TMSA: 2

1836 Words
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 2 AUBRIELLE’S POINT OF VIEW. “SIMULA NGAYON ay dito ka na mag-aaral sa Andalucia, Brielle. Sa Andalucia Community College ka mag-aaral. Makakatulong ‘to sa pagtakbo namin sa susunod na eleksyon,” seryoso na sabi ni Dad habang kumakain kami ng aming dinner ngayon. Kompleto na kami ngayon dahil nakauwi na rin si Kuya galing sa kanyang work. May work din siya sa kompanya namin kahit na isa siyang SK Chairman. Para ngang walang work lagi si Kuya dahil nagagawa pa niyang pumupunta sa mga clubs every night. Bakit ko alam? Nakikita ko ang mga mukha niya sa mga mutuals ko sa social medias. Kitang-kita ko ang mga mukha ng kapatid ko habang nakikipaghalikan sa iba’t ibang babae sa bar. Hindi nga ako makapaniwala na nanalo ‘to siya sa eleksyon dahil nakikita naman ng mga tao kung anong klaseng tao ‘tong kapatid ko. Ngumiti ako kay Dad at napatango ako. “Thank you po sa pagpayag sa akin na dito na po ako mag-aral, Dad,” mahina kong sabi. Napa buntong hininga siya bago siya muling mapatingin sa akin ng seryoso at nagsalita. “May magagawa pa ba ako? Alam ko naman na gagawin mo ang lahat para lang masunod ang gusto mo. Pero sige, papayagan kita sa gusto mong mangyari. Para na rin makatulong ka sa eleksyon na darating,” seryoso na sabi ni Dad at bumalik siya muli sa kanyang pagkain. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng lungkot ngayon. Kararating ko lang dito sa bahay namin, pero ang bukambibig lagi ng aking ama ay walang iba kundi ang tungkol sa election at wala ng iba. Hindi niya man lang ako nakamusta—kung ano ang nangyari sa akin sa America? Wala talaga siyang pakialam sa akin. “Dad, gaano ka naman ka sure na makakatulong si Brielle sa pamilya natin? Muntik na nga niyang masira ang pamilya natin six years ago!” wika ni Kuya Hugo ngayon habang nakatingin siya ng masama sa akin. “Hugo! ‘Wag mong pag salitaan ng ganyan ang kapatid mo!” sabi naman ni Mommy ngayon. Napalunok ako sa aking laway at bahagya akong yumuko at hindi nagsalita. Inaamin ko na may katangahan akong nagawa noong bata pa ako kaya dinala ako ng mga magulang ko sa America at doon na nila ako pinatira at pinaaral. Pero ngayon ay nagbago na ako. Hindi na rin ako tanga at alam ko na ang tama at mali kaya hindi ko na mapapahamak ang pamilya namin. “Hugo, dalaga na si Brielle. Alam na niya ang gagawin, right, Aubrielle?” sabi ni Dad kaya mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanila at natataranta akong tumango. “Y-Yes po, Dad,” mahina kong sabi. Ngumiti sa akin si Dad at nagpatuloy siya muli sa kanyang pagkain. Nang mapatingin ulit ako kay Kuya Hugo ay nakita ko siyang napairap at nagpatuloy ulit siya sa kanyang pagkain. Hindi kasi kami close ng kapatid ko na si Kuya Hugo. Well, dati kaming close dalawa… pero after nang nangyari six years ago ay hindi na kami naging close dalawa at lagi na lang siyang galit sa akin. Kaya ngayon sa pagbabalik ko, nagbabakasakali ako na bumalik ulit ang closeness namin ng kapatid ko dahil miss ko na si Kuya Hugo. Nang matapos kaming kumain sa aming dinner ay sinamahan na ako ni Mommy sa aking kwarto. