SIMULA

1443 Words
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR SIMULA “Anong gagawin mo, Aubrielle?! Babalik ka sa Pilipinas? Doon sa bayan niyo na maraming galit sa pamilya niyo? Brielle, mapapahamak ka lang!” Napatingin ako sa aking kaibigan na si Alfred ng sabihin niya iyon sa akin. Naisip ko na rin iyon, pero wala na akong choice. Kailangan kong makuha ulit ang mga ari-arian ng pamilya ko lalo na’t importante ito sa aking ina. Gagawin ko ‘to para kay Mama. At gusto ko rin na bumawi sa mga tao sa bayan namin. Gusto kong ipakita sa kanila na ibang iba ako sa pamilya ko—na hindi ako katulad sa aking Papa na dating mayor sa bayan namin na sakim sa kapangyarihan. Huminga ako ng malalim bago ako mapatingin sa aking kaibigan na si Alfred at nginitian ko siya. “After ko naman makuha ang mga properties namin ay babalik na ako rito sa Australia, Alfred. Ayoko na rin naman mag stay doon eh.” Ayoko na mag stay doon sa Andulencia lalo na’t nandoon ang taong sinaktan ko nang sobra. Ayoko na rin na maalala pa ang mga alaala ng nakaraan. Gusto ko ng mag move forward. “Or baka ayaw mo lang na makita si Mayor?” Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin iyon ni Alfred. “S-Shut up, Alfred!” Humalakhak siya ng malakas. “I knew it! Iba pa rin talaga ang epekto ng isang Mayor Emilio kay Aubrielle Caballero!” Nakangisi na sabi ng aking kaibigan habang tinutukso niya ako ngayon. Napanguso na lang ako at napaisip kay Emilio. Kumusta na kaya siya? Sigurado akong kinalimutan na niya ako lalo na’t ako ang dahilan kung bakit siya nasaktan ng sobra. Alam kong nasa mabuti na siyang kalagayan at natupad niya na rin ang kanyang pinapangarap simula pa noon na maging Mayor sa lungsod namin sa Andulencia. “Hindi na ako aasa pa, Alfred. Ang alam ko ay may asawa na si Emilio eh,” mahina kong sabi. Kasal na siya… may pamilya na siya kaya wala na akong karapatan pang pasukin ulit ang buhay niya. “Hala! Hindi ka talaga updated sa news, Aubrielle, ano?!” Napakunot ang noo ko sa sinabi ng aking kaibigan at bahagya akong naguluhan. “Anong ibig mong sabihin, Alfred?” Tanong ko sa kanya. “Girl! May kumakalat sa news na nag che-cheat daw ang asawa ni Mayor Emilio sa kanya! May kinikitang lalaki sa ibang bansa! Grabe ‘yung babaeng ‘yun! Ang swerte na nga niya na si Mayor Emilio ang asawa niya dahil hindi lang matalino—macho at super pogi pa!” Natigilan ako sa sinabi ni Alfred at napaisip ako. Sana naman hindi totoo iyong news na iyon dahil nakakaawa si Emilio. Hindi niya deserve na maloko siya dahil mabuti siyang tao. Huminga na lang ulit ako ng malalim at hindi na ako nagsalita pa. Makalipas ang ilang linggo na paghahanda sa pagbabalik ko ng Pilipinas ay sa wakas ay pabalik na talaga ako. Kasama ko ngayon si Alfred sa pagbabalik ko dahil wala na akong pamilya at siya na lang talaga ang maaasahan ko. Nasa Australia rin ang pamilya ni Alfred at wala rin naman daw siyang gagawin kaya sasamahan na niya ako. “Welcome back to us sa Pilipinas!” nakangiti na sabi ni Alfred ng makalapag na ang eroplano namin sa airport. May sumundo sa amin na Van at hinatid na kami papunta sa hotel na pagsastayhan namin ngayong gabi. Tatlong oras pa kasi ang byahe para makarating kami sa bayan namin sa Andalucia kaya magpapalipas na muna kami ng gabi dito sa syudad. Isa lang na hotel room ang binook namin ni Alfred dahil wala naman kaming malisya dalawa dahil bakla itong kaibigan ko. Pero walang ibang nakakaalam na bakla siya kundi ako lang at ang kanyang secret boyfriend na isang Latino na nakatira sa Mexico. “Anong gagawin mo pag karating natin bukas doon sa Andalucia, Brielle?” tanong sa akin ng aking kaibigan. Napatingin naman ako sa kanya at napaisip. “S-Syempre pupuntahan ko muna ang bahay namin.” Tinaasan niya ako ng kanyang kilay. “May posibilidad na magkita kayo ni Mayor, Brielle. Handa ka na bang makita muli ang TOTGA mong si Mayor Emilio?” nakangisi na tanong ni Alfred sa akin na halatang nanunukso. Bahagya akong ngumiti sa aking kaibigan at sinagot ang kanyang