TMSA: 13

1306 Words
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 13 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. KINAKABAHAN AKO sa magiging reaksyon ni Mommy kapag nalaman niyang may isang Valencia na pupunta dito sa bahay namin. Sinabi ko na kay Emilio na huwag niyang sasabihin ang pangalan niya sa guard. Sabihan niya na lang ako kapag nasa labas na siya dahil ako na ang bahala para papasukin siya sa loob. “Sigurado ka ba talaga na hindi ka sasama sa akin ngayon, anak? Bibilhan kita ng chanel bag if you want!” sabi ni Mommy ngayon sa akin habang kumakain kami ng aming breakfast. Nandito na rin ngayon si Dad at si Kuya Hugo. May golf play kasi ngayon si Dad at si Kuya Hugo at sasama si Mommy para manood. Gusto rin sana nila akong isama, pero ayun nga, hindi pwede dahil pupunta dito si Emilio at gagawa kami ng project. “I’m so sorry, Mommy. Masama po kasi ang pakiramdam ko eh. Maybe next time po ay sasama na ako sa inyo,” sabi ko sa kanya at bahagya akong ngumiti at napahawak din ako sa aking ulo at nag inarte na masakit ang ulo ko. Napabuntong hininga si Mommy at wala siyang magawa kundi ang tumango. “Mom, huwag mo na ngang pilitin na sumama ang isang ‘yan. Okay naman tayo na wala ‘yan eh,” biglang sabi ni Kuya Hugo na ikinagulat ko. “Hugo! ‘Wag mo ngang sabihin ‘yan! Kapatid mo si Aubrielle!” sabi ni Mommy ngayon at pinanlakihan ng mata si Kuya Hugo. Ngumisi si Kuya Hugo at umiling-iling siya. “Matagal na akong walang kapatid.” “Hugo!” ngayon ay si Daddy na ang nagsalita kaya napatigil na sa pagsasalita si Kuya Hugo. Nang sabihin niya ‘yun na matagal na siyang walang kapatid, hindi ko na napigilan ang aking sarili at napatayo na ako at nagmamadaling umalis sa hapag kainan. “Aubrielle!” tawag ni Mommy sa aking pangalan. Hindi ko pinakinggan ang pagtawag ni Mommy sa akin at nagmamadali ako sa pag-akyat sa hagdan at dumiretso ako sa kwarto ko. Nang makarating ako sa kwarto ko ay napahiga na ako sa kama at doon na ako napaiyak ng malakas. Bakit ang sama ni Kuya Hugo sa akin? Wala akong natatandaan na masamang ginawa noon para magalit siya ng ganun sa akin. Yes, inaamin kong hindi na kami close lalo na’t nalayo kami sa isa’t isa dahil sa ibang bansa na ako nag-aaral, pero kahit ganun ay magkapatid pa rin kami. Gusto ko na bumalik ulit ang bond namin noon before the incident happened. Ang sakit lang na hindi na niya ako kinikilalang kapatid ngayon. All I want is to experience brotherly love from him, but I guess I will never experience it in my whole life. “Aubrielle, anak?” Narinig ko ang boses ni Mommy ng bumukas ang pinto ng aking kwarto. Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagpasok sa loob ng aking kwarto at umupo siya sa gilid ng aking kama at hinagod hagod niya ang aking likod ngayon dahil nakadapa ako ngayon sa kama. “Anak, pagpasensyahan mo na ang Kuya mo… mahal ka pa rin naman ng Kuya mo.” “Mahal?” hindi ko na mapigilan na matanong iyon kay Mommy. Napatingin na rin ako sa kanya ngayon at kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Umiling-iling ako habang umiiyak pa rin na nakatingin kay Mommy. “I never felt his love for me, Mom. Ang nararamdaman ko lang kay Kuya ay ang matindi niyang galit sa akin na para bang may ginawa akong masama sa kanya. What did I do para magalit siya ng ganun sa akin, Mommy? Para hindi na niya ako kilalanin na kapatid?!” hindi ko na mapigilan na itanong iyon kay Mommy dahil naguguluhan na ako… nasasaktan ako ngayon. Lumapit si Mommy sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko