THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 14 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. MABILIS KO LANG na ipasok sa loob si Emilio sa bahay dahil nag ce-cellphone lang ang guard na nagbabantay sa may gate. At nang makita niya ako ay ibinalik niya kaagad ang atensyon sa kanyang phone kaya ng pinasunod ko na sa akin si Emilio ay mabilis lang siyang nakapasok sa loob ng property namin. Habang naglalakad kami ngayon papunta sa bahay ay nakatingin lang siya sa paligid at tahimik lang siya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon habang nakatingin siya sa paligid. Nakapunta na kaya siya dito noon? Did we know each other noong mga bata pa kami? Wala na kasi akong maalala sa childhood ko rito pagkatapos kong umalis papuntang America. “Ang laki pala talaga ng bahay niyo ‘no? Hula ko, galing ‘to sa