tanong ng totoo. “E-Ewan ko, Alfred. Kinakabahan ako na makita muli si Lio. Tatanggapin ko na lang kung ano man ang kanyang pakikitungo sa akin kung magkita kaming dalawa,” mahina kong sabi. Lumapit sa akin si Alfred at hinawakan niya ang aking kamay at nginitian ako. “Hindi ka naman nag iisa, beshy. Nandito naman ako for you! Kaya mo ‘yan!” Napangiti ako kay Alfred at tumango ako. “Salamat sa pagsama sa akin pabalik dito sa Pilipinas, Alfred. Hindi ko talaga kayang bumalik na mag-isa eh.” Natulog na kami ni Alfred dahil maaga pa ang byahe namin bukas papuntang Andalucia. Nang sumunod na bukas ay naghanda na kami ni Alfred. May van kaming nirent na maghahatid sa amin sa Andalucia. Habang nagbabyahe kami ngayon ay tahimik lang ako na nakatingin sa labas ng sasakyan. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib sa kaba. After 8 years ay makakabalik na ulit ako sa Andalucia. 20 years old pa lang ako ng umalis kami ng buo kong pamilya sa bayan na naging buhay na rin ng pamilya Caballero. At ngayon ay magbabalik ako upang kunin ang dapat ay para sa amin. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinintay ko na lang na makarating kami sa Andalucia dahil tatlong oras pa ang byahe namin. Tanghali na ng makarating kami sa Andalucia at agad kaming dumiretso sa dati naming bahay. Nagtataka naman ako ng makita kong may tao sa loob na parang may nakatira. “Hala, Sis! May nakatira na sa mansion niyo?” Tanong ni Alfred. Nagmamadali akong bumaba at agad akong magtanong sa guard na nagbabantay sa harapan ng gate ng bahay namin. “H-Hello po! Pwede ba magtanong?” Napatingin sa akin ang guard at lumapit siya. “Yes po, Miss! Ano ang tanong niyo?” “Uhm, kami kasi ang dating nakatira dito sa mansion ng mga Caballero 8 years ago. Gusto ko lang po sanang matanong kung sino ang nakatira dito ngayon?” kinakabahan kong tanong sa guard. Ang alam kasi namin ay nakatambak lang itong mansion at hinihintay na lang na may kumuha sa pamilya namin. Kaya nagtataka talaga ako ngayon kung bakit may nakatira na rito. “Nako! Ma’am, si Mayor na po ang nakatira rito!” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng sabihin iyon ng guard. “P-Po? Sinong mayor ang sinasabi niyo?!” “Ako ang Mayor na tinutukoy niya…” Bako pa makasagot ang guard ay may nagsalita na sa aking likuran. Nagulat ako ng marinig ko ang boses na iyon. After 8 years ay narinig ko ulit ang boses na iyon. Unti-unti akong napaharap sa likuran ko at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Emilio sa aking harapan. Parang kagagaling niya pang mag jogging dahil pinagpapawisan pa siya at nakapang jogging attire pa. Malamig ang ekspresyon sa mukha niya ngayon habang nakatingin sa akin. “L-Lio…” mahina kong banggit sa kanyang pangalan. “Mayor Fidel! Buti nandito ka na po. Ito kasing si Ma’am Ganda, hindi ko alam ang pangalan, nagtatanong sino raw ang nakatira dito sa bahay niyo,” wika ng guard. Nakita kong napataas ang kilay ni Emilio bago siya muling tumingin sa akin. Humakbang siya palapit sa akin at ako naman ay parang naestatwa lang sa aking kinatatayuan ngayon. “I bought this mansion 3 years ago, Miss Caballero. And I am the new owner of this house if you didn’t know,” malamig niyang sabi sa akin. Natulala ako sa kanyang sinabi at napailing iling ako. “N-No way…” mahina kong sabi. Bahagya siyang ngumisi at tumango. “Yes way, Miss Caballero. Wala na ang properties niyo sa lugar namin. Kagaya ng pagtakas niyo at pag-iwan sa bayan na ito, ganun din ang nangyari sa mga properties niyo na para talaga sa mamamayan ng Andalucia. Kaya bumalik ka na kung saan ka nakatira ngayon. You’re not welcome here in my municipality,” malamig at seryoso na sabi ni Emilio bago niya ako nilagpasan at iwan sa aking kinatatayuan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking katawan ng sabihin iyon ni Emilio sa akin. Hindi pwede. Kailangan kong bawiin ang mga properties namin. Sa pamilya ko ‘yun! Sa mga Caballero ‘yun at babawiin ko ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD