THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 35 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. HINDI KO PINAPANSIN si Emilio—kahit tinignan siya ay hindi ko ginawa habang nasa loob kami ng classroom. Hindi ko na rin sinasagot ang mga tawag niya sa akin. Hindi rin ako pumunta sa bukid noong sabado kung saan kami nagkikita lagi. Ang ginawa ko ng araw na iyon ay sumama ako sa pamilya ko upang maglaro ng golf, at kami rin namin si Sean. Ayoko man na makasama si Sean ay wala akong magawa dahil nandoon din ang kanyang mga magulang. Kahit na ayokong nakakasama ko si Sean ay wala akong choice kundi ang sumama sa kanya upang makita kong nagseselos si Emilio. Bahala siya sa buhay niya. Gusto niya pala ang ganitong relasyon, ah? Sige, pagbibigyan kita. “May gusto ka bang ipabili sa akin, Aubrielle?” tanong sa aki