ngayon ng dahil sa pagyakap niya sa akin. “I’m so sorry, anak. Siguro ay bigyan mo muna ng time ang Kuya Hugo mo? I know na magkakabati ulit kayong dalawa. Ramdam ko na mahal ka pa rin ng Kuya Hugo mo,” mahinang sabi ni Mommy at hinalikan niya ang aking noo. Napapikit ako sa aking mga mata at napatango ako. Sana nga, sana nga ay mahal niya pa rin ako. NANG DAHIL sa nangyari sa may dining area, mas may naging rason na ako para hindi sumama sa kanila. Hindi na rin ako pinilit pa ni Mommy na sumama sa kanila at pinayagan na niya ako na magpahinga dito sa bahay. Nang makita ko na nakaalis na silang tatlo, agad kong tinext si Emilio at sinabi na umalis na ang pamilya ko, na pwede na siyang pumunta. Agad naman na nag reply sa akin si Emilio at sinabi niyang papunta na siya. Mabilis akong napatayo sa pagkakahiga sa aking kama at inayos ko na ang aking sarili dahil kagagaling ko lang kanina sa pag-iyak, at ayoko naman na magmukha akong chaka sa paningin ni Emilio mamaya. Habang nag-aayos ako sa aking buhok ngayon, narinig ko na lang ang pagtunog ng aking phone kaya agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang ang text sa akin at agad kong nakita ang text message ni Emilio kaya binasa ko ito. Emilio: Nandito na ako sa labas ng gate ng bahay niyo. Lumabas ka na dyan ngayon bago ko sabihin sa mga guard na isa akong Valencia. Nang mabasa ko ang text message ni Emilio ay mabilis na akong napalabas sa kwarto ko at napatakbo ako pababa ng hagdan at sa paglabas. Medyo malayo pa ang mismong bahay namin sa gate kaya napatakbo pa talaga ako hanggang sa makalabas na ako ng gate namin. Hinihingal ako ngayon ng makalabas ako sa gate at agad ko na hinahanap sa aking paningin si Emilio at nakita ko siya sa harapan ng gate namin na nakasakay sa kanyang motor. Nakangisi siya ngayon habang nakatingin sa akin na para bang tuwang tuwa siya sa pagkataranta ko. Tinignan ko siya ng masama at lumapit ako sa kanya. “Sinadya mo ‘yun?” inis kong sabi sa kanya. Ngumisi siya bago siya umalis sa kanyang motor at humarap siya sa akin at nagsalita siya. “I’m just being honest, Miss Caballero. Hindi naman ako kagaya mo na sinungaling,” nakangisi niya pa rin na sabi sa akin. Inirapan ko siya at hinawakan ko na siya sa kanyang braso upang hilain ko na siya para makapasok na sa gate namin. “Halika na,” sabi ko sa kanya. Bago pa ako tuluyan na makapaglakad ay nagsalita siya kaya napatingin ako sa kanya. “At ngayon ay gusto mo na akong halikan? Mukhang may iba ka talagang plano ngayon, Aubrielle.” Nang sabihin niya iyon sa akin ay nanlalaki ang mga mata ko sa gulat, at siya naman ay humalakhak na para bang may ginawa akong nakakatawa. “Damn you, Emilio! Gusto mo bang pumasok sa bahay namin, o iwan na lang kita dito?!” inis kong sabi sa kanya. Tumigil na siya sa pagtawa, pero nakangisi pa rin siya ngayon. Nagulat naman ako ng bigla niya na lang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha at nagsalita siya. “Of course I’m excited to come into your house—especially to your room, Miss Caballero. So let’s go,” sabi niya at kinindatan ako. Napalunok ako sa aking laway at nararamdaman ko na lang ang malakas na pagtibok ng aking puso ngayon. Parang nagdadalawang isip na tuloy akong patuluyin sa bahay si Emilio ngayon. Parang… parang may mangyayaring hindi ko magugustuhan—o nag aassume lang talaga ako? Ay ewan! Bahala na nga! Kung anu-ano na lang itong iniisip ko. Para sa project…. Para sa project lang ‘to, Aubrielle! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD