TMSA: 1

1119 Words
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 1 AUBRIELLE’S POINT OF VIEW. “EXCITED ka na bang umuwi ng Pilipinas, anak? I’m sure your Daddy will be happy to see you!” nakangiti na sabi ni Mom habang tinutulungan niya akong mag impake sa aking mga kagamitan ngayon na dadalhin pabalik sa Pilipinas. It’s been 6 years since I stayed here in the USA. Dito ako nag high school at ngayon ay babalik na ako ng Pilipinas at doon ko na ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Masaya ako na sa wakas, makakauwi na ako sa bayan namin sa Andalucia at makakasama ko na ang pamilya ko. Ako lang kasi mag-isa rito sa USA at wala akong kamag-anak dito. Dumadalaw lang sa akin ang pamilya ko dito 4 to 5 times a month. Kaya nakakalungkot talaga tumira rito. Buti na lang at pinayagan na ako ng Dad ko na bumalik na ng Pilipinas. Kaya ngayon ay nandito si Mommy upang sunduin ako kahit na busy siya sa work niya. She’s the vice-mayor in our municipality. While my Dad is the Mayor of Andalucia. Yes, sa government nagtatrabaho ang family ko. Family ng mga Politiko ang pamilya Caballero. Ang Kuya ko nga ngayon ay SK Chairman at SK federation na rin. Iyong uncle ko naman na kapatid ni Dad ay isang Governor. Iyong asawa naman ng Uncle ko ay ang Vice Governor at ang Congressman naman sa district 1 kung saan kami ay ang aking Grandpa. Yes, we have a political dynasty in our place. Nakaka-pressure sila sa totoo lang dahil ayokong pumasok sa politika at alam na iyon ni Mom kaya galit sa akin si Daddy. Gusto niyang sumunod ako sa yapak nila pagkatapos ko sa kolehiyo, pero ayoko. Ang gusto ko ay maging isang doctor at iyon ang pangarap ko na trabaho. “Sigurado ba talaga na masaya si Dad, Mom? Baka gawa mo lang ‘yan,” mahina kong sabi sa kanya. Natigil siya sa kanyang ginagawa at lumapit siya sa akin. Hinawakan ni Mom ang aking kamay at bahagya niya itong pinisil bago siya magsalita habang nakatingin sa akin. “Anak, nagtatampo lang naman ang Daddy mo. Pero mahal ka nun at miss na miss ka na niya. Syempre gusto niya lang naman na sumunod ka sa yapak namin eh—ang maglingkod sa mga tao,” wika ni Mom at ngumiti siya sa akin. “Maglilingkod pa rin naman ako sa mga tao, Mom. Hindi nga lang sa politics, pero sa medical field dahil gusto ko pong maging doctor. Sana po ay suportahan niyo ako sa gusto ko,” seryoso kong sabi kay Mommy. Nakita ko na para siyang nahihirapan ngayon sa sasabihin niya sa akin. Alam ko naman na under si Mommy kay Daddy eh. Si Daddy ang laging nasusunod sa pamilya namin at wala na kaming magagawa kung mag desisyon si Dad. Kaya kahit na sabihin ni Mom sa akin ngayon na suportado siya sa akin, si Dad pa rin ang huling mag dedesisyon. “Alam mo naman kung gaano kita kamahal, Brielle, right?” Ngumiti ako kay Mom at tumango. Hinawakan niya ang aking pisngi at ngumiti siya sa akin bago magsalita ulit. “Susubukan ko pa rin na kausapin ang Dad mo about sa gusto mong course sa college, okay? Pero hindi ako mangangako. Kilala mo naman ang Dad mo… siya pa rin ang masusunod.” Nakaramdam ako ng labis na saya sa sinabi ni Mom. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. “Maraming salamat, Mommy! I love you so much!” Masaya kong sabi habang yakap ko siya. Hinalikan ko rin ang kanyang magkabilang pisngi kaya mahina siyang napatawa. “I love you rin, anak ko.” Nang matapos na kaming mag ayos ng mga gamit ko ay umalis na kami. May private jet ang pamilya ko kaya iyon na ang aming ginamit. Tahimik lang ako ngayon dito sa loob ng eroplano habang si Mommy naman ay busy sa kanyang mga paper works. Pati dito ay may dala dala siyang trabaho kaya masasabi ko talaga na napaka dedicated ni Mommy sa work niya. Next election nga ay tatakbo si Mommy na Governor at alam kong mananalo siya dahil mahal siya ng mga tao. Nakarating na kami ng Pilipinas at ngayon ay nakasakay na kami sa Van habang pauwi sa probinsya cy namin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at tinitingnan ang bawat madadaanan namin. Napangiti ako ng makita ko ang karatola na WELCOME TO ANDALUCIA. Nasa bayan na talaga kami! Tumigil muna ang sasakyan namin ng mag stop ang traffic light. Napatingin uli ako sa labas at naningkit ang mga mata ko ng may nakita akong parang galing sa rally na mga kabataan, parang kaedad ko lang. Kita ko ang nakalagay sa mga karatola na dala nila at lahat ng ito ay tungkol sa pamilya ko—pagpapatalsik sa Pamilya Caballero. “MGA CABALLERO MANLOLOKO!” “CORRUPT KAYO MGA CABALLERO!” “NO TO POLITICAL DYNASTY! NO TO FAMILY CABALLERO!” Iyon ang mga nababasa ko sa mga dala nila ngayon at hindi ko maiwasan na makaramdam ng sakit dahil pamilya ko ang binabatikos nila. Habang binabasa ko ang mga nakalagay sa mga dala nila, hindi ko mapigilan na mapatingin sa lalaking nandoon din kasama ng ibang mga kaedaran ko. Matangkad ito, maputi at gwapo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin sa lalaking iyon. “Aubrielle, ‘wag mo nang tingnan ang rally na iyon. Propaganda lang yan ng kalaban ng pamilya natin,” wika ni Mommy na nasa aking tabi ngayon. Wala akong magawa kundi ang umiwas ng tingin. Ano kaya ang pangalan ng lalaking ‘yun? Unang araw ko pa lang sa bayan namin ay may crush na ako. Pero sana magkita pa ulit kami ng lalaking iyon at malaman ko ang kanyang pangalan. “WELCOME BACK HOME, AUBRIELLE!” Agad akong sinalubong ng pagbati ng mga tao sa bahay namin. Nandoon si Dad na nakangiting nakatingin sa akin at nakita ko rin si Kuya na nakatayo lang sa malayo habang seryoso ang tingin sa akin. “My unica hija is finally home! I missed you, anak!” Wika ni Dad at niyakap niya ako ng mahigpit. Napangiti ako at napayakap pabalik kay Dad dahil namiss ko rin talaga siya. “I missed you, too, Dad!” Nang matapos kaming nag yakapan ay inakbayan niya ako at bahagya niyang kinurot ang pisngi ko. “Dahil nandito ka na, madadagdagan na ang Caballero na maglilingkod sa bayan!” sabi ni Dad na ikinatahimik ko. Hindi na lang ako nagsalita at pinilit ko na lang na ngumiti kay Daddy. Ayokong pumasok sa politika. At ayokong sundin ang yapak ng pamilya ko. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD