pakilagay na lang po dyan sa table ko, at umalis na po kayo!” sigaw ko para marinig ni Mom ang aking boses.
Nang mapatingin ako kay Emilio na kanina pa tahimik dito sa tabi ko ay nakita ko siyang seryoso na nakatingin sa akin ngayon. Napalunok ang laway ko ngayon ng magkatitigan kami ni Emilio at parang bigla na lang akong nahirapan sa paghinga ngayon. Parang ang liit na bigla ng CR para sa aming dalawa ni Emilio.
“Okay, anak! Basta kung may gusto ka lang sabihin ay nandito lang ako, okay? Nakauwi na rin pala ang Dad at Kuya Hugo mo! Bilisan mo diyan sa CR dahil may pasalubong ang Dad mo sayo!” sabi ni mommy sa labas na ikinagulat ko.
Fuck!
Mas lalong mahihirapan na umalis si Emilio ng hindi nalalaman ng pamilya ko na nandito siya sa loob ng aking kwarto. Kapag kasi nakauwi si Dad dito sa bahay namin ay madadagdagan din ang securities sa buong bahay lalo na’t lagi na lang din nakakatanggap ng mga death threats ang pamilya ko.
“S-Sige po, Mommy…” nauutal kong sabi.
Narinig ko na lang ang pag-open at pagsara ng pinto ng aking kwarto at doon ko na sigurado na nakalabas na si Mommy. Bahagya kong sinilip ang labas at nakita ko na wala na si Mom kaya nagmamadali akong tumakbo papunta sa may pinto ng kwarto ko at ni-lock ko na ang lahat ng mga locks, pati na rin ang second lock nito para hindi na mabuksan ni Mommy sa labas.
“Nakauwi na ang Dad at kapatid mo?”
Napaharap ako kay Emilio ng marinig ko ang boses niya. Nakalabas na siya ngayon sa aking kwarto at seryoso pa rin ang ekspresyon sa kanyang mukha ngayon.
“E-Emilio, hindi ka makakauwi sa inyo ngayon…” mahina kong sabi sa kanya.
Napakunot naman ang noo niya ng sabihin ko ‘yun sa kanya.
“And why not?”
Lumapit ako kay Emilio at hinawakan ko ang magkabila niyang braso kaya kitang kita ko sa mukha niya ang gulat sa ginawa kong paghawak sa kanya. Pero wala akong pakialam, hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang braso at nagsalita ako.
“Do you really think na kapag nakita ka ni Dad at ng Kuya ko ay paaalisin ka na lang sa bahay ng wala lang? Kasasabi mo lang kanina, my father is not a saint. Sigurado akong sasaktan ka niya, and worst… baka idamay niya pa ang pamilya mo kapag malaman niyang nasa loob ka ng kwarto ko,” seryoso ko na sabi kay Emilio ngayon.
Syempre, nag-aalala lang naman ako sa kanya. Ayoko rin na mapahamak siya at muli na namang magbukas ang apoy sa pagitan ng mga pamilya namin. Ayoko na mangyari ‘yun kaya kailangan naming mag ingat.
“So ano ang plano mo?” tanong niya muli sa akin.
Huminga ako ng malalim at tinignan ko siya ng seryoos sa kanyang mga mata at nagsalita ako muli.
“Dito ka muna matulog sa kwarto ko… sa madaling araw ka na umuwi, tahimik na ang mga tao sa paligid.”
TO BE CONTINUED...