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay hindi ko mapigilan namamangha dahil ganun pa rin ang kulay, kulay pink na paborito ko. Ang linis na rin ng kwarto ko at parang kwarto ko pa rin six years ago, wala na nga lang mga laruan dahil hindi na rin naman ako bata. “Namiss mo ba ang kwarto mo, anak?” tanong sa akin ni Mommy. Napaupo ako sa aking kama at napaharap ako sa kanya at tumango. “Yes, Mom! Na miss ko talaga ang room ko. Thank you po dahil ganito pa rin ang room ko dito sa Andalucia,” nakangiti ko na sabi kay Mommy. Lumapit siya sa akin at umupo siya sa aking tabi at hinawakan niya ang aking kamay at nagsalita siya. “Alam mo bang sobrang saya ko na nandito ka na ulit, Brielle. Pakiramdam ko ay nagkaroon na ulit ako ng kakampi dito sa bahay. Alam mo naman, tayo lang dalawa ang babae sa pamilya natin,” madamdamin na sabi ni Mommy ngayon sa akin. Kitang-kita ko na rin ang maluha luha niyang mga mata habang nakatingin sa akin. Mas lumapit pa ako kay mom at pinisil ko ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay at ngumiti ako sa kanya. “Hindi na po ako lalayo sa inyo, Mom. Nandito na po ang baby girl niyo. Hindi ko na kayo iiwan ulit,” sabi ko sa kanya at ako na ang yumakap kay Mommy. Narinig ko ang kanyang pag iyak ng mayakap ko siya kaya hindi ko na rin mapigilan ang aking sarili na maging emosyonal. Ipinikit ko na rin ang aking mga mata at naramdaman ko na lang din ang pagtulo ng aking mga luha. Nang sumunod na umaga ay nakiusap ako kay Mommy na mamasyal sa sentro ng lugar namin kung saan may mga pasyalan. Pero ayaw pumayag ni Mommy. “Anak, mapapahamak ka lang!” Hindi ko mapigilan na magtaka sa kanyang sinabi. “Bakit naman po ako mapapahamak? Lugar po natin ‘to. Kahit na six years na po akong hindi nakabalik dito, alam ko pa rin ang pasikot-sikot sa lugar na ‘to dahil dito ako ipinanganak at lumaki. Mom, sige na po. Payagan mo na ako! Gusto kong mamasyal eh,” pakiusap ko ulit kay Mommy ngayon. Maaga kasing umalis si Dad dahil may event siya na pupuntahan kaya si Mom lang ang nandito ngayon sa bahay. Huminga siya ng malalim at wala siyang magawa kundi ang tumango at pumayag sa kagustuhan ko. Napangiti ako at natuwa ng sobra sa kanyang pagpayag. “Okay, fine! Papayagan na kita sa gusto mo. Pero kailangan mong magsama ng bodyguards.” “Mom! Ayoko ng maraming bodyguards. Hindi naman po ako sikat na artista eh,” nakanguso ko na sabi sa kanya. “Sige, isang bodyguard lang. Huwag ka ng magreklamo! Para na rin mapanatag ako, Aubrielle. Kailangan mo ng kasama!” sabi ni Mommy sa akin. Napangiti ako sa sinabi ni Mommy at napayakap ako sa kanya. “Thank you, Mom!” Nang pumayag si Mom sa gusto ko ay agad akong tumakbo papunta sa aking kwarto at nagbihis na ako ng aking susuotin. Isang simpleng skirt, at t-shirt na pink lang ang suot ko ngayon at ang aking sling bag. Naglagay din ako ng dalawang clip sa mahaba kong buhok at naglagay lang ng liptink sa aking labi at sunscreen. Gusto ko na maging simple lang ako dahil ganun naman talaga ako. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako ng hagdan at nandoon na rin ang bodyguard na kasama ko. Nagpaalam na ako kay Mommy at lumabas na rin kami. Sumakay na ako sa sasakyan at excited na ako sa pupuntahan ko. “Ma’am Aubrielle, saan niyo po gusto na mamasyal?” tanong sa akin ng kasama ko na bodyguard na siya ring nag dadrive ngayon sa kotse. “Uhm, gusto ko po muna pumunta sa park,” sabi ko sa kanya. Mabilis naman itong tumango at pumunta na kami doon. Hindi pa ako nakakapunta sa bagong park ng Andalucia. Nalaman ko lang ang tungkol dito sa mga posts nila Dad sa social media at super akong natuwa dahil ang dami ng pasyalan sa bayan namin. Nang makarating kami sa park ay mabilis akong lumabas. “Ma’am, wait lang po!” sabi ng bodyguard at nagmamadali itong lumabas upang sundin ako. Tumigil ako sa aking paglalakad at humarap ako sa bodyguard at tinignan ko siya ng seryoso bago ako magsalita muli. “Kuya, pwede po bang huwag niyo akong sundan? Kung kailangan po talaga, pwede ba na iyong hindi masyadong malapit? Ayoko kasi na pagtitinginan ako ng tao eh,” seryoso ko na sabi kay Kuya Bodyguard ngayon. Tumango naman si Kuya bodyguard kaya napangiti rin ako sa kanyang pag payagan. “Thank you, Kuya!” sabi ko at nagsimula na akong maglakad lakad ngayon. Ang daming mga kahoy sa paligid! May mga nakikita rin akong nag jojogging ngayon. May mga mag jowa na nakaupo sa may grass, may mga bata rin na naglalaro. Ang saya na dito sa bayan! Habang naglalakad ako ngayon, napatili na lang ako sa gulat ng may bumangga sa akin. Akala ko talaga ay matutumba na ako, pero may biglang humawak sa aking beywang upang saluhin ako at parang… parang bigla na lang nag slowmo ang paligid ng makita ko kung sino ang dumalo sa akin ngayon. Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko kung sino ang lalaking sumalo sa akin ngayon. Iyong nakita ko sa rally kahapon sa kalye! Oh my Gosh… nagkita ulit kaming dalawa. At ngayon ay may pagkakataon na ako na malaman ang kanyang pangalan, at hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ito. “I’m so sorry, Miss! Hindi ko namalayan na may tao pala,” wika ng lalaki na sumalo sa akin ngayon. Inayos ko na ang pagkakatayo ko ngayon at ang aking sarili habang nagkaharap kaming dalawa. Ang lakas na rin ng t***k ng aking puso ngayon habang nagkakatinginan kami ng lalaki na nasa aking harapan. Ang gwapo niya talaga. Bakit ko ba ‘to nararamdaman ngayon? “Miss?” muli niyang tawag sa akin. Hindi ko namamalayan na natulala na pala ako habang nakatingin sa kanya. Nakakahiya! Napa kurap kurap ako sa aking mga mata at nagsasalita ako. “I-I’m so sorry. Masyado akong nawili sa mga nakikita ko dito sa park kaya nabangga kita,” nauutal ko na sabi. Ngumiti siya sa akin. Gosh! He smiled at me! Mas gwapo siya kapag nakangiti siya. “Bago ka ba rito?” tanong niya sa akin. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at tumango ako. “Y-Yes, bago lang ako dito,” mahina kong sabi sa kanya. Muli siyang ngumiti sa akin at nagsalita siya. “I’m Lio, Fidel Emilio Valencia,” nakangiti niyang sabi at inabot niya ang kanyang kamay sa akin. Napalunok ako sa aking laway at napatingin ako sa kanyang kamay. Should I say my whole name to him? Nasa rally siya kahapon against sa pamilya namin. Kaya sigurado ako na kapag nalaman niyang isa akong Caballero ay magagalit siya sa akin. Huminga ako ng malalim at inabot ko ang kanyang kamay at sinabi ko ang aking pangalan sa kanya. “My name is Aubrielle Allison Dizon, you can call me Ali,” nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi ko pinakilala ang sarili ko bilang isang Caballero. Hindi ko kayang makita ang galit sa kanyang mga mata ngayon habang nakatingin sa akin. Ngumiti siya muli sa akin at tumango siya. “Nice to meet you, Ali. Welcome to Andalucia.” “Nice to meet you, too, Lio.” TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